CHELSEY POV Ang tagal na naming nag uusap nitong si John, hihiram lang ng pera pero halos ikwento na nito ang buong talambuhay niya. But I told him na dapat niya akong bayaran kasi nga ito ay utang. Nakadalawang basong kape ako habang nakikinig sa mga sinasabi niya kanina. Buti at umalis na siya at heto ako, pauwi na sa hospital and now is the right time para sabihin ko sa mga magulang ko at sa mga kapatid ko na may lilipatan kami sa mansyon ni Mr. Hector. Gustong gusto ko ng mansyon niya at gagawin ko ang lahat para makatira dito. Minsan lang ako mabuhay and while my parents are here, I want to give them the best life. I sacrificed my virginity for it at maging ang aking dignidad for them. And I am also putting myself on the line here, I know na isang mapanganib na tao si tito Hector

