Daniel's POV Tiningnan lang ako ni Tina nang sinabi ko ang bagay na iyon sa kanya. But I need to do that para hindi niya ako mahalata. Huminga siya nang malalim. Umupo siya at nilagyan niya ng kanin ang plato ko kahit sinabi ko na busog ako. Well, hindi ko naman siya inuutusan. "Baka, kasi magutom ka, kaya kumain ka na lang kung gutom ka," mahinang aniya sa akin. "Kamo kasi kanina— na rito ka kakain kaya hinintay talaga kita. Kaso, ano'ng oras na kaya kumain na ako. Pero, kaunti lang kinain ko dahil pahamak na inodoro na 'yan," paninisi niya sa toilet bowl dahilan upang kumunot ang aking noo. Akala ko pa man din ay hindi siya nakakain dahil sa kahihintay sa akin. Iyon pala ay dahil lang sa inodoro! Damn! "What was in the toilet bowl?" maang na tanong ko. Sumubo siya ng kanin

