CHELSEY POV "Ayaw mo na sa company ng Tito mo dahil ba ito sa nangyari kay Sean?" Nagulat ako sa narinig ko mula kay papa. At sino ang nagsabi nito sa kanya? Hindi naman madaldal na tao ang Tito ko. "Pa, sino po ang nagsabi ha?" "Tito mo, sino pa nga ba? Ang sabi niya ay may kaso daw si Sean at nakulong kaya daw siya tinanggal. Syempre nakulong ang tao kaya natural na tanggalin sa trabaho," sagot ni papa. "Teka sino itong si Sean?" Tanong ni mama. Hindi nga pala sila formal na nagkakilala ni Sean noong nagpunta si Sean sa aming bahay. Si papa lang ang makakita sa mukha ni Sean. "Kung tama ang pagkaka alala ko ay si Sean ang nagpunta doon sa ating bahay noong nakaraang araw dahil hinimatay siya. Doon pa nga natulog sa loob ng kwarto nitong si Chelsey." Nilaglag na ako ng sarili

