Ikatatlumpu't Siyam na Kabanata Ang puno't dulo Point of View: Third Person Gaya ng napag-usapan ay inaksyunan agad ni Clairn ang tungkol kagabi. Kinabukasan, umaga pa lang ay umalis na siya sa baryo ng Demin upang magtungo sa lugar na tinutukoy ng mag-asawang Nas at Meredith, ang baryo Genin. Mas kilala ang lugar na ito bilang baryo ng Demin, ngunit ang hindi alam ng karamihan ay mayroon pang maliit na baryong tago mula sa publiko, at iyon nga ang baryo ng Genin. Sa sobrang liit nito ay halos kaunti lang ang nakaaalam na mayroong lugar na ganito. Na kapag nabura ito at nawala ay kaunti lang ang makaaalam at habang-buhay nang makalilimutan. Kung mayroon mang nakaaalam sa lugar na ito ay para bang hindi na dapat pagtuonan pa ng pansin dahil ni sa mapa ay hindi ito nakikita. Ngunit ku

