AVA POV Ang sarap sa pakiramdam na ganito kami kasayang lahat sa mga sandaling ito. Si Chelsey, siya ang nagpapasaya ng lahat sa kanyang pagiging madaldal at active. Pero itong si Doc Andrew ang pinaka tahimik sa lahat. Napansin ko na paunti unti lamang ang inom nitong alak tapos bumulong ito sa akin. "Nasaan ang cr?" Sinamahan ko ito doon sa loob ng kwarto nila Garry. Abala sila tatlo sa kwentuhan lalo na si Sean kaya hindi niya kami napansin na pumasok. Nag cr si Doc Andrew at paglabas nito ay nagtanong ako sa kanya. Kasi baka nahihiya lang itong mag sabi sa amin. Pwede naman niya akong kausapin kung napipilitan siyang uminom ng alak. "Akala ko ay lumabas ka na. Baka magalit ang boyfriend mo nito." "Ayos lang ito kay Sean, doc. As long as wala naman tayong ginagawang masama. Siy

