KABANATA 2

1496 Words
BROKEN MARRIAGE KABANATA 2 D H A R A PALIPAT-LIPAT ang tingin ko sa aking cellphone na kasalukuyang nakapatong sa mesa at sa labas nitong cafeteria ng kompanya. I was here for more than thirty minutes. Hinihintay ko ang tawag ni Arlene dahil sabi nito'y bawal kong istobohin si Bernard. I understand that. Minsan ay ganoon din naman ako, ayaw magpaistorbo lalo na kapag ka importante ang kliyenteng kausap ko. Nag-order na lang din ako ng kape habang naghihintay. Iilan lang ang mga empleyadong nandirito, 'yong iba'y mukhang nag-break saglit upang makabili ng pagkain. Wala pa namang lunch pero alam kong mabait namang Boss si Sorin at hinahayaan ang mga empleyado niyang iwan ang mga opisina nila. "Sandhara Magallanes." Lumingon ako rito. "I didn't expect you to visit here," dagdag pa niya at kahit hindi ko pa naman siya hinahayaan ay agad na siyang umupo sa upuang nasa aking harapan. "Adam?" He smiled. "Ikaw nga! a-ano'ng ginagawa mo rito?" I asked, looking at him with so much confusion plastered on me. He was our college friend. Apat kaming magkakaibigan. Kaibigan siya ni Bernard habang si Hasmine naman kaibigan ko. Hindi ko inaasahan na makikita ko siya ngayon at dito pa sa kompanya ni Bernard. Buong akala ko ay makakatuluyan nito si Hasmine pero mali pala ako. Nang ikasal kaming dalawa ni Bernard ay bigla rin siyang naglaho. Hindi ko sila maintindihan kung bakit sila nagsipag-alisan na wala man lang paalam. We were good friends, I thought. Pero iyon nga, sabi nang marami, hindi lahat ng bagay sa mundo ay nananatiling permanente. Iyong mga inaakala nating mananatili, sila rin pala 'yong unang aalis. Pero kung iyon naman ang makabubuti sa kanila, then we have no choice but to let them go. "Hindi ba sinabi sa 'yo ni Bernard?" he answered. Nakakunot ang kaniyang noo na para bang may nangyayari nang hindi ko alam. Pero ano raw? Hindi sinabi ni Bernard sa akin? Ang alin? "What do you mean?" 'yon lang ang lumabas sa bibig ko dahil sa sobrang pagtataka. May dapat ba akong malaman? "Ilang linggo ka na bang hindi bumibisita rito?" tanong niya na mas lalong nagpagulo sa mga tumatakbo ngayon sa isipan ko. I am trying to comprehend everything but I can't. Inisip ko kung ilang linggo na akong hindi nakapunta rito. At hindi na pala linggo lang kundi buwan na ang inabot. Wala naman kasi akong gagawin dito bukod sa makakaistorbo lang ako sa trabaho. Kung bibisita naman ako rito'y isang beses lang sa isang linggo noon upang dalhan si Bernard ng pagkain. "I can't remember," I lied. "Bakit ba? Ano ba'ng mayroon?" Kumunot ang noo kong tumingin sa kaniya. "Nothing. I'm glad na nakita kita," sagot niya pero hindi iyon sapat para magkaroon ako ng peace of mind. "Anyways, how's your life with Bernard?" Bumuntonghininga na lang ako. "It's good, yeah, we're doing good. Pero sandali nga, bakit mo ba ako kinakamusta, ako dapat ang magtanong niyan sa 'yo. You left without even telling us where you're going!" medyo naiinis kong sabi. Adam was very kind to me. Naalala ko noon nang mag-away kami ni Bernard, tinulungan niya kaming magkabating dalawa. It was my fault that time because I was too stubborn. Sa sobrang tigas ng ulo ko'y siguro napuno na si Bernard kaya hindi ako nito kinausap ng mahigit isang linggo. Pero mahal ko siya at hindi ko kayang mawala si Bernard kaya nanghingi ako ng tulong kay Adam upang makausap si Bernard. Sa tuwing nag-aaway kami, kahit na maliit lang na bagay ay si Adam at Hasmine ang nagiging tulay kung bakit kami nagkakaayos. Tumawa siya, kaya napatingin ako rito. "Oh, sorry about that. Pinauwi ako ni Dad sa America," sagot niya. "Dad? Siraulo! Alam ko iyong Tatay mo e nasa palengke lang, 'wag mo nga akong niloloko at saka, nag-e-English ka na pala ngayon?" Ngayon lang din napansin na marami rin ang nagbago rito. Mula sa pananamit at maayos na rin siyang tingnan. He's good looking too. Hindi ko nga alam kung bakit hindi siya nagustuhan ni Hasmine samantalang palagi namin silang binibiro na sila na lang dapat. "It's a really long story, Dhara. Everything change, people change. Pero pasensiya na kayo at hindi ko kayo nasabihan noon. I hope we could still hang out together just like we used to," he answered. Nararamdaman ko namang sincere siya kaya kaagad akong tumayo at niyakap siya nang mahigpit. "Kahit ano'ng mangyari, kaibigan pa rin kita," sabi ko. "Thanks," he said after I let him go. I smiled at him and so he is. -- NAGKWENTUHAN pa kaming dalawa ni Adam tungkol sa naging buhay niya sa America. Totoo pa lang pumunta siya sa America upang hanapin ang totoo niyang Tatay. Akala ko'y sa mga pelikula lang nangyayari ang mga ganoong kwento pero heto't kausap ko ngayon ang nakaranas ng kwentong iyon. Noong una ay hindi ako naniniwala pero pinakita naman niya ang mga pictures ng kaniyang Dad. Hindi siya mukhang foreigner dahil ayon sa kaniya, nagmana siya sa Filipina niyang ina na masasabi kong totoo naman. Noong college kami ay maraming nagkakagusto sa kaniya pero lahat ng 'yon ay wala siyang pakialam. He's nerd, that's it. Summa c*m Laude siya ng batch namin noon at nakaka-proud na mukhang narating nito ang matagal na niyang pangarap. "Anyways, ano ba'ng ginagawa mo rito? Hindi mo 'ko sinagot kanina," sabi ko nang maalala ko kung hindi ko alam kung bakit siya nandito. "Dalawang buwan na akong nakauwi at kasalukuyan kaming nagtatrabaho ni Sorin dalawa. Hindi ba niya nasabi sa 'yo?" I was about to answer him but my cell phone interrupt. Mabilis ko iyong dinampot upang sagutin ang tawag. "Yes. Hello, Arlene." "Ah, ma'am, pinapasabi po ni Sir na puwede na po kayong pumasok," she said. "Okay, thanks. Aakyat na rin ako," sagot ko at kaagad kong ibinaba ang tawag. Tumingin naman ako kay Adam, who is looking at me as well but he immediately look away. Kumunot ang noo ko. "I'm really sorry but I have to go. Tapos na ang meeting ng asawa ko at kailangan ko siyang makausap," dagdag ko. "Ah, yes. Papunta rin ako doon. Sabay na tayong dalawa?" Napangiti ako at kaagad na sumang-ayon sa kaniya. -- SABAY kaming pumasok ni Adam sa loob ng opisina ni Bernard. Kasalukuyan itong nakaupo sa kaniyang swivel chair at nakatingin sa kaniyang laptop. Ngunit nang mapansin nitong may tao ay siya ring pag-angat niya't tumingin sa aming gawi. Ngumiti ako at dali-daling lumapit sa kaniya. "Hindi mo sinabi sa aking nagkita na pala kayo nitong si Adam," sabi ko at kunwari'y nagtatampo ako. "Hon, I'm sorry. Palaging nawawala sa isipan ko," he answered. "Ayos lang. Adam told me everything," sabi ko sabay tingin kay Adam na nakatingin din pala sa amin. Nakatayo lang siya sa harapan ng mesa ni Sorin. "Dude! You told her alr—" "Kalma ka lang. not everything," pagpapatigil nito kay Bernard. "Sinabi ko lang ang project na ginagawa nating dalawa," he added. Not everything? So there are other things that I don't know. Tumingin ako kay Bernard at kumunot ang noo. "Hon, may dapat pa ba akong malaman?" Tumayo siya at tumingin sa akin. Hinawakan niya ang magkabila kong pisngi at sobrang lapit naming dalawa kaya hindi nakatakas sa aking pang-amoy ang kakaiba niyang amoy. Para bang pinaghalong perfume ng babae at ang kasalukuyang perfume ni Sorin, nag-aagaw sa hangin ang amoy. "It's a secrets, Hon, and this is not the right time to tell you that," sabi niya pero hindi ko iyon pinansin. I look into his eyes. "Kailan ka pa gumamit ng pangbabaeng perfume?" tanong ko. "Ayaw mo ba sa pabangong binibili ko sa 'yo at naisipan mong pangbabaeng pefume na lang ang napag-tripan mo?" "Pft. Bro! Are you—" "Shut up," sabi ni Bernard at tiningnan nang masama si Adam na nagpipigil lang ng tawa. Lumayo naman siya nang kaunti sa akin nang muli siyang tumingin sa gawi ko. "S-Siguro dumikit lang sa akin iyong perfume ng Secretary ng client ko, malakas kasi ang amoy kaya siguro ganoon." Tumango-tango lang ako at saka tumingin sa paligid. Malinis ang opisina ni Bernard, kompleto sa gamit. May kusina ito kung saan ay puwede siyang magluto ng gusto niyang kainin. "Kumain na kayo?" tanong ko sa kanilang dalawa. "Not yet," sagot ni Adam. "Hindi pa," sagot naman ng asawa ko. "Maybe you guys can help me. Ipagluluto ko na lang kayo, as a welcome party for Adam while we will be talking about what we'll wear on Hasmine's welcome party." Ngumiti ako. Nagkatinginan naman silang dalawa. "I'd love to do that, Ma'am. Na-miss ko na rin ang mga luto mo," ani Adam nang natatawa. "Ano ba'ng gagawin ko, Mahal ko?" Natawa na lang ako. Madalas hindi ko maintindihan ang dalawang ito. Para bang may alitan silang dalawa dahil palagi na lang silang nagsasamaan ng tingin pero alam kong nagbibiruan lang ang mga ito. Kaya naman sinabi ko na lang sa kanila ang gagawin bago kami nagsimula.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD