Nang maubos na namin ang isang bote ng wine ay ako na nagpresintang kumuha dahil baka hindi bigyan ng mga waiter si Nan. May mga umiikot naman pero, baso-baso lang ang kanilang dala. Naglakad ako patungo sa kuhanan ng alak. Kumuha ako ng dalawang bote ng red wine. Actually, ngayon lang ako uminom ng ganito dahil pulang kabayo lang talaga iniinom ko at 2x2. Iyon lang naman kasi kaya ng budget ko, kaya hindi na ako naghahanap ng mahal. Ngunit hindi pa man din ako nakakarating sa puwesto namin ni Nan ay hinarang na ako ni Daniel. At nagbabagang tingin ang ipinukol niya sa akin. "Ibalik mo 'yan!" Mahina, ngunit nagbabagang tinig na sambit niya sa akin. "Paki mo ba! Sa gusto kong uminom! At saka, bumalik ka na nga kay Alena mo!" gagad ko. "Marami ka nang nainom, Ms. Cruz kaya ibalik mo

