LIV

2052 Words

Ikalimampu’t Apat na Kabanata Komprontasyon Point of View: Third Person Taas-noong tinahak ni Clairn ang silid ng hari ng Nearon. Sa harap niya ay si Joe na siyang nagdala sa kaniya rito at nagpapasok kahit na kilala siya ng mga kawal bilang ang kriminal na si Clairn Novich Kuran. Tinalasan ni Clairn ang kaniyang paningin at siniguradong walang sinuman ang nakamasid o nakasunod sa kaniya. Kahit na nasa loob na sila ng palasyo ay malaki pa rin ang posibilidad na may nakapasok rito na myembrong nais siyang patayin. Isa pa, malaki rin ang posibilidad na narito nga sa loob ang pinuno ng Black Knights. At hindi dapat mawala sa kaniyang isipan na maaaring ang mahal na hari iyon. Nang makarating sila sa harap ng silid ng mahal na hari ay huminga muna siya nang malalim, hinahanda ang sarili

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD