Nakapagtataka na ang aga kong nagising ngayong araw. As in, alas singko ng madaling araw. Pero dahil ginaganahan, napag-isip-isip kong mag-jogging.
Medyo madilim pa sa labas pero walang makakapigil sa akin dahil gusto kong i-maintain ang figure ko. Hindi na ako nagpaalam kay mama dahil sa subdivision lang naman ako tatakbo. Magpapapawis lang naman ako at mag-iisip na rin ng susunod na eksena para sa kwentong sinusulat ko.
Nakalayo na ako mula sa bahay namin nang maramdaman kong parang may sumusunod sa likod ko. Lumingon ako pero wala naman. Overacting na naman ba ako?
Pakiramdam ko talaga may sumusunod sa akin kaya binilisan ko na ang pagtakbo at doon ko nasigurong may sumusunod nga dahil tumakbo rin ito. Nakaramdam ako ng takot. Hindi ko naaaninagan ang mukha ng lalaki pero naka-hood siya at hinahabol niya ako.
Napakagat ako sa labi habang pinipilit pang tumakbo sa kabila ng pagod at hingal na nararamdaman ko. Para akong mauubusan ng hininga. Bakit kasi may sumusunod sa akin?
"Huli ka!"
Malakas na sigaw ang ginawa ko nang may kumapit sa balikat ko. Maluha-luha akong humihingi ng tulong dahil sa pinaghalong kaba at takot.
"Hoy, Jean! Ako 'to!"
Napatigil ako nang makita ko si kuya Jake sa harap ko. Lalo akong napaiyak at napaluhod. Para akong tinakasan ng lakas.
"Bakit ka ba sumisigaw? Sinundan lang naman kita kasi nakita kong lumabas ka. May pa-jogging-jogging ka pang nalalaman, ha?"
Pinunasan ko ang luha ko. "Sasabihin kita kay papa!"
"Ha? Bakit? Anong ginawa ko?" nagtataka niyang tanong.
"Sasabihin kita talaga! Palagi mo na lang akong pinagdidiskitahan."
Tinalikuran ko na siya. Mabuti na lang at hindi niya na ako sinundan. Halos atakihin ako sa puso dahil sa ginawa ni kuya Jake. Bakit ba kasi hindi niya ako tinawag kanina pa? Eh 'di, sana hindi ako natakot. Ang lakas ng pagkakasigaw ko kanina. Mabuti na lang wala akong nabulabog.
Ipinagpatuloy ko na lamang ang pagpapawis ngunit bigla na naman akong nakaramdam ng parang may sumusunod sa akin. Hindi talaga natitigil sa pangti-trip si kuya Jake. Nilingon ko ang likod ko. Agad na bumungad sa akin ang isang matandang lalaki na nakangisi. Hindi ako nakasigaw nang bigla niyang takpan ang bibig ko. A-anong nangyayari? Sino siya? Saan niya ako dadalhin?
Nagpupumiglas ako pero mas malakas siya sa akin. Kapit-kapit niya ako nang mahigpit. Anong balak niyang gawin? Nasasaktan ako!
Tinulak niya ako dahilan upang mapatama ang likod ko sa pader. Hindi ko alam ang gagawin ko. Nakikita ko palang ang nakakatakot niyang mukha, nanghihina na ang mga tuhod ko. Bakit ako napunta sa ganitong sitwasyon?
Nilapitan niya ako. "Huwag kang masyadong maingay. Mabilis lang 'to." Hinawakan niya ang braso ko tsaka matamang hinalikan ang leeg ko. Napapikit ako. Bumibigat ang paghinga ko. Para akong kinukuhanan ng lakas. Ni hindi ako makasigaw ng tulong.
"Pakiusap, maawa ka," pagsusumamo ko sa gitna ng aking mga hikbi. Hindi ko inaakalang sa paglabas ko lang ng madaling araw ay may mananamantala na kaagad sa akin. Gusto ko lang namang mag-exercise!
Lumakas ang pag-iyak ko dahilan para mabwisit ang lalaki. Kuya Jake, nasaan ka na ba? Tulungan mo ako!
Inipon ko ang lakas ko para sumigaw pero tinawanan niya lang ako.
"Kahit anong sigaw mo, walang makakarinig sa 'yo!"
"Tulong! Tulungan niyo 'ko!"
Marahas niyang sinira ang damit ko dahilan para makita niya ang panloob kong damit. Tinakpan ko pa iyon ng mga braso ko pero inaklas niya lang at hinawakan ang mga ito.
"Mapagtyatyagaan na."
Sinubukan ko siyang itulak pero hinawakan niya ang mga braso ko. Tinuhod ko ang pagitan ng mga hita niya at doon ako nagkaroon ng pagkakataong makatakbo pero agad niyang nahila ang buhok ko. Binagsak niya ako sa sahig. Malakas.
"Tang ina mo! Tatakasan mo pa ako? Akala mo, sa ginawa mo hindi kita titigilan?" bakas ang galit sa boses niya. Bakit? Hindi ko maintindihan. Saan siya kumukuha ng dahilan para gawin ang bagay na ito?
Dumagan siya sa akin at tinanggal niya ang sinturon niya. Ilang beses pa akong sumigaw ng tulong pero mukhang totoong maaga pa kaya walang nakakarinig sa akin. Wala na akong makita sa dami ng mga luhang pumupuno sa mga mata ko. Nakakapanlumo. Bakit kailangan kong maranasan 'to?
Hinawakan niya ang jogging pants ko at akmang ibaba nang biglang may pumalo sa ulo niya.
"Run!" sigaw ng lalaki. Hindi ako agad nakakilos. "I said, run!"
Nabalik ako sa reyalidad. Agad akong tumakbo palayo para takasan ang pangyayaring iyon. Mabilis ang mga pangyayari at hindi ko man lang nasilayan ang taong nagligtas sa akin. Sino siya?
Napatigil ako sa paglakad. Iniwan ko lang ba talaga ang lalaking nagligtas sa akin nang hindi man lang nagpapasalamat? Paano kung may mangyari sa kaniyang masama roon?
Agad akong naghanap ng lugar kung saan pwedeng tumawag. Tumawag ako ng saklolo mula sa mga pulis bago bumalik sa bakanteng lote na iyon.
"Masyado kang mayabang, bata!" sinuntok ng matanda 'yong lalaki na nagligtas sa akin.
"f**k! Why all of the part you'll choose to punch, is my face?" Hawak ng lalaki ang labi niya bago ginantihan ng malakas na suntok ang matandang lalaki.
"Bakit? Marami na bang naikama 'yang mukha mo?"
"I don't understand why people are having fun taking advantage of someone's weakness."
Nagngitngit ang mga ngipin ko. Napakahayop pero napasigaw ako nang makitang may kinuha ang matandang lalaki sa tagiliran niya.
"May kutsilyo!" Napatingin naman sa dako ko ang lalaking nagligtas sa akin, "What the f**k are you doing here?" na sana ay hindi niya ginawa dahil ginamit ng matanda ang sandaling iyon para saksakin ang lalaki.Napasigaw ako. Kasabay no'n ang pagbagsak niya sa sahig.
"Pakialamero!" bulyaw ng matanda na kababakasan ng pagkayamot dahil nasira ang plano niya.
Tiningnan niya pa akong maigi bago siya tuluyang tumakbo paalis. Hindi ko siya nagawang habulin dahil mas nag-aalala ako sa tamang natamo ng lalaking nagligtas sa akin. Nilapitan ko ito. Dugo. Puro dugo mula sa tagiliran niya. Kasalanan ko ito. Anong gagawin ko?
Hinawakan ko ang parte kung saan dumudugo upang pigilan iyon. Patuloy pa rin sa pagdugo.
Hinubad ko ang sira kong damit tsaka ipinatong iyon doon. "S-sorry. Kasalanan ko 'to," paghingi ko ng tawad. Hindi ko mapigilan ang pumalahaw ng iyak ngayong nakikita kong may nag-aagaw buhay dahil sa akin at sa kapabayaan ko.
Bakit ang tagal dumating ng pulis? Paano kung mamatay 'to rito? Hindi ko mapapatawad ang sarili ko.
Narinig ko siyang tumawa nang mahina pero agad din iyong binawi dahil mukhang naramdaman niya ang kirot sa tagiliran niya.
"You know how to apologize?" sarkastiko niyang sabi.
Nagulat ako nang tumayo siya.
"H-hoy! Sandali! Dumudugo 'yong tagiliran mo! Bakit ka kumikilos?" nababahala kong tanong.
"It was my hand." Pinakita niya sa akin ang hiwa ng kutsilyo sa kamay niya. Ha? Akala ko sa tagiliran? Inangat ko ang damit niya at nakitang wala iyong daplis. Shems. Namalikmata ba ako? "H-hey! W-what are you doing?"
Napagtanto ko ang ginawa ko. Shems, nahawakan ko 'yong abs!
Agad akong umatras at nag-sorry. "Tsk. Overaction."
Para akong nabingi sa narinig ko. Hindi dahil sa malakas na sirena ng mga police car kundi sa itinawag niya sa akin. Huwag niyong sabihing ang taong nagligtas sa akin ay ang taong nabangga ko ng bisikleta ni kuya?
Napaigtad ako. Lalo na nang tuluyan ko nang maaninagan ang mukha niya dahil sumikat na ang araw. Siya nga!
Tinitingnan niya lang ako na parang nawiwirduhan siya sa akin. Nakakunot ang noo niya. P-paano? Paano niya ako nailigtas?
Tinalikuran niya ako bago siya nakipag-usap sa mga pulis. Agad naman akong binigyan ng jacket ng babaeng pulis dahil nakita niyang naka-sports bra lang ako. Kinuha rin nila ang mga pahayag namin tungkol sa nangyari. Pati na rin ang pagkakakilanlan nito.
Hindi talaga ako makapaniwala. Muntikan nang makuha sa akin ang pagkabirhen ko. Nakakapangilabot. Isang bangungot!
"Jean! Anong nangyari?"
Nakita ko si kuya Jake. Agad ko siyang niyakap. "Kuya!" Doon, muli akong umiyak dahil sa takot. Napakaswerte ko dahil may nagligtas sa akin pero naisip ko paano naman kaya 'yong mga babaeng nakaranas din ng ganito? Tapos walang tumulong sa kanila. Gaano na lang kasakit na dadalhin nila ang mapait na pangyayaring iyon sa kanilang alaala habangbuhay.