Ika-apatnapung Kabanata Daloy ng Tubig Point of View: Third Person Nakatanaw si Clairn mula sa malawak na kagubatan. Hindi masyadong malamig ang simoy ng hangin at hindi rin ganoon kainit. Kumpara sa mga lugar na napuntahan na niya noon ay walang masyadong hayop sa lugar na ito maliban sa ilang mga ibon na lumilipad sa himpapawid. Binisita niya ang bukiran ng baryo ng Genin kanina ngunit wala siyang nakita kung hindi ang tuyong kalupaan nito. Talagang wala siyang nakitang kahit anong kulay berde sa lugar at puro tuyong lupa lang. Kung mayroon man ay halos wala na rin iyong mga buhay at hindi na magtatagal pa. Kahit malalim ang iniisip ay naramdaman pa rin ni Clairn ang paglapit sa kaniya ng ikalawang prinsipe. Sabay nilang tinitigan ang kalawakan ng gubat nang tahimik. Walang nagsal

