Ikatatlumpu't Walo na Kabanata Baryo Demin Point of View: Third Person Yumuko si Clairn upang iwasan ang naging suntok ni Olivia. Sinundan naman ng huli ang suntok ng isa pa gamit naman ang kaliwang kamao bago sunod-sunod na pinagsisipa ang tagiliran nito. Lahat ng iyon ay naiwasan at nasangga ni Clairn. Pinanood niya itong mapagod sa ginagawa hanggang sa ito na mismo ang sumuko at humiga sa lupa. Habol nito ang hininga habang nakapikit. Mabilis at malalim ang pagtaas at pagbaba ng dibdib niya dahil sa ilang oras na pakikipaglaban kay Clairn. Kahit ano ang gawin niya ay hindi talaga siya makaporma rito. Kahit anong pag-atake niya ay para bang kabisado na nito lahat ng galaw niya. "Kalahating oras na pahinga bago magpatuloy," anunsyo ni Clairn habang umiinom ng tubig na sinalok mula s

