Ikatatlumpu’t Dalawa na Kabanata Clairn vs. Olivia Point of View: Third Person "Ang lalaking pinagkatiwalaan mo ng anak mo ay isa ring myembro. Hindi ba at nakatutuwa iyon?" Paulit-ulit na nag-replay sa utak ni Clairn ang mga katagang ito. Saglit pa siyang napatulala bago napapikit nang mariin. Ilang minuto pa ang nakalipas bago nag-sink in sa kaniya ang mga nangyari at mga sinabi ng kaharap. Sa huli, napabuntonghininga na lang. “Kilala ko si Hans,” ani niya bago lingunin ang kaharap. Kung gaano kabilis siyang nawala sa postura ay ganoon din kabilis na bumalik ang lakas ng loob niya at kompiyansa sa sarili. “Gaya ko, kahit na myembro siya ng Black Knights ay alam namin kung ano ang tama sa mali. Hindi siya gaya ninyo na susunod na lamang sa walang-mukha na pinuno at magiging sunod-

