Ikatatlumpu't Pito na Kabanata Ang ikalawang prinsipe Point of View: Third Person Nakatitig ang ikalawang prinsipe sa mabituing kalangitan. Madilim ang paligid at malamig ang simoy ng hangin na kahit sa suot nitong makapal na hanbeok ay tumatagos lang ang lamig. Imbis na umangal sa binibigay nitong lamig ay mas dinama pa niya ang lamig nito. Ipinikit niya ang mga mata at doon siya nakaramdam ng kaginhawaan. Ilang saglit pa ay isang imahe ng babae ang nabuo sa kaniyang isip. Bago pa man mabuo iyon ay agad na siyang dumilat at umiling. "Ano bang iniisip mo? Hindi ito ang tamang panahon para isipin siya. Hayaan mo na si Rhonwen na maghanap sa kaniya at may malaking responsibilidad ka na kailangang gampanan." Bahagya pa nitong tinampal ang kaniyang mga pisngi para gisingin ang diwa. Na

