Ikatatlumpu’t Tatlo na Kabatana Isang gabi sa kagubatan Point of View: Third Person Tinahak nina Clairn at Olivia ang matarik na bundok ng Nemesi. Ito ang sinasabing pinakamataas na bundok sa buong Arkania na bilang pa lamang ang nakaaakyat. Marami ang sumubok, pero marami rin ang nabigo dahil marami sa kanila ang hindi na nakauwi pa. Hindi na rin sila nahanap at ang tanging nasa isip na lang ng lahat ay patay na ang mga ito. At sa araw na ito, patutunayan nilang dalawa na pareho nilang maaakyat ang bundok at makabababa sa dulo nang walang magiging aberya. Dahil sa dulo ng bundok na ito ay ang kinaroroonan ng ikalawang dibisyon, ang sunod na papatayin nina Clairn at Olivia. Hinawi ni Olivia ang mga damo at halaman na humaharang sa kaniyang daraanan. Nang tanawin niya ang dulo at tukto

