KABANATA 1

1703 Words
BROKEN MARRIAGE KABANATA 1 D H A R A Maganda ang sikat ng araw ngayon. Kaya naman nang matapos akong magluto ng breakfast ay kaagad kong hinubad ang apron sa aking katawan. Tumingin ako kay Ate Tessy, na siyang kinakasama namin dito sa bahay. Katuwang ko siya sa pamamalengke, sa paglilinis, paglalaba, at sa pagluluto. Hindi naman mabigat ang kaniyang trabaho dahil ako at ang asawa kong si Sorin lang ang nakatira sa bahay. “Kayo na po muna ang bahala rito. Tatawagin ko lang si Sorin,” sabi ko sa kaniya. She was busy preparing the utensils that we were using later. “Yes, ma’am.” Tumango siya at saka ngumiti. Hindi na rin ako sumagot pa’t kaagad nang lumabas sa kusina. Paglabas sa kusina ay ang sala kaagad namin ang bubunga. Sa kaliwa namang bahagi ay ang pinto palabas ng aming bahay. Mayroong ikalawang palapag kung saan may dalawang kuwarto, ang master’s bedroom at ang guest room. Nasa ibaba naman ang kuwarto ni Ate Tessy, katabi nito ang kusina at ang laundry area. Maliit lang ang buong bahay pero sapat lang para sa aming dalawa ni Sorin. Ako rin naman kasi ang humiling nito sa kaniya. Ayoko kasi nang sobrang laking bahay dahil pakiramdam ko’y ang lungkot-lungkot nito kapag iilan lang ang nakatira. My Mom and his Mom wanted us to build a huge house around the city but I refuse. Gusto ko kasing makita ang progress ng buhay naming dalawa ni Sorin. Gusto kong makita ang resulta ng mga pinaghihirapan naming dalawa. Itong bahay na ito ay pareho naming naipundar sa pamamagitan ng trabaho naming dalawa. Isang maliit na kompanya na iniregalo sa kaniya ni Tito, his Dad. At isang pastry shop naman ang mayroon ako. Umakyat na ako sa ikalawang palapag at tinungo ang aming kuwarto. Nang bubuksan ko na sana ang pinto ay siya namang pagbukas nito kung saan si Sorin ang bumungad sa akin. He’s already wearing his office attire, as usual. Kumunot ang noo ko dahil wala naman sa ayos ang kaniyang itim na neck tie at ang buhok niya’y hindi pa nasuklay. “Hey,” he greeted me with a smile plastered on his lips. “I am really sorry. Hindi yata ako makakasabay sa ‘yo mag-breakfast ngayon. I have to go to office as soon as possible,” he added. Tumabi ako kaya naman lumabas siya sa aming kuwarto. “Hon, but this is too early. Alas-sais pa lang at alas-otso pa ang pasok mo,” sabi ko. “And look at you. Ni hindi mo man lang inayos ang buhok at ang neck tie mo,” dagdag ko pa at lumapit sa kaniya upang ayusin ang kaniyang neck tie. Hinayaan naman niya ako. Mabilis kong inayos ang neck tie niya at aatras na sana ako ngunit mas lalong nangunot ang noo ko nang mapansin ko ang pulang marka sa kaniyang leeg at malapit na itong mangitim. Napansin niyang nakatingin ako roon kaya mabilis siyang umatras at tinakpan niya ang pulang marka. “M-mosquito bite,” he explained but I didn’t asked him. “Let’s go?” “Sasabay ka na sa amin kumain?” tanong ko, nabuhayan ang loob at inalis sa isipan ko ang mosquito bite na nasa kaniyang leeg. Tumango siya bilang sagot kaya kaagad akong napayakap sa kaniya. Naramdaman ko ang paghinga niya nang malalim at saka ako nito niyakap pabalik. “Thank you,” mahina kong sabi. “For what?” “For keeping your promises,” I answered as I look into his eyes. Ngumiti ako. His eyes are really beautiful. Ngumiti siya at saka humawak sa aking magkabilang pisngi. “I will n-never ever break those promises.” -- ISANG oras ang nakalipas nang umalis si Sorin. Naglinis lang ako saglit sa bahay at kaagad nang sumakay sa aking kotse. Pupunta ako ngayon sa shop upang tingnan kung may mga stocks pa kami. Once a week o kung kailan ko lang gusto pumunta roon. Madalas kasi ay nasa bahay lang ako nagtatrabaho. Hindi mabigat ang trapiko kaya naman labing limang minuto lang ay nakarating na ako rito. I parked my car right in front of my shop and immediately went out of it. Dhara’s Sweets ang nakalagay sa pinakaitaas ng shop. Glass wall kung saan kita mo ang loob nito ‘pag ika’y nasa labas. Malapit ito sa eskwelahan kung saan kami nagtapos ni Sorin ng kolehiyo. It was my dream to have my own pastry and coffee shop. Dahil sa isang coffee shop kami unang nagkakilala at nagkita ni Sorin noon. To make the long story short, we both ordered the same drink and we sat on the same table. “Miss Dhara?” Napatingin ako rito. “Arlene. What are you doing here?” Arlene was my husband’s secretary. Mayroon itong mahabang buhok na itim na itim, maputi siya at maganda. She’s half Filipino, Half Indian. She smiled at me. “Dumadaan lang po ako rito bago pumasok sa trabaho. You know how much I loved your pastries,” she said. “Really?” Tumango siya kaya napangiti naman ako. “Salamat. Tara sa loob? Order whatever you want and it’s all free,” sabi ko na siyang ikinatuwa naman nito. Mabait si Arlene. Simula nang maging Boss si Sorin ay ito na ang naging Secretary nito. Madalas ay nasa bahay rin ito at kasabay naming kumain sa tuwing may trabaho silang dapat na tapusin sa araw na iyon. Pagpasok namin sa loob ay binati ako ng aking mga trabahante. Nasa sampo silang nagtatrabaho rito, tatlo ang waiter kung saan palitan sila ng kanilang trabaho dahil mga part timer lang ang mga ito, maging ang dalawang nasa counter, at ang iba ay nasa kusina at mga full time naman iyon upang mag-bake. Minsan ay tumutulong din ako upang siguraduhing nasa tamang timpla ang mga pastries na kanilang ginagawa at ‘di naman ako nabigo dahil hindi pa sila pumapalya kahit kailan. “Good morning, Ma’am Dhara.” “Good morning, Stell. Pa-assist naman si Arlene sa kung ano’ng gusto niya, I have something to do in my office,” utos ko kay Stella, na siyang nakatoka simula alas-siete hanggang alas-onse ng umaga sa counter. “Yes, ma’am.” Tumingin naman ako kay Arlene na kanina pa pala nakatingin sa akin. “Ayos lang ba na maiwan na kita rito?” Tumango lang siya at nagpasalamat. Tumingin naman ako kay Stella. “At saka nga pala, ibalot mo na rin ang Sir mo paborito niya’t ibigay mo kay Arlene. She knows what to do with it. Thank you,” bilin ko bago ako umalis doon at tinungo ang aking opisina. Sa sobrang dalas kong bumisita rito ay iilan lang ang gamit na nandirito. Isang cabinet na pinaglalagyan ko ng mga papeles, isang office table, swivel chair, at isa pang upuan sa harapan ng aking mesa. Inilapag ko ang shoulder bag sa aking mesa at naupo sa aking swivel chair. Dahil nandito na rin naman ako, kukunin ko na lang ang iilang mga invitations ng aking shop sa mga parating na events. I was too busy last week to check them. Kaya malamang ay may mga invitations ditong tapos na. But one thing that caught my attention is the one with a color blue ribbon. Kaagad ko itong binuksan at binasa ang nakasulat. A welcome party of Hasmine Dela Torres. Tiningnan ko kung kailan gaganapin ang welcome party at nanlaki ang mga mata ko nang tatlong araw na lang mula ngayon. Nakahinga ako nang maluwag dahil hindi pa natatapos ang event. And I still have my time to prepare. Ang invitation ay hindi para sa pastry shop ko kundi para sa aming dalawa ni Sorin. Hasmine is our college friend. Simula first year hanggang fourth year kami ay magkaibigan kaming dalawa, pero nang makapag-asawa ako ay bigla naman itong nawala na parang bula. I tried to contact her, but she never answered. Hindi ko alam kung bakit siya umalis pero masaya ako dahil hindi kami nito nakalimutan. Kaagad akong tumayo. Inilagay sa bag ang invitation at lumabas na ng aking opisina. Wala na sa labas si Arlene, kaya nagpaalam na rin ako kay Stella. Kailangan kong puntahan si Sorin ngayon upang ipaalam sa kaniya ang welcome party para kay Hasmine. Sumakay ako sa kotse at nagmaneho patungong opisina ni Sorin. -- PAGDATING ko’y nagtungo muna ako sa reception area upang itanong muna kung nandito ba si Sorin. Isang babae ang bumati sa akin. “Yes, ma’am. He’s in his office right now,” sagot nito. Kaya kaagad akong nagpasalamat at sumakay ng elevator. Pagbukas ng elevator ay lumabas ako, nasa palapag na ako ng opisina ni Sorin. Walang tao sa hallway. Dahan-dahan kong itinulak ang pinto ng opisina niya at ang unang bubungad sa ‘yo ay ang mesa ni Arlene, kung saan kasalukuyan itong nagtitipa sa kaniyang computer. Nakuha ko ang atensiyon nito at nanlaki ang kaniyang mga mata nang makita ako. “Ma’am, a-ano po’ng ginagawa ninyo rito?” she asked. Tumingin siya saglit sa pinto ng opisina ni Sorin at saka sa akin. “Well, I wanted to see my husband and talk to him.” Naglakad ako patungong pinto ng opisina ni Sorin ngunit napatigil ako dahil mabilis akong hinarangan ni Arlene. Kumunot ang noo ko. “May problema ba, Arlene?” “Y-Yes, ma’am. A very big problem po,” she said and that makes me confused. “Then you have to let me go inside and talk to my husband,” sagot ko pero umiling siya. “Not now po. Kausap po ni Sir ang pinaka-importanteng investor nito at sinabi po niyang ‘wag na ‘wag ko raw po silang istorbohin dahil baka po masira ang plano ni Sir. He also instructed me to not let anyone in, even you po,” she explained but I was even more confused because she couldn’t even look me in the eyes. Bumuntonghininga na lang ako. Baka ayaw lang nitong makitang pinandidilatan ko siya ng mga mata. “Fine. Call me when they’re done. Nasa Cafeteria lang ako,” sagot ko at saka hindi na ito hinintay pang makasagot. Lumabas ako ng opisina at tinungo ang Cafeteria upang doon na lang maghintay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD