"Pucha! Walang hiyang Bisugo! Nasaan daw sila!" galit na sambit ko dahilan upang pagtinginan ako ng mga empleyado. Nagbulong-bulungan sila pero wala akong pakialam dahil inis na inis ako sa oras na ito. Kung anak din nila ang tinangay, baka mangisay na sila sa kahahanap. "Wala namang sinabi si Sir Daniel, Mrs. Montero," aniya sa akin. "Correction, Ms. Cruz!" gagad ko sa kanya. "Tawagan mo na lang ako, kung narito na ang boss mo, at heto ang numero ko," saad ko na ibinigay sa kanya ang calling card ko at tinalikuran ko na siya at tinungo ko na ang elevator. Sumakay ako, pagdating ko sa baba ay agad kong hinanap ang mag-ama. Sh*t, mag-ama talaga! "Humanda ka sa akin, Daniel! Humanda ka!" nanggigigil na sambit ko. Inikot ko ang labas ng building, subalit hindi ko sila makita. Pati sa

