Ika-apatnapu’t Walo na Kabanata Huling Pasya Point of View: Third Person “Olivia!” Pinanood niya kung paano bumagsak ang katawan ni Olivia mula sa tuktok ng bundok pababa. Sinubukan pa niyang lumapit ngunit napagtanto niyang nasa tuktok din siya ng bundok gaya nito. Napapamura na lang siya nang kumalat ang dugo ni Olivia sa tubig nang bumagsak ang katawan nito sa ilog. “May oras ka pa para pumili,” ani lalaki sa kaniyang likuran pero hindi niya pinansin. Malalim na ang isip niya kung paano maililigtas ang babae sa ganito kalayong lugar ngunit naiintindihan niya pa rin ang sinasabi nito. “Dalawang araw mula ngayon ay may sasakyan kaming ipadadala rito mismo sa sentro upang sunduin ka papunta sa pasilidad ng pinuno. Kapag hindi ka dumating bago lumubog ang araw ay aasahan na naming

