Chapter 2

1352 Words
"Hala! May dugo sa ulo mo!" sigaw ko at akmang hahawakan ang noo niya nang tabigin niya ang kamay ko. Nakita niyang may dugong tumutulo roon. "f**k!" Agad kong kinuha 'yong panyo ko at iniabot sa kaniya. Tiningnan niya muna ako nang masama na para bang tinatanong kung malinis ba 'yon bago niya itinakpi sa parte ng noo niyang may dugo. Wow, tingin pa lang, humuhusga na, ah. "Tsk. Get off, overaction," sambit niya bago ako tabigin. Wow, hari ng daan? Naglakad na s'ya paalis at hindi na muling lumingon pa. Tsk. Yabang mo! Buti nga sa 'yo! Bleh. Naglakad na rin ako pabalik kung nasaan ang bike ni kuya at doon ko napansing nabaliko na nang bahagya ang gulong nito. Siguradong disgrasya na naman kung pipilitin pang gamitin. Iuuwi ko pa ba 'to? O itatapon ko na lang? Napabuntong-hininga ako lalo na nang mapansin ang mga gasgas at sugat na natamo ko sa braso at binti. Mayroon din sa tuhod. "Talaga naman. Kung minamalas ka nga naman." Akmang maglalakad na ako nang may mapansin akong bagay sa kalsada. Teka, bracelet? Uso 'to noon, ah. Braided bracelet na nilalagyan ng pangalan. "Kim?" basa ko sa maliliit na cube dice sa paligid ng bracelet. Kanino naman kaya ito? Itatapon ko na sana nang biglang sumakit ang ulo ko. Siguro'y dahil ito sa pagkakabagsak ko kanina mula sa aksidente. Hays. "Ma, heto na 'yong toyo!" sigaw ko nang makarating ako sa bahay. "Jean, anong nangyari sa 'yo? Toyo lang ang bibilhin mo pero inabot ka pa ng siyam-siyam." Napansin niya ang mga sugat at gasgas sa binti ko at akmang magsasalita pa siya nang iabot ko na ang toyo sa kaniya bago ako umakyat sa kwarto. "Jean?" Nagising ako nang may marinig akong kumakatok sa pinto. "Jean, nand'yan ka ba?" Teka, boses ni kuya Jake? "Yes, kuya. Bakit?" tanong ko nang mabuksan ko ang pinto at nakita ko nga ang pagmumukha ni kuya na mas malapad pa sa dos por dos ang ngiti. "Bakit ka nakangiti d'yan?" nayayamot kong tanong. Bakit ba laging pinipili nila akong tawagin sa tuwing mahimbing akong natutulog? Sakit sa ulo! "Ang cute mo kasi, Jean." Pinisil-pisil pa n'ya ang pisngi ko. Luh, ngayon niya lang nalaman? "Aray naman, kuya! Masakit!" Binitiwan naman n'ya ako. Syempre, kinurot ko, eh. Kahit maikli 'yong kuko ko 'no, masakit 'to! "Ang sadista mo talaga, Jean! Kaya walang nagmamahal sa 'yo, eh!" Wow. Ang lakas manglait, ah. "Wala kang paki! Bakit mo ba ako ginising? Natutulog 'yong tao, eh!" tanong ko dahil mukhang press na press ang aura ni kuya ngayon. Nag-press powder siguro. "Well, gusto ko lang i-share sa 'yo ang good news." "Good news?" Tumango siya. "Ah, talaga? Break na kayo ni Ate Allen? Sabi ko na nga ba hindi ka n'ya mapagtyatyagaan. Ang sama kasi ng ugali mo!" pang-aasar ko sa kan'ya sabay tango-tango at palakpak. "Ako pa ang masama ang ugali? Hindi kami nagbreak at hinding-hindi kami magbe-break. May forever sa aming dalawa, Jean." Halos masuka naman ako sa sinabi niya. Tipong kitang-kita ko pa 'yong matamis niyang ngiti na mukhang kahit anong pigil niya roon ay hindi niya talaga maalis. "Yak, kuya! Nagmumura ka na naman! Utang na loob! Walang forever!" Umarte pa akong naduduwal sa harap niya at wala siyang ibang ginawa kundi umiling at pagtawanan ako. "Bitter ka kasi." Inirapan ko siya. Hindi na talaga matatapos ang pagbabangayan namin. Ano ba kasing dahilan at binubwisit niya ako? "Anyway, gusto ko lang namang sabihin sa 'yo na ililibre kita sa unang sahod ko," sambit niya sabay taas-baba ng kilay na para bang tinatanong kung nakuha ko ba 'yong sinasabi niya. "Weh? 'Di nga? Eh, wala ka namang traba—'di nga? Natanggap ka?" hindi makapaniwalang tanong ko habang nakangisi. Tumango-tango naman siya. Aba! Aba! Aba! "Wow, congrats, kuya! May nagawa ka ring tama sa buhay mo!" Niyakap ko siya. "Hay nako, dinaan mo na naman sa karisma mo, 'no? Tsk tsk, wala akong masabi. Kahit kay Ate Allen, gano'n din ginawa mo. Kaya 'di ka iniiwan no'n, eh, kahit mabaho ka." "Lakas mang-trashtalk, ah. Bawiin ko kaya 'yong sinabi ko?" "Uy, biro lang! Pogi mo talaga. Ano bang ililibre mo sa 'kin?" "D'yan ka magaling, Jean," natatawa niyang sagot at niyakap din ako pabalik. "Tsaka hindi ganiyan si Allen, hindi siya bumabase sa mukha. Mahal niya ako at masaya siya sa 'kin kaya hindi niya ako iniiwan at iiwan kahit kailan," mayabang na sabi ni Kuya. Kung hiwaga sa kanila ang pagiging bitter ko, hiwaga naman sa akin kung bakit masaya silang naniniwala na may forever. Shemay, lahat ng bagay may katapusan. Siguro ngayon, hindi mo masasabi kasi masaya ka pero darating 'yong araw na lahat ng nasa 'yo, mawawala. Lahat may time limit. "Nga pala, ang sabi ni mama puro gasgas at sugat ka raw. Patingin nga." Wala na akong nagawa nang suriin niya ako. Hindi ko pa pala nahugasan at nagamot. At dahil nakita ni kuya, siya na lang ang gumamot ng mga ito. Pinagagalitan pa nga niya ako at tinatanong kung saan ko nakuha pero hindi ko na lang sinabi. Pagkatapos niyang linisin at gamutin ang sagot ko. Napagdesisyunan na naming bumaba nang marinig namin ang pagtigil ng sasakyan sa harap ng bahay. "Oh, ma? Saan ka galing?" Hindi siya sumagot sa halip ay kinaon si kuya. Mukhang alam ko na kung bakit. Tinulungan ko na rin silang magbuhat ng balikbayan boxes na for sure may laman na namang kung ano-ano galing kay papa. "Tatawag daw ang papa n'yo mamaya," sambit ni mama. "Kaya utang na loob, 'wag kayong mag-aaway," paalala sa 'min na palagi namang hindi nasusunod. Parang aso't pusa kasi kami ni kuya. Ganoon lang siguro kami maglambingan. Ganoon siguro namin kayang ipakita kung gaano namin kamahal ang isa't isa. Tipong magsusukahan, gano'n. Saktong pagkatapos naming magbuhat ay saktong tumawag si papa. Dali-dali naman akong pumunta sa sala para kausapin siya. "Annyeonghaseyo!" bati ko. "Jal jinaesseoyo?" Narinig ko namang tumawa si kuya sa gilid ko kaya sinamaan ko siya ng tingin. Mapanghusga talaga ang isang ito. "Okay naman ako rito, anak. Kayo d'yan? Kumusta?" "Heto, maganda pa rin," sagot ko. Nakita ko na namang umiiling-iling si kuya Jake. Para talaga 'tong sira. "Mabuti naman at ganoon para magustuhan ka rin naman ng koryano," pabirong sagot ni papa. "Oo nga pala, magka-college ka na 'di ba? Galingan mong mag-aral, ha? Pagka-graduate mo, pwede ka nang pumunta rito. 'Di ba pangarap mo 'yon? Tsaka makita 'yong BTS at Seventeen ba 'yon? Kukunin ko kayo d'yan at dito na tayo titira." Parang nagkaroon ng kislap 'yong mga mata ko. Pangarap ko talagang pumunta sa South Korea dati pa. Simula nang napanood ko 'yong Playful Kiss at To the beautiful you, naging adik na ako sa lahat ng tungkol sa Korea at heto na nga napadpad na sa pagiging Kpop fan. "Talaga, papa?" tanong ko. Tumango lang s'ya. "Talagang-talaga? Walang halong biro?" Binatukan naman ako ni kuya. Aba, bakit ba nambabatok ang isang ito? Papansin. "Ang o.a mo," sabi n'ya sa 'kin. "Anong o.a? Overacting?" mayabang kong sabi. Akala niya hindi ko alam, ha! "Inggit ka lang kasi, kuya Jake. Hindi mo alam ang feelings ng isang Kpopper. Hindi mo alam ang nararamdaman ko!" Malakas lang siyang tumawa at tipong napapahawak pa sa tiyan. Ginagawa talaga akong clown ng isang ito. Seryoso naman 'yong mga sinasabi ko. Bakit ba siya natatawa? "Wala ka lang kasing jowa kaya ka puro oppa, oppa. Oppa-kan kaya kita d'yan. Tabi!" Tinulak naman ako ni kuya kaya nawala ako sa hagip ng camera. Epal talaga 'to! "Hay nako, kayong dalawa, tumigil nga kayo!" reklamo ni mama habang nakatingin sa amin nang masama. Si papa naman ay tumatawa lang sa amin. Pinagbigyan ko na sa spotlight si kuya. Pinakinggan ko lang ang mga usapan nilang nakakadugo ng ilong kasi kung hindi english, pangmatatalino talaga 'yong pinaguusapan nila. Hindi ko maintindihan! "Bye, pa. Ingat po kayo palagi d'yan. Saranghae," paalam ko at umakyat na sa kwarto ko. At katulad nang nakagawian pagpatak ng alas syete ng gabi, bubuksan ko na ang laptop ko para mag-type ng susunod na update ko sa sinusulat kong libro.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD