AVA POV "Afam? Saan mo naman ito nakilala, Garry?" tanong ni Chelsey. Ako rin, ganun din sana ang itatanong ko sa kanya pero naunahan lang din ako ni Chelsey. "Secret muna. I will tell about it sa tamang panahon. Ang sabi nga nila, the time is the ultimate truth teller kaya hintay muna tayo!" "Ang lakas mong maka showbiz Garry ha!" "Ganun talaga Chelsey, naunahan na kita kaya sorry na lang!" sambit ni Garry na parang bata na dumila kay Chelsey. "Ay di mo yan sure teh!" Napahinto ako sa pagkain ko. Nakaka intriga na may ganito na pala si Chelsey. Maski itong si Sean, halatang nagulat din sa nangyari. "Well, I am just kidding. Kayo naman, wala pa talaga pramis!" pagbawi niya sa sinabi niya kanina. "Siya nga pala, maiba tayo ng usapan ha? Kamusta nga pala kayo dito? Wala na bang

