Pagdating namin sa Mondragon Building ay muli akong inalalayan ni Nan na makababa dahilan upang pagtinginan kami ng ibang mga guests. Hindi ako sanay sa ganitong mga party lalo na at alam kong hindi ko naman ka-level mga bisita rito. Mas gusto ko po talagang um-attend kapag kami-kami lang. Ngunit negosyante rin naman kasi si Lucas. Luminga-linga pa ako sakaling makita ko sina Jack at Solly, pero hindi ko sila makita. Baka, todo paganda ang mga iyon. "Uhm, wala ka bang ka-date ngayon, Nan? Baka, may manabunot sa akin kapag nakita nila ako," biro ko kay Nan. "Wala naman, Tina. But if it's okay with you ay ikaw na lang ka-date ko ngayon," saad niya sa akin. Sasagot sana ako ng hindi nang huminto sa harapan namin ang pamilya na kotse. Bumaba ang may-ari niyon at pinagbuksan niya ng

