Ikalimampu’t Tatlo na Kabanata Koneksyon Point of View: Third Person Tumingin sa taas si Clairn at hinanap ang lokasyon nina Shawn na siyang pinakamalapit sa kinaroroonan nila. Itinaas nito ang kaniyang kamay na nakayukom. Nang makita iyon ay agad siyang bumulong kay Jet, “May kasama nga tayong nakamasid din sa paligid.” Agad na silang kumilos at pumuslit sa loob. Ginamit nila ang nangyayaring kaguluhan para walang masyadong makapansin sa kanila. At gaya ng napag-usapan ay silang dalawa lang ang maaaring pumasok para usisain ang kaganapan sa loob habang nakaantabay naman ang iba pa sa labas. Ginamit nila ang bintana upang makapasok at wala silang makasalubong. Wala nang masyadong tao sa loob dahil halos nasa labas na ang lahat o hindi kaya naman ay palabas na. Tiyak na wala nang mag

