"Anak ng mahabagin! Anong pumasok sa kokote ninyo at tumakas kayo? Ang akala ng lahat ay nakipagtanan kayo kahit na wala naman kayong kasintahan!"
Nakayuko lamang kaming tatlo habang galit na sumisigaw si Aling Pasing, ang matandang kasambahay.
"Maaga akong papanaw sa inyo!"
"Gabi na po," si Kuya Pedro.
"Pedro!" galit na sigaw ng matanda.
Natatawa ng umalis si Kuya Pedro at baka sa kan'ya mabaling lahat nang galit ng matanda.
"Leandro, pagsabihan mo ang mga binibining iyan!" Sigaw ng matanda bago umalis patungo sa kan'yang silid.
Kagat labi kong inangat ang tingin ko at sumalubong sa akin ang galit na mukha ni Leandro. Agad akong napanguso, kahit galit siya ay gwapo parin. Lord unfair sa panahon ko ay walang ganyan.
"Bakit hindi kayo nagpaalam?"
Mahinahon ang boses niya pero bakas parin ang galit.
"Hindi naman kami papayagan, Kuya."
"Iyon naman pala, alam niyong hindi kayo papayagan pero tumuloy pa rin kayo?"
Napangiwi si Teresa.
"Kasalanan ko ako ang nag-aya," pag-amin ko.
Bumaling siya sa akin at napahilot siya sa kan'yang sintido. Halatang halata ang pagpipigil niya.
"Josefa..." lumambot ang boses niya. "Josefa, alam mo ba kung gaano kalabis ang takot ko nang umuwi ako dito at hindi ka matagpuan?"
"Ay si Josefa lang?" singit ni Teresa.
Bahagyang natawa si Silvia at ako naman ay nag-init ang pisngi. Ano bang sinasabi niya?
"Hindi ako nakikipagbiruan, Teresa. Nais niyo yatang isang buwan hindi makalabas ng ating bakuran," pananakot ni Leandro.
Aba wag mong sabihin na uso na rin dito ma-grounded. Bored nga kami kaya tumakas tapos ikukulong niya pa kami.
"Ikaw ang bahala kuya ngunit hindi kami makakadalo sa kasal mo."
Tila natauhan si Leandro nang mabanggit ni Teresa ang kasal. Nanahimik ito at bumuntong hininga.
"Umakyat na kayo."
Yon lang at iniwan na niya kami. Sabay-sabay kaming nagkibit balikat at Umakyat na sa kan'ya kan'yang mga silid. Mabuti na lang at pinagbihis naman nila muna kaming tatlo bago sermunan. Lumapit ako sa bintana at tumanaw sa labas.
Nandoon si Leandro at Kuya Pedro sa harapan ng bahay, nag-iinuman. Tumatawa si Kuya Pedro habang nakasimangot naman si Leandro.
"May pagkapasaway din pala iyang si Josefa," tumatawang wika ni Kuya Pedro.
Nakasimangot naman ako, totoong di kami nagpaalam ngayon pero di naman ibigsabihin pasaway na ako diba?
"Halos masiraan ako ng bait ka hahanap ko sa kanila, at aatakihin ako sa puso nang makita kong nasa ilog si Josefa," si Leandro.
Tumawa si Kuya Pedro, "Takot na takot ka noong sabihin ni Mang Juan na nakita niyang nagtungo sa ilog ang tatlo!"
"Papaanong hindi? ang huling beses na nakita ko si Josefa sa ilog ay muntik na siyang malunod."
"Ngunit talagang pasaway ang binibini."
Napanguso ako sa pinag-usapan nila. Nagawi ang tingin ni Leandro sa bintana ko at nahuli niya akong nakikinig. Hindi na ako nag-abalang tumago pa dahil huli na rin naman. Pinagtaasan niya ako ng kilay, aba't proud pa siyang pinagtsitsismisan nila ako! I rolled my eyes on him. Napangiti siya nang malawak sa ginawa ko. Talagang natutuwa pa siya.
Lumingon din si Kuya Pedro sa gawi ng bintana ko at natawa nang makita ako. Hinayaan ko na silang dalawa at sinarado na ang bintana.
Patulog na ako nang marinig ko ang mahinang katok sa pintuan. Lumapit ako doon at binuksan. Tumambad sa akin ang namumulang si Leandro.
"B-bakit?"
Ngumiti siya sa akin. Halatang-halata ang pagkalasing niya. Pumasok siya sa loob ng silid ko at naupo sa kama ko. Ano namang problema ng isang ito, wag niyang sabihing sesermunan niya ako.
Isinara ko ang pintuan pero hindi ko iyon ni-lock. Lumapit ako sa upuan sa kalapit ng maliit na mesa at naupo roon. Tinignan ko si Leandro gamit ang mapanuring mata.
"Josefa..."
Nagulat ako sa lambing nang boses niya. Malayong-malayo sa istriktong tinig niya.
"B-bakit?" Nauutal na tanong ko sa kan'ya.
He tapped the space beside him, "Dito ka."
"H-ha?"
Naguguluhan akong lumapit sa kan'ya at naupo sa tabi niya. Bumuntong hininga siya bago tumingin sa mga mata ko. Parang ang dami-daming gustong sabihin ng mga mata. He looked so problematic, dahil ba 'to sa pagtakas namin kanina pero grabe naman kung didibdibin niya pa iyon.
Gamit ang kanang kamay ay hinawakan niya ang pisngi ko. Nanigas ang katawan ko hindi ako makagalaw at hindi ko rin magawa ng tumingin nang deritso sa mga mata niya.
"Tumingin ka sa akin."
I slowly looked at him. He leaned closer. I found myself closing my eyes. A soft thing touched my lips, I'm sure it was his lips. Gumalaw ang mga labi niya at dinama ko ang bawat pag galaw noon. This is the first time someone kissed me, and it felt so magical.
Bumitaw ang mga labi niya ngunit ang kan'yang noo ay nakadikit sa noo ko. I opened my eyes and saw his eyes, still closed.
"L-leandro..."
Nagbukas ang kan'yang mga mata at tumitig sa akin. Ang akala ko ay lalayo na siya pero mahigpit niya akong niyakap.
"Josefa..." parang nagmamakaawa ang boses niya.
"Chelsea," pagtatama ko sa kan'ya.
Hindi ko alam pero may nagtutulak sa akin na sabihin sa kan'ya ang totoo kong pangalan. Alam kong makakabalik ako sa panahon ko pero hindi ko alam kung kailan kaya bago pa man mangyari iyon ay gusto kong malaman niya ang totoo kong pangalan.
"Chelsea... Kung sasabihin mong wag kong ituloy ang kasal, susunduin kita."
Nagsusumamo ang boses niya, akala ko ba ay mahal niya si Elizabeth pero bakit ganito? Parang hinihiling niya na pigilan ko siya.
"B-bakit?" Nagtataka ako. "Hindi mo ba siya mahal?"
Ang tanong na noong una pa lamang ay bumabagabag na sa akin. Nang makarating ako sa panahon nila ay iyon ang tanong na gustong-gusto kong malaman. I really love their lovestory, the way I understand it from the book, he loved her so much. Ngayong nasa harapan ko na sila, ngayong nakilala ko sila, bakit siya nakayakap sa akin at tila nagmamakaawa na pigilan ko ang kasal.
"Hindi," walang kahirap-hirap na sagot niya.
"May ibang laman ang puso ko," He paused, humiwalay siya sa yakap then continue, "Ikaw... Hindi ko alam kung saan ka nagmula... hindi kita lubusang kilala pero sa panahong nakasama kita, ayoko nang pakawalan ka pa."
He's confessing to me? Ramdam ko ang kakaibang pakiramdam sa sikmura ko. Nag-init ang gilid ng mga mata ko. Nagulat siya at agad na pinahid ang mga luhang kumakawala sa mata ko.
"H-hindi... Hindi maaari," I said between my sobs.
Gustuhin ko mang makasama siya ay may pamilya akong naiwan sa panahon ko. Hindi sapat ang pagmamahal para abandonahin ang pamilya.
"Sabihin mo lang na iniibig mo rin ako, lalaban ako. Haharapin ko ang galit nila, hayaan mo lang ako na mahalin ka."