Ikatatlumpu't Apat na Kabanata Plan B Point of View: Third Person Napaangat ang tingin ng ikalawang prinsipe dahil sa pagdating ni Rhonwen. Seryoso itong yumuko sa kaniyang harap bago nagsalita, "Patawad, mahal na prinsipe, hindi ko nailigtas si Vaness mula sa assassin." Halata ang pagkadismaya at pighati sa kaniyang boses kahit pa hindi siya malapit sa dalaga. Katatapos lang ng burol para sa dalaga at siya lamang ang nakasama sa pagburol dito. Dumalaw naman ang ikalawang prinsipe noong nakaraan sa tahanan nito at muling dadalaw sa puntod sa susunod na araw. Saglit na natahimik si Prinsipe Alryzen dahil sa tinuran nito. Nang maintindihan niya ang nais ipahiwatig ng kanang-kamay ay napailing na lang siya. "Hindi mo kasalanan, Rhonwen. Kung mayroon mang may kasalanan ay ang Black Knig

