Nasa kasagsagan kami ng highway ni Daniel nang tumunog ang cellphone niya dahilan upang kuhanin niya ang headset at sinagot iyon. "Yes, Babe," sagot niya. Kaya alam ko na kung sino ang kausap niya. Si Alena. Umismid ako at isinandal ko ang aking ulo sa upuhan ng kotse dahil nakararamdam na naman ako ng selos sa babaeng tutubi na iyon! Hanggang ngayon pa nga ay nag-e-echo pa rin ang boses ni Daniel sa sinabi niya na mas maganda pa sa akin si Alena. So? Natural na iyon ang sasabihin niya dahil magjowa silang dalawa. Kahit halimbawang ako, kung panget ang boyfriend ko, sasabihin ko na guwapo siya dahil jowa ko siya. "Kaso, iba naman kasi si Daniel dahil puring-puri niya si Alena," bulong ng isipan ko. "I will call you, later, Babe dahil papunta ako ngayon sa bahay ni Hermes," n

