SEAN POV "Oo Sean, magkaibigan sila ni Ava ngunit ang tanong rito, kayo ba ha? Ano ang turing mo sa babaeng yun?" Itong si mama, mas selosa pa kay Ava. Yung gf ko nga ay walang problema rito kasi may tiwala siya kay Chelsey. "Ma, katrabaho ko po si Chelsey at oo, masasabi ko na close kami. Pero mas close sila ni Ava. Sana po ay wag niyo nang bigyan ng ibang kulay kung ano man ang namamagitan sa amin ni Chelsey kasi napaka bait na tao po niya at maaasahan siya sa trabaho. Malaki po ang utang na loob ko sa kanya at hindi po mahuhulog ang loob ko rito. Mahal ko si Ava at sa katunayan nga ay mas lalo ko pa siyang minahal ngayon kaysa sa noon." Natagpuan ko pa ang sarili ko na nakangiti. "Sige na, kumain ka na doon at hugasan mo na rin ang mga plato. Ako ay matutulog na at bukas ay aalis

