Umupo na kami ni Luna at nagkuwetunhan kami about sa buhay-buhay habang kami ay nagmemereyenda. At ganoon din si Hermes. Muntikan pa akong madulas, at mabuti na lang dahil nakalusot naman ako! "Kumusta na pala pagtatrabaho mo sa MBI?" tanong sa akin Luna. "Uhm, okay lang naman. At nakapapagod dahil laging maraming trabaho ang naiwan," pahayag ko pa. Sumulyap ako sa kinaroroonan ni Daniel at Hermes at ang sarap ng tawanan ng mga ito. Samantalang kami ni Luna ay seryoso ang pinag-uusapan namin. "Teka, na-invite na ba kayo ni Lucas sa party nila bukas?" tanong sa akin ni Luna. "Hindi pa, Pinsan. Baka gusto niya kaming sorpresahin ni Daniel?" untag ko. Naalala ko tuloy na baka iisa lang ang party na tinutukoy ni Luna at ni Daniel. "Baka nga, pinsan," komento niya. Nagkuwentuh

