AVA POV The way na nagtititigan sila Sean at Chelsey, napansin ko ito. Para bang may plano or nagco-communicate silang dalawa sa mga titig nila sa isa't isa. Ngunit ayaw ko naman ito bigyan ng ibang kahulugan. Matagal din silang naging close lalo na noong time na nawala ako. So I am sure that it's not something I should worry about. Takaw pansin naman ang singsing nitong si Chelsey. Di ako masyadong mahilig sa singsing ngunit malakas ang kutob ko na mamahalin ito. "Aba rich kid ka pala, Chelsey!" Napalingon ako kay Doc Andrew, akala ko ay ako lang ang nakapansin nito. "Doc bakit?" tanong ni Chelsey na halatang naguguluhan. "Mahal ang ganyang klase ng singsing, ganyan din kasi ang regalo ko sa nanay ko noong nakaraang araw. Nag away kasi kami at yan ang peace offering ko sa kanya

