"Leandro! Lumabas ka!"
Gumalaw si Leandro at akmang lalabas na pero mahigpit akong yumakap sa braso niya at umiling. Lumabas ang matanda ng Arthuro kasama si Kuya Pedro at iba pang lalaki na kasama namin.
Susunod sa kanila si Leandro at pilit kumakawala sa akin pero umiyak ako.
"W-wag... p-pakiusap," umiiyak na pigil ko sa kan'ya.
Hindi ko kayang isipin na lalabas siya at haharapin ang galit na pamilya ni Elizabeth. Ayoko, hindi ko kaya.
"Mahal, magtiwala ka makikipag-usap lamang ako sa labas."
Sunod-sunod na iling ang ginawa ko. Hindi, imposible na usap lamang ang magaganap. Humagulhol ako at yumakap sa kan'ya. Wala akong pakialam kung nakikita ako ng buong pamilya niya. Hinawakan niya ang buhok ko at marahang hinaplos iyon. Bahagyang kumalma ang pag-iyak ko. Humiwalay siya sa yakap ko at tumingin sa mga mata ko.
"Hindi ako mawawala sa iyo, pangako. Nais mo bang magpatawad na ako ng doktor kung sakali ng magkasakitan sa labas?"
Napanguso ako at tumango-tago.
"Tahan na mahal, nababawasan ang iyong ganda."
Eksaheradang tumikhim ang mga babae niyang pinsan. Lumingon siya sa mga ito at ngumisi. Parang proud na proud pa siya sa pangbobola niya! Akala naman niya madadaan niya ako sa pagano'n-gano'n. Hindi ako marupok.
"Magtiwala ka, mahal ko," kinuha niya ang kamay ko at hinalikan iyon.
Nakagat ko ang labi ko sa ginawa niya. Hindi ako nakapagsalita at hindi rin ako nakagalaw. Huli na nang makita ko siyang nakalayo na sa akin at nakalabas na ng bahay. Isang halakhak ang nagpabalik sa akin sa katinuan. Nilingon ko si Karminsita na labis ang pagtawa.
"Magaling, magaling," papuri niya sa ginawa ni Leandro.
Ang lakas nang loob niyang isahan ako at pagsamantalahan ang kahinaan ko! Humanda siya sa akin pagkatapos nang gulong ito, magtutuos kami.
"Ang kapal ng mukha mong gawin iyon sa kapatid ko!"
Bigla akong kinabahan nang marinig ko ang sigaw na iyon sa labas. Mabilis akong tumakbo palabas. Bumungad sa akin ang mag-asawa ng umaalo kay Elizabeth na umiiyak, sila siguro ang magulang ng babae. Isang lalaki ang nakahawak sa kuwelyo ng barong ni Leandro galit na galit nitong sinisigawan si Leandro. Hindi pa nga kami nakakapagbihis ni Leandro at parehong natuyo na lamang ang damit na nabasa ng ulan.
"Hayop ka!" sigaw ng lalaki at lumapat ang kamao nito sa panga ni Leandro.
Napasigaw ako at patakbong lalapit sana nang pigilan ako ni Kuya Pedro. Nagwawala ako ngunit mahigpit na hinawakan niya ang magkabila kong braso. Kitang-kita ko kung papaano suntukin nang paulit-ulit noong lalaki si Leandro. Hindi siya lumalaban at hinahayan lang na saktan siya.
Parang tinutusok ng libo-libong karayom ang puso ko habang nakikita siyang binubugbog at tinatanggap niya ang lahat nang iyon. Ito ang kapalit nang pagmamahal niya sa akin. Masakit, ang sakit magmahal. Tama na... Tama na... Stop hurting my love,please. Sobrang sakit na ng mata ko sa pag-iyak. Dumudugo na ang mukha ni Leandro pero hindi parin nila ito tinutulungan, nakatingin lamang sila habang binubugbog ang mahal ko.
"K-kuya tama n-na," mahinang sambit ko.
"T-ama na... P-pakiusap t-tumigil ka na," ang sakit-sakit na hindi ko na kaya.
Malakas kong Hinigit ang braso ko mula kay Kuya Pedro at tinulak siya papalayo sa akin. Mabilis akong lumapit kay Leandro at pilit na Hinigit ang lalaking nakapaibabaw sa kan'ya. Galit itong bumaling sa akin at malakas akong tinulak. Sumalampak ako sa lupa pero hindi ko ininda 'yon at gumaspang pabalik kay Leandro.
"Josefa!" sigaw ni Kuya Pedro.
Patakbong lumapit sa akin si Kuya Pedro sa akin at pilit akong hinihigit palayo. Binitawan ng lalaki si Leandro at bumaling sa akin.
"Ikaw babae, ikaw ba ang dahilan nang lahat ng ito?"
Galit itong nakatitig sa akin. Bahagyang akong natakot, sasaktan niya rin ba ako? Pero mas mabuti na iyon kaysa patuloy niyang saktan si Leandro.
"W-wala s-siyang kasalanan," hirap na hirap na sabi ni Leandro. "K-kuya," bumaling siya kay Kuya Pedro.
Mabilis akong hinigit patayo ni Kuya Pedro at akmang ilalayo na doon nang patakbong lumapit si Elizabeth at hinigit ang buhok ko. Pilit akong pinoprotektahan ni Kuya Pedro pero maging siya ay pinagsasampal ni Elizabeth.
"Ang lakas nang iyong loob para magpakita pa! Inagaw mo sa akin si Leandro!" sigaw ni Elizabeth.
Pilit niyang inabot ang buhok ko at hinigit iyon nang malakas. Halos mapunit ang anit ko sa ginawa niya. Nawala na ang pagkamahinhin niya.
"Naging mabuti naman ako sa iyo! Isa kang ahas!"
Galit na galit niyang hinigit ang buhok ko at paulit-ulit akong sinampal. Nanghihina ako kaya hindi ko magawa ng lumaban sa kan'ya. Pakiramdam ko ay hindi rin ako dapat lumaban sa kan'ya at dapat tanggapin na lamang ang lahat nang galit niya. Kasalanan ko na nasasaktan siya ngayon. Inagaw ko ang lalaking mahal niya. Her anger is valid. I deserve her painful slaps. Kung nasasaktan ako, alam kong doble non ang sakit at kahihiyang nararamdaman niya.
Mahigpit niyang hinawakan ang buhok ko at sinubsob ako sa lupa. Hinang-hina ako, binitawan niya ako akala ko ay tapos na siya pero gamit ang paa niya ay tinapakan niya ang ulo ko dahilan para mas masubsob ako sa lupa.
"A-ahh," mahinang dating ko.
Ilang sandali ay nawala ang pagkakadagan ng paa niya sa ulo ko. Nang iaangat ko ang paningin ko ay nakita ko si Elizabeth na napaupo sa lupa. Galit na nakatingala siya ngayon kay Teresa na nasa harapan niya.
"Teresa!" galit na sigaw ni Elizabeth.
"Ano?" Matapang na tanong ni Teresa.
"Galit na galit ka kay Josefa, inagaw mo rin naman kay Esperanza ang Kuya ko!"
Nanlaki ang mata ni Elizabeth sa sigaw ni Teresa Bahagyang pa siyang lumingon sa paligid.
"A-no bang sinasabi mo!" Nauutal na sigaw niya.
"Sa palagay mo ba ay papansinin ka ni Kuya kung hindi dahil sa namayapa mong kaibigan?" ngumisi nang mapang-asar si Teresa.
Kaibigan? Kaibigan niya si Esperanza? Ang gulo kung kaibigan niya ito bakit niya gugustuhin ang ex ng kaibigan niya. Hindi ba uso sa kanila ang girls code? Hindi ko maisip na ide-date ko ang ex ng kaibigan ko.
"T-tumigil ka!" Tila takot na sigaw ni Elizabeth.
Bakit siya natatakot? Ano ba talagang nangyari? At ano bang ikinamatay ni Esperanza? Sobrang daming tumatakbong tanong sa isip ko.