Ikalimampu't Walo na Kabanata Kaibigan Point of View: Third Person Napakuyom ang kamay niya habang nakatingin sa kanilang lahat na kaharap ang pinuno ng Black Knights. Wala na itong matatakbuhan kaya naman napangiti na siya sa sarili. Matapos ang ilang taon na paghahanap sa pinuno ay ito na siya sa harap niya at malapit nang kaharapin ang kamatayan. Ngunit nang tumagal ang naging pag-uusap ng mga ito ay alam niyang may mali. Hindi niya alam kung ano pa ang hinihintay ng mga ito at hindi pa kumikilos para patayin ang pinuno na matagal na nilang tinutugis. Bakit nag-uusap pa ang mga ito kung pwedeng-pwede na nilang patayin ito ngayon pa lang? Nang dumating ang isang babae na medyo may katandaan na kumpara sa kanila ay mas lalo lang siya napamura sa isip niya. Kung kanina ay naiinip lang

