SEAN POV Pagbukas ko sa pintuan ay nakita ko ang mama ko na nakataas ang dalawang kilay. "Sabi ko sayo ay hugasan mo yung mga hugasan kagabi ha!" Grabe, ang sakit kaagad ng tenga ko sa lakas ng sigaw nitong si mama na mas maingay pa sa alarm clock ko. "Akala mo naman tatakas yung hugasan, ako na ang bahala jan! Ano pala ang ulam natin?" "Adobo ulit, wala tayong ibang ulam pa. Initin mo na lang ulit para may pagkain ka pag pumasok ka." "Na naman? Ilang beses bang dapat na initin yung manok at baka sumakit yung tiyan ko mamaya?" "Ano ka ba! Sanay tayong mag init ng mga ulam natin dito sa bahay. Kahit noong bata ka pa ay nasanay ka na sa mga ganyang pagkain na iniinit. Matibay na dapat ang sikmura mo. Aalis na ako ha, maaga pa yung labahan ko doon at mamaya na ako uuwing hapon. At ku

