Chapter II- Judo

1511 Words
Chapter 2 -Judo Shirley POV Kasalukuyang na sa school ako ngayon matapos ang nangyaring kaguluhan sa min .Na suspended si Gibsen for 3 weeks nalaman kasi ng Guidance councelor ang ginawa nya sa ‘kin at pati na rin kay Clintom. Si Clintom naman pinatawag lang ang magulang dahil isa rin naman sya sa gumawa ng gulo.Pero sinabi ko naman lahat ng totoo kaya pinatawag na lang ang mga magulang nya. Ang totoo naman kasi alam kong may nagtatali ng sintas ko sa upuan yung tropa ni Gibsen ang gumawa nun ,pero syempre acting lang kunwari di ko alam , nung niyaya naman ako ni Gibsen na lumabas kami alam ko na kung anung plano nya ang alam nya kasi may gusto ako sa kanya kaya alam nyang susunod ako agad. At isa pa yung paki lamerong Clintom na ‘yon hindi nagiisip di nya ata naalala na member si Gibsen ng taekwondo club, nung susugurin na sana sya eh balak ko sanang pabayaan na lang sya at hayaang maging punching bag ni Gibsen kaya lang naisip ko na pinagtanggol nga pala nya ko kaya ayun sinalo ko ng kamay yung suntok ni Gibsen. “Hoy Baho.” Hay ano ba yan sa lahat ng ayaw kong pangaasar sa kin ,baho ang ayaw ko kahit naka tirintas ang buhok ko at nagamit ako ng pustiso yun bang malalaki yung bungi sa gitna at nakasalamin ako ,yung bang malalaki yung lens pero hindi ko na naman kailangan magpanggap ng mabaho n at ewan ko ba dyan kay Clintom kung bakit baho ang asar sa kin di na naman ako mabaho. “Ahm ano yon?” sagot ko sa kanya malumanay kunwari ang boses ko. “Pano mo nagawang saluhin yung suntok ni Gibsen?” tanong nya sa kin na nakatayo sa harap ko at parang kinokomprenta. “Ah yun ba ano kasi ahhh...” “Ano?” “Nag-aral ako nung judo nung grade school ako!” Pagpapalusot ko sa kanya pero ang totoo nag aral talaga ako ng martial arts sinanay ako ng BSA para sa mga ganun bagay at para magawa ko ng tama ang misyon ko. “Ano...” “Anong ano?” tanong ko sa kanya ,nakayuko sya at parang nahihiyang magtanong.Tumingin sya sa kin at laking gulat ko ng hilahin nya ko palabas ng classrom,hawak hawak nya ang wrist ng isa kong kamay at kinakalakad paakyat ng hagdan. “Clintom san mo ba ko dadalhin?”tanong ko sa kanya.Ano ba yan hindi ako sinagot balak ba ko nitong halayin kung san man sulok dito ng school, pero parang papuntang roof top ‘tong dinadaanan namin ah. At hindi nga ako nagkamali nung makarating na kami sa roof top binitiwan nya na ako . “Baho..” Kakainis talaga to pag hindi sya tumigil ng kakaasar sa kin ng baho talagang dudugo yang labi mo .Tumingin sya sakin ng diretso at diretso pero laking gulat ko na naman ng lumuhod sya sa harapan ko at yumuko. “Turuan mo ko magjudo!!” “Ha!” “Sige na!” “Pe—pero hindi naman ako magaling eh.” “Sige na parang awa mo na!” pagpilit nya sa kin habang nakayuko sa kin at nakaluhod parin.Ano bang problema ng mokong na to at gusto nya matuto ng Judo . “Ano tuturuan mo ba ko?” pangungulit nya uli pero hindi ako sumagot at tumingala sya sa kin, tinignan nya ko at nakita ko yung mata nya na parang nanlumo. Tumayo sya mula sa pagkakaluhod at tumalikod sa harap ko at sinimulang maglakad , nakita ko naman ang aura nya na parang sinakluban ng lupa .Pero parang naawa ako sa kanya na parang nakokosensya ako hay ano ba yan! “Te-teka lang.”pagpigil ko sa pagalis nya “Bakit?” sabay lingon sa kin “Ano.. sabihin mo muna kung bakit gusto mo matuto ng Judo?” “Wala,pangself defense lang.” “Bakit may nagtatangka ba sa buhay mo?” tanong ko sa kanya pero parang biglang umiwas ang tingin nya sakin at di makatingin ng diretso. “Wala.” Sagot nya sakin ,ma igsi pero parang may kakaiba, tingin ko may panggagamitan sya. “Ahh sige ,payag na ko.Bukas dito sa roof top tayo magpraktis.” Pumayag na rin ako para malaman kung anung meron sya ,pero sa oras na malaman kong gagamitin nya sa masama ‘yon ay akong papatay sa kanya. “Sige, salamat.” Sabi nya sa kin ,at umalis na . Ganon na lang yun matapos ako dalhin dito iiwan na lang ako basta , mga lalake talaga! Oras na ng uwian at ako naman kailangan ko na rin umuwe pero pupunta muna ako sa agency para magreport kay Lieutenant Ash sya ang namamahala sa BSA sya rin ang kumupkop sa akin nung mamatay ang pamilya ko,sya ang tinuturing kong kuya. Habang naglalakad ako may napapansin akong may sumusunod sa likuran ko,nagtago ako sa likod ng poste ng marinig kong papunta sya sa direksyon ko, nagtago ako ma-igi ,pero nakita ko ang mukha nya, lalaki sya na may salamin din. Hindi ko sya kilala pero hindi rin sya mukha gangster o isa sa mga nahuli ko na nagbabalak gumanti sa kin. Nang hindi nya ko makita umalis na ito at pumunta na sa ibang direksyon, ako naman lumabas na rin ako sa pinagtataguan ko ,pero pala isipan pa rin sa kin kung sino ang lalaking iyon. “Ltn. Ash !” sigaw ko sa kanya ng makarating ako sa Headquarters ng BSA “Sino ka?” tanong nya sa kin nalimutan ko nga pala naka nerd style ako kaya hindi nya siguro nakilala “Ako to si Crow!”Tinignan pa nya ko ng ma-igi,akala nya kasi kung sinong maganda tong kaharap nya. “Ah ! Ikaw nga pasensya na akala ko ibang tao, magpalit ka nga muna at may paguusapan tayo.” “Huh? Tungkol saan, new mission?” “ Magpalit ka nga muna , nakakatakot yang itsura mo eh.” “Hmmp sige na nga!” Pumunta na ko sa room ko at nagpalit , tinanggal ko na ang nerd glass ko at inalis ko na rin ang pustiso kong ngipin at nilugay ang buhok ko. Napatingin ako sa salamin ng room ko at nakita ko ang mukha kong ibang iba ng nasa school ako ,nakikita ko ang sarili ko na..... Napakaganda at Cute hahaha Pero mas nakikita ko ang mapanganib na ako na kung iisipan mo sa school ay hindi makabasag pinggan.Lumabas na ko ng room ko at pumunta sa opisina ni Ltn.Ash, ng makapasok ako pinaupo nya ko at sya rin umupo sa harapan ko na seryoso ang mukha. “Agent Crow you have a new mission.” “Yes!!! Saan at bakit?” tanong ko sa kanya pero ang saya ko dahil may bago nanaman akong mission ang tagal na rin kasi nung huli kong mission na ginawa ang peanut pa sakin. ”In Adams University.” “Ha!” “Kagaya mo , bilang isang studyanteng na may tinatago ,may tinatago din sila at na trace yon ng NBI ,kinausap nila ako tungkol don at hindi basta ordinayong organization ang ginagawa nila , ang sabi sa akin may mga babae daw na ginagawang p********e at ang mga babaeng nirerecuite nila ay ang mga student galing sa Adams University. Gusto kong mag mag spy at mag investigate ka .” Nagulat ako sa sinabi ni Ltn.Ash , Hindi ko inaakala na ganun ang school na pinapasukan ko,pero para sa kapakanan ng mga student ng Adams University gagawin ko yun. “Ah ‘yon lang ba umasa ka sa kin Ltn. Ash gagawin ko ang mission ko I will do my best!”sagot ko sa kanya.Bigla syang tumayo sa kinauupuan nya at lumapit sa’kin at umupo din sa tabi ko.Bigla nya ko niyakap ng mahigpit. “Shirley, mag iingat ka.” Sabi nya sa kin yakap yakap pa rin ako , ganyan kami pag hindi ukol sa trabaho ang pinaguusapan ,niyakap ko rin sya ng mahigpit. “Oo kuya ako pa.Dont worry.” Sabi ko sa kanya habang akap akap ko rin siya. Nagtatawagan kami sa pangalan namin kapag kami lang dalwa ,ganun sya pag may gagawin akong mission niyayakap nya ako ng sobra at ramdam ko naman ang pagmamahal nya sa kin bilang kapatid at pag aalala. “Oh sige , umuwi kana Crow may gagawin pa ko.” Sabi nya sa kin sabay hiwalay sa pagkakayakap nya. “Ahh sige.” Sagot ko sa kanya Lumabas na siya sa opisina ako naman bumalik sa room ko at binalik ko ang eyesglasses ko at ang pustiso ko , lumabas na ko at umuwi na. Naglalakad lang ako pauwe kaya menus sa allowance na binibigay ni Ltn.Ash , habang naglalakad ako may nakita ako na nakatayo sa harap ng bahay ko akala ko yung lalakeng nag mamasid sa kin kanina. Pero nung lumapit pa ako ng konti nakita ko si Clintom na may puro pasa ang mukha at putok ang labi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD