Kabanata 14

1161 Words
Nakatitig ako kay Leandro habang nasa harap ng altar at hinihintay ang Elizabeth na dahan-dahang naglalakad palapit sa kan'ya. Ito ang tama hindi ba? Ikakasal sila at magmamahalan. Masaya ako at kinikilig noong binabasa ko ang kwento nila pero bakit para akong dinudurog ngayong pinanunuod ko sila? Nag-init ang gilid ng mga mata ko, sumisikip ang dibdib ko. Hindi ko kaya... Hindi ko kayang tapusin... Hindi... Nagmamadali akong tumayo at lumabas ng simbahan. Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Ano ba namang alam ko sa panahong ito? Pinagtitinginan ako ng mga tao habang tumatakbo at umiiyak. Nang makalayo na ay napaupo na lamang ako sa lupa. I covered my face using my two hands. I cried so hard. Ganito pala ang masaktan, ganito pala kasakit makitang ikinakasal sa iba ang taong mahal mo. Lord naman, dinala mo ba ako dito para ma-broken hearted? Alam kong hindi ko ito panahon kaya malaking katangahan na nahulog ako kay Leandro. Nang sabihin niya na mahal niya ako, gusto kong maging marupok. Gusto kong maging kami at magmahalan pero hindi pwede... Kapag nakabalik na ako sa panahon ko ay maiiwan ko siya, masasaktan lamang kami pareho kaya tama lamang ito. Naramdaman ko ang maliliit na butil ng ulan na pumapatak, hanggang sa lumakas. Tumingala ako at dinama ang pagpatak ng ulan sa mukha ko. I closed my eyes and let the rain hide my tears. I hope it can hide my broken heart too. Lord ibalik mo na ako, please. Tumigil ang pagpatak ng ulan sa mukha ko pero sa balikat ko ay ramdam ko parin. Nagmulat ako at bumungad sa akin ang isang palad na humaharang sa ulan upang wag tumama sa mukha ko. Leandro... He's here, tapos na ba? Hindi na nababasa ng ulan ang mukha ko kaya alam kong alam niya na luha na ang umaagos sa pisngi ko. "T-tapos... N-na?" nanginginig man ay nagawa ko paring itanong. Yumuko siya at hinawakan ang magkabilang balikat ko, pilit niya akong itinayo mula sa pagkakaupo. Pinilit kong ituwid ang tayo pero dahil sa tagal nang pagkakaupo ko at dahil sa lamig ng ulan ay nanghina ang tuhod ko. Mabilis niyang sinalo ang bewang ko nang muntik na akong mabuwal. Nanginginig ang mga tuhod ko. "Umuwi na tayo." Tumingin ako sa kan'ya kahit na hindi pa tumitigil ang luha ko. Wala na akong pakialam kung makita niya ang pag-iyak ko, nakita narin naman niya. "Tapos na ba?" ulit kong tanong sa kan'ya. Tumitig siya sa mga mata ko. Inabot niya ang pisngi ko at pilit pinapalis ang mga luha kong parang gripo. Kahit alam niyang imposible na matuyo niya ang mga luha ko ay patuloy niya paring pinupunasan ang pisngi ko. "S-sagutin mo ako..." humikbi ako. Gusto kong marinig. Napapikit ako nang ilapit niya ang mukha niya at halikan ang mga mata kong lumuluha. Ang kaliwa pagkatapos ay ang kanang, ngunit kahit na hinalikan niya ang mga iyon ay patuloy lamang na bumabaha ang mga luha ko. Niyakap niya ako nang mahigpit. Nanginginig akong humagulhol sa dibdib niya. Ang sakit! "Umuwi na tayo, magkakasakit ka." Umiling ako kahit na hindi naman niya nakikita. Ayokong umuwi sa bahay mo, sa panahon ko, doon ko gustong umuwi. "Chelsea." Natigilan ako nang banggitin niya ang totoo kong pangalan. "Chelsea, mahal..." napakalambing na wika niya. "Umuwi na tayo." Fuck! Hindi ako nagmumura pero... Tangina sa sobrang lambing ay parang hihimatayin ako. Mahal? Oo corny pero masarap sa pandinig. "M-mahal?" Humiwalay ako sa yakap niya at tumingala sa kan'ya. Nagtatanong ang mga mata ko. Gamit ang dalawang palad ay hinawakan niya ang pisngi ko at dinikit ang noo niya sa noo ko. "Mahal, mahal kita." Matamis siyang ngumiti habang ako ay parang lumulutang sa saya. "Hindi natuloy ang kasal." "Ha?" "Ayokong matali sa babae na hindi ko naman iniibig, patawarin ako ni Esperanza ngunit hindi ko matutupad ang pangako ko sa kan'ya." "Esperanza?" Tanong ko sa kan'ya. "Umuwi na muna tayo, saka ko na lamang ipapaliwanag." Tumingin siya sa labi ko, "Namumutla ka na." Bahagya kong nakagat ang labi ko sa sinabi niya. Nag-iwas siya ng tingin at inalalayan ako palapit sa isang kabayo. May dala pala siyang kabayo paghahanap sa'kin pero hindi ko naramdaman kanina. Ganoon ba talaga pag nasasaktan? Sumakay kami sa kabayo para makauwi. Pagkarating namin sa bahay nila ay nandoon ang mga kamag-anak niya na dumalo sa dapat ay kasal nila ni Elizabeth. "Leandro!" sigaw ni Aling Pasing. "Anong pumasok sa iyong isip at tinakbuhan mo ang iyong kasal? Malaking gulo ito, tiyak na galit na galit ang pamilya ni Elizabeth!" Nakayuko lamang ako sa gilid ni Leandro at halos magtago na sa likod nito. Pero kahit anong tago ko ay napansin pa ako ng matanda at binalingan. "Ikaw naman Josefa, ano at may paalis alis ka pa ng simbahan? Alam mo ba ang gulong nilikha mo? Ano bang tingin ninyo sa kasali biro lamang?" Sunod-sunod na tanong ng matanda. Hinawakan ako ni Leandro at tinago sa likod niya. "Walang kasalanan si Josefa, ako lamang. Pakiusap wag niyog pagtaasan nang boses si Josefa," magalang na pakiusap ni Leandro. "Ha! Ano bang nangyayari sa iyo, labis labis ang pag-iingatan mo kay Josefa at kahit mismong kasal mo ay nagawa mo pang iwanan?" "Iniibig ko po si Josefa," diretso ng sagot niya sa matanda. Halos isubsob ko na ang mukha ko sa likod niya nang makita ang mga tingin ng buong angkan niya. Ang mga may edad na ay nanlaki ang mga mata samantalang ang mga pinsan niya ay pawang mga nakangisi. "A-ano? Anong iyong tinuran?" gulat na tanong ng matanda. Hinigit ako ni Leandro mula sa likod niya at hinarap sa buong angkan niya. Halos hindi ako makatingin nang diretso sa mga ito, nag-iinit ang pisngi ko, siguradong pulang-pula na ako. "Patawad kung isang malaking kahihiyan ang nagawa ko ngayon, ngunit hindi ko nais na matali kung iba naman ang nilalaman ng aking puso," tumigil siya saglit at lumingon sa akin. He held my hand and continue, "Si Josefa siya ang tunay kong mahal at handa akong harapin ang lahat magkasama lamang kami." Walang nagreklamo, halatang nagulat ang lahat. Nang mag sink-in na sa kanila ang sinabi ni Leandro ay tumango lamang ang mga ito. "Walang problema sa amin, pamilya mo kami ngunit sana ay alam mo na sa mga oras na ito ay labis ang galit ng pamilya ni Elizabeth," wika ng isang matandang lalaki. "Opo, Tiyo Arthuro handa naman po akong harapin ang galit nila." Napailing iyong Arthuro parang di makapaniwala sa sinabi niya. "Matapang ka sa ngalan nang pag-ibig ngunit ang kinakatakot namin ay baka buhay ang kapalit," he said and massage his head na para bang sumasakit ang ulo nito. Kinabahan ako sa sinabi ng matanda. Buhay? Bakit papatayin ba si Leandro dahil sa ginawa niya? Parang di ko kakayanin iyon, iniisip ko pa lamang ay labis-labis na ang paninikip ng dibdib ko. "Leandro!" Napalingon kami sa bulwagan nang may sumigaw mula roon. Mas dumoble ang kaba ko dahil sa posibling mangyari.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD