Ikatatlumpu't Lima na Kabanata Ebidensya Point of View: Third Person "MAY BALITA KA na ba tungkol kay Clairn?" tanong ng Mahal na Hari kay Joe pagkapasok pa lamang nito ng kaniyang silid. "Nakatawid na po sila sa bundok ng Nemesi, Mahal na Hari. May ilang assassin ang humarang sa kanila ngunit mabilis din silang napatay nina Clairn at Olivia. Kung magpapatuloy ito ay baka mabilis niyang matapos ang misyon na naiatas sa kaniya." "Mabuti naman kung ganoon." Nakahinga ito nang malalim ngunit bahagyang kumunot ang noo. "At sino si Olivia?" "Ang pinuno ng unang dibisyon na derektang nasa ilalim ng Black Knights, Mahal na Hari." "Hindi ba at ang unang dibisyon ay nabura na ni Clairn?" "Ito ang isa sa mga natanggap ko mula kay Clairn. Panibagong mga grupo ang binubuo ng Black Knights. Ang

