KABANATA 3

1107 Words
BROKEN MARRIAGE KABANATA 3 D H A R A WE tried to cook in peace, but Adam and Bernard were making fun of the ingredients. "Dude, ano ba itong Onion mo? Ang liliit! Hindi mo ba kayang bumili nang mas malaki? Is this enough, Dhara?" tanong ni Adam habang palipat-lipat ang tingin nito sa akin at sa Sibuyas na kaniyang hawak. "Hindi ako ang bumili niyan," sagot ng asawa ko at mabilis na inagaw ang Sibuyas sa kaibigan. "Hindi ko naman sinabing ikaw ang bumili. What I'm trying to say, hindi mo ba kayang bumili ng mas maayos na Sibuyas? Naghihirap na ba kayo?" Napatigil ako nang hindi sumagot si Bernard. I looked at them, Bernard was looking at Adam with dagger plastered on his eyes, but Adam was innocently smirking. Napapailing na lang ako. Simula pa lang noong college kami, ganito na sila magbiruan. Sometimes, it's worst than you think but they're best friend. They knew each other and I know, they won't even dare to harm each other. "Magsitigil na nga kayong dalawa! Mas mabuti pa sigurong mag-isa na lang ako rito para madali kong matapos itong ginagawa ko," sabi ko sa kanila pero si Adam lang ang tumawa, si Bernard ay tumingin sa akin at hindi ko alam bakit parang may kakaiba sa kaniyang mga titig. Binalewala ko na lang iyon. Baka napipikon lang siya sa kaibigan kaya ngayo'y naghahanap siya nang kakampi. Umiwas ako ng tingin para kunwari ay naiinis ako sa kanilang dalawa. Tumalikod ako't ipinagpatuloy ang paghahalo sa sangkap ng aking niluluto. "I think it's almost done. Pakihanda na iyong hapagkainan para makakain na tayo," sabi ko sa dalawa nang hindi sila tinitingnan. Nang masiguro kong luto na nga ang Sinigang ay kaagad kong nilagyan ang may katamtamang laki ng bowl at ito'y inilagay sa tray malapit sa akin. Mabilis namang lumapit si Bernard sa akin at tinulungan akong dalhin ito sa mesa. Kumindat pa siya pero inirapan ko lang. After preparing for the food, naupo kaming tatlo sa harap ng square table. Katabi ko si Bernard habang nasa harap naman namin si Adam. They immediately bury themselves to the food I cooked after smelling the aroma and I couldn't blame them. Amoy pa lang kasi ng Sinigang ay masarap na. "Ugh! Na-miss ko iyong mga luto mo," ani Adam pagkatapos niyang sumubo ng ilang beses. "This will be the last time you'll taste my wife's food," sabi naman ni Bernard. Natawa ako. Para siyang bata na nagdadamot sa isang bagay na pagmamay-ari niya. "What? Is that true, Dhar?" He looked at me with pity eyes. Ngumiti ako at tumango. "Yes, Adam. So please enjoy your food while it's still there," sagot ko. "Tss! Damot mo naman, Pre. Pagkain lang ng asawa mo iyong gusto kong tikman," sabi nito. "Hoy! Ano ka ba, nagbibiro lang si Bernard. Pumunta ka lang sa bahay, ipagluluto kita," pambabawi ko, kasi para na siyang maiiyak. Isang malawak na ngiti ang gumihit sa kaniyang labi at bigla akong natigilan. Ngayon ko lang napansin, madalas na siyang ngumiti ngayon. The last time I remembered, Adam was serious in everything. Minsan lang siyang ngumiti noon. Sa tuwing nagbibiruan sila ni Bernard, hindi naman siya ngumingiti. "Tss." Napabalik lang ako sa reyalidad at tumingin kay Bernard. Nagpatuloy na siya sa pagkain at hindi na sinagot ang kaibigan. —— Hindi na rin ako nagtagal pa roon nang matapos kaming kumain. Nagprisinta si Adam na siya na lang daw ang maglilinis ng kusina sni Bernard. Kaya naman kaagad na akong nagpaalam dahil ayaw kong makaistorbo sa kanilang trabaho. Bago ako umuwi ay dumaan na muna ako grocery store. Bumili ako ng mga healthy foods, mga sabong pangligo, sipilyo, at iba pang gamit sa bahay. Nag-drive thru din ako ng mga pagkain at saka ko tinahak ang daan patungo roon. It's been a while since I went here and I think this is the best time to visit. I parked my car and immediately went out of it. Bitbit ang mga pinamili kong pagkain ay pumasok ako sa gate nitong day care school. Hindi na ako pinigilan ng guwardiyang nakabantay dahil kilala na rin naman nila ako. Ilang hakbang at minutong paglalakad ay narating ko ang isang classroom. Saktong papasok ang isang Gurong kaedad ko lang din. "Dhara?" Napangiti ako nang makilala niya ako. "Aya!" masigla kong bati at kaagad naman niya akong niyakap. Si Hiraya o Aya ang homeroom teacher nitong day care school na pagmamay-ari nina Mom and Dad. It's a free tuition for every children who wanted to study. Madalas ang mga bata rito ay sa lansangan nakatira, ang iba naman ay sa bahay ampunan galing, at mahihirap ang pamilya. "Napadalaw ka?" she asked after hugging me tight. Madalas na akong pumupunta rito noong college pa lang ako. Iyong allowance ko ay ipinambibili ko ng mga pagkain at iba pang learning materials para sa mga bata. Kaya lang nang ikasal ako kay Bernard, naging busy na ako sa iba't ibang bagay. "Dumaan lang ako, actually, I was going home. And I think it's the perfect time to be here after a long time," sagot ko. Naging magkaibigan na kaming dalawa ni Aya simula nang palitan niya iyong dating guro dito. "Mabuti't naisipan mo. Na-mi-miss ka na rin ng mga bata," aniya. "At nadagdagan iyong mga makukulit na 'to, kaya gusto kong makilala mo rin sila." Napangiti ako. Taon-taon ay iba-iba ang mga batang nag-aaral dito dahil iyong iba, ayaw na talagang magpatuloy at ang iba naman ay lumipat na ng ibang grade level. "Talaga?" Tumango siya. Kaya kaagad kaming pumasok sa loob upang ipakilala sa akin ang mga bago niyang inaalagaan. —— Inabot din ako nang mahigit dalawang oras sa eskwelahan, hindi ko iyon namalayan. Aya requested me to sang for them and read them a stories. Wala akong nagawa ngunit masaya naman akong gawin iyon para sa kanila. Seeing those kids happy makes me happy too. Mahilig ako sa mga bata. Hindi ko lang kinuha ang pagiging Guro noong kolehiyo dahil ayaw kong magturo. But I do love kids and I'm willing to take care of more than five kids, if only we have one. Nalungkot ako't napahawak sa aking tiyan habang saktong naka-red ang traffic lights. If only I could have one, maybe Bernard will be happy? Pero masaya naman kaming dalawa. There's nothing wrong with our marriage. He loves me and I love him more than he do, and that's enough. Bumuntonghininga na lang ako't nagmaneho na papauwi. Marami pa akong gagawing paghahanda dahil ilang araw na lang ay welcome party na ng Hasmine. And I should prepare her something I know she'll like.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD