Chapter III- Mr.X

2470 Words
Chapter 3-Mr x Clintom POV Pauwi na ko galing school ng pauwi na ko nakita ko may mga goons na pumapasok sa bahay namin .Agad naman ako tumakbo papasok ng bahay.Nakita ko nanaman ang may ari ng Loan Shark binibugbog nanaman ang Papa ko habang si Mama ay iyak ng iyak at nagsisigaw ng tama na. Hindi ko mapigilan kaya sumugod ako at sinuntok ko ng malakas yung owner ng Loan Shark,nagalit yung alipores nung owner kaya ako pinagtulungan nila“Tigilan nyo na anak ko ako na lang saktan nyo!” sigaw ni Papa sa mga nambubugbog sa kin “Kapag di parin kayo nagbabayad sa’kin buhay ng pamilya mo ang kapalit , nagkakaintindihan ba tayo?” sabi nung owner ng Loan Shark na kung tawagin ni Papa ay Mr. X “Tumigil ka wala kaming ibabayad sayo!!” sigaw ko sa kanya habang hawak nung dalwang lalake yung braso ko. Lumapit siya sa kin at hinawakan ng mahigpit ang panga ko. “Subukan mo lang kung hindi , hindi na kayo sisinagan ng araw sa susunod na buwan! At bata may utang ka pa sakin .” Sabi nya sa kin sabay bitaw sa panga ko. “Tara na,marami pa tayong sisingilin.” Binitawan na ko nung dalwang lalake pero tinulak nila ako , umalis na rin sila pero babalik din sila in 30 days .“Ma! Ayos ka lang ba?” lumapit ako kay mama ng makita kong hawak nya ang dib dib nya at hinahapo. “Oo anak ayos lang ako.” Lumapit din si Papa at niyapos si mama ,kakaopera lang kasi ni Mama sa puso at nagkulang kami sa pera kaya napakapit si Papa sa patalim. Kaya na pa-utang sya sa mga Loan Shark na ‘yon. Tumayo ako at lumakad palabas. “Anak san ka pupunta?” tanong sa kin ni Papa Pero hindi ako umimik at lumabas na ko ng bahay, hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng paa ko pero isa lang ang naisip kong puntahan si Shirley . Naalala kong magpapaturo nga pala ako sa kanya ng Judo ng sa ganon di na namin bayaran yung mga mokong na yon at pagbubugbugin ko na lang sila sapat na yon in 30 days. Tinext ko si Era , sya lang kasi ang alam kong malapit kay Shirley ,hindi rin sya nerd actually Campus sweetheart sya crush ko nga sya eh, nagtataka nga ako kung bakit katulad pa ni Shirley ang kinakaibigan nya.Siguro hindi sya natingin sa panlabas na anyo hindi katulad ng iba.Isa rin sya sa mga nagtatangol kay Shirley tuwing may nambubully sa kanya kaya lang nung isang araw wala sya kaya hindi nya napagtanggol si Shirley kaya ako tuloy ang naging knight in shining armor nya nung araw na yon. “Era alam mo ba address ni Shirley?” text ko sa kanya.Mga ilang segundo lang eh nagreply naman sya agad. “Malapit lang naman sa may school” text back nya sa kin. Agad akong pumunta sa address na yon , gabi na ng makarating ako . “Baho!” tawag ko sa loob ng bahay nila pero parang walang tao dahil nakapatay ang ilaw kaya ,naisip kong hintayin na lang sya dito sa harap ng bahay nya. Mga ilang minuto pa eh wala pa sya san ba nagpupunta ang babaeng yun ng ganitong oras ,di kaya entertainer kaya sya sa gabi sa club at nagsasayaw kasabay ang mga ilaw?Pero malabo yun may kukuha kaya sa kanya? Saka di ko ma imagine na magsasayaw sya sa gitna baka walang manuod. “Clintom?” Lumingon ako at nakita ko si Shirley.“Clintom bat ka andito? Saka bakit puro bugbog ang mukha mo? “ *** Shirley POV Tinignan ko ang mukha nya putok nga ang labi at may konting black eye sa gilid ng mata at sugat.“Ngayon muna ako turuan mag Judo!” sambit nya sa kin , at nakita ko sa mukha nya ang pagkadeterminado. “Ayos ka lang ba? Saka sinong nambugbug sa’ yo?”Pero hindi sya umimik kaya naisip kong papasukin ko muna sya sa bahay ko para gamutin ang mga sugat nya at malaman kung anung nangyari sa kanya. “Halika nga!” Hinila ko sya papasok ng bahay at pinaupo sa sa may sofa ko, pumunta ako sa may kwarto ko at kinuha ko ang first aid kit. “Akin na yung mukha mo gagamutin ko yung sugat mo.”sabi ko sa kanya “Dahan dahan lang ha!” sabi nya sa ‘kin.Tumabi ako sa kanya at lumapit ako ng konti para maabot ang mukha nya pero medyo na awkward ata sya sa kin , hahaha sino ba naman hindi ma awkward sa mukha ko, nerd na bungi pa hahaha.Pero ewan ko lang kung hindi sya mabighani sa ganda ko pag inalis ko ‘tong pang disguise ko . Kumuha ako ng bulak at nilagyan ng betadiane at pinahid sa may labi nya.“Aray!” “Ay sorry, dandahanin ko na.”Habang dinadampi ko ang bulak sa labi nya ramdam kong nakatingin sya sa kin. Habang dinadampi ko ng bulak ang mga labi nya malalim nya kong tinitignan kaya nabigla ako ng hinawakan nya bigla ang kamay ko na ginagamit panggamot sa labi nya. “Ahm... ba—bakit?” tanong ko sa kanya “Marunong ka pala mag martial arts bat hindi mo gumawang lumaban sa mga nangbubuly sayo?” “ Hindi kasi nila deserve yun ,syempre unfair yun kung gagamitin ko sa kanila yung mga natutunan ko sa martial arts. Saka ayos lang yung mga pangaasar nila sa kin hindi naman ako nasasaktan at hindi ko na pinapansin” “Ha? Nung nilublub ka ni Helena sa bowl ng CR hindi ka lumaban di ba physical na yun at hindi masasakit na salita?” “Pag ginawa ko yun baka maging kawawa sila syempre ang lakas lakas ko hehehe”pabirong sabi ko sa kanya pero mukhang hindi sya natuwa. “Ahm sige magseseryoso na ko , syempre hindi lahat ng tao pwede kong suntokin ,yung ginawa ni Helena pang isip bata lang hindi lahat ng bagay ay madadaan sa lakas o dahas .”Tumingin sya sa ibang direksyon nakita ko sa mga mata nya ang pagkabagabag sa puso at isip nya. “Ahm Clintom ano bang bumabagabag sa puso mo alam kong may problema ka, saka yang gumawa yan sayo sino ba talaga? Si Gibsen ba?”sabi ko sa kanya, bigla syang tumingin sa kin,tinitigan ko rin naman sya ng malalim. “Hindi si Gibsen ang gumawa nito, gawa to ng Mr. X na yon.” “Mr. X ?” sambit ko sa sa kanya laking gulat ko ng sinabi nya yon, ang alam ko kasi matagal na syang tumigil bilang Loan Shark o yung illegal na pagpapa utang ,nahuli ko na sya dati pero agad ko na rin pinakawalan dahil nagpromise sya na hindi na muli gagawa ng illegal na bagay matapos kung bugbugin nung araw nung nahuli ko sya. “Oo , umutang ang Papa ko sa kanya dahil masyadong malaki ang pampaopera ni Mama sa puso kaya naisip ng Papa ko na umutang sa kanila at ngayon pag hindi daw kami naka bayad ,buhay na daw ang kapalit, kaya please Shirley turuan mo na ako hanggang di pa tapos ang 30 days!” sabi nya sa kin nakita ko na man ang mga kamay nya na kumakamao. “Umuwi ka na .” sabi ko sa kanya na tumayo na ko sa pagkakaupo ko. “Pasensya ka na , pero hindi kita matutulungan ,gusto mo mag paregister ka na lang sa Judo association.” “Ganyan ka pala , hindi mo ba na isip ang pwedeng mangyayari sa kin at sa pamilya ko.”sabi nya sakin na tumayo at nakakunot na ang noo sa kin. “Wala naman akong konektado sayo at hindi rin tayo ganon ka lapit sa isat isa para gawin ang bagay na yon para sayo at sa pamilya mo.Pasensya na.” “Walang kang kwenta.” galit na sinabi nya sa kin agad nyang kinuha ang bag nya sa may sofa at tumalikod paalis. Hindi ko na sya sinundan o mag atubili pang magpaliwanag, wala na kong pakealam kung anong isipin nya sa kin,pumunta ako sa secret passage ng bahay ko sa may underground kinuha ko yung black suit ko tinangal ko yung suot kong school uniform at sinuot yun, tinanggal ko na rin yung eyeglasses ko at yung pustiso, tinali ko ng poly tail yung buhok ko at sinuot ko yung black boots ko.At nilagay yung baril ko sa may binti. Ako na ngayon si Agent Crow. Kinuha ko na rin yung big bike motor ko ,sinuksok ko na rin yung susi at pina andar dumaan ako sa ilalim special made yun by BSA ginawa nila yun para sakin. At ang labas nun ay high way. Pupuntahan ko yung lungga nung Mr. X na yon at tuturuan ng leksyon ng makarating ako nakita kong may nagbabantay sa labas ng resthouse nya.“Sino ka?” tanong sa kin nung nagbabantay sa gate. Tinangal ko yung suot kong helmet at lumapit sa lalake at hinawakan yung kwelyo nung lalake,nanlaki naman ang mata nya malamang nakilala nya na kung sino ako.“Asan ang boss mo?” Malumanay kong boses sa kanya “Aaandun po sa lo—ob.” Ma utal utal na sinabi nung lalake “Halika samahan mo ko sa loob.” Tinulak ko sya papasok nung resthouse at pinaturo kung asan si Mr. X , pumasok siya sa isang kwarto at sinundan ko lang nakita ko dun si Mr. X na busy sa pag amoy ng pera habang nakaupo sa may desk nya , nakatalikod sya kaya hindi nya kami nakikita. “Boss.” “Di ba sabi ko ayaw ko magpa istorbo!” “Pe—pero boss ...” “Bakit ba!”sabi ni Mr. X still smelling the money “Andito po kasi si---si Crow.” “Aah si Crow ba? Wag kang mag alala hindi nya malalaman tong ginagawa natin.” “Pe—pero.” “Sabing wag mag alala wag kang matakot sa pipitsuging agent na yon .” “Sino ako? Pipitsuging agent?” tanong ko sa kanya matapos ang narinig kong salita mula sa kanya.Bigla syang natumba sa kinauupuan nya ,lumapit ako sa kanya at nakita kong gulat na gulat sya ,binigyan ko sya ng isang pagkagandang gandang ngiti. “Akala ko ba hindi ka matatakot sa kin ,eh bat parang nakakita ka ng multo?” tanong ko sa kanya. “Ahhh Bossing joke lang yon hahaha!” “Ahh joke lang pala,pwes hindi nakakatawa yung joke mo.” Sabi ko sa kanya at hinila yung kwelyo at tinayo. “Bossing pasensya na!” “Ang sabi mo magpapari ka na pero ano to nagloloan shark ka parin!” Susuntukin ko na sana sya ng nagsalita uli sya.“Bossing wag nyo po akong patayin gagawin ko ang lahat!!para hindi mo lang ako patayin!” pagmamaka awa nya sa kin . Bigla naman may pumasok sa isip ko, na pwedeng panggamitan nya kaya hindi ko tinuloy ang salvage ko sa kanya hahaha joke lang hindi ako pumapatay noh.Binatawan ko yung kwelyo nya at umupo sa isang sofa nila. “Oh bat nakatingin ka lang kuha mo ko ng tsaa,ganyan ba trato mo sa bisita?”tanong ko sa kanya nakatingin pa rin sa kin ito at mukhang tulala. “A—a pasensya na bossing! Hoy Boy Gutom kuha mo ng tsaa si Bossing” “Ahh Yes Boss!” sunod naman nung Boy Gutom pala ang pangalanUmalis na si Boy Gutom para kumuha ng tsaa sa kin ,pinaupo ko si Mr. X sa kabilang upuan. Sumunod naman sya agad. “May papagawa ako sa yo.” “Ha? Ano po bossing?” “Mag spy ka sa Adams University tuwing gabi.” “Ano po? Di ba school ‘yon?” “Ay hindi beerhouse.” “Ahm pasensya na po, ang ibig ko pong sabihin ay bakit kailangan mag spy kami dun?” “Basta, wag ka ng magtanong pag may napansin kang kakaiba sabihin mo lang sa kin.” “Ahh sige po bossing makaka asa kayo!Pero pano po namin kayo masasabihan?” “Dito na ko ngayon mag didinner lagi sa rest house mo,ang comfortable kasi, wala ka naman siguro angal noh?” “Ahhmm wala po bossing ayos na ayos yun!!” sabi nya sa kin ,pero ang plastick nya ha nakita ko yung mukha nya parang nadissapoint pero ayos na yun para makita ko ang mga pinag gagawa nila. “Ahh teka muntik ko na malimutan, wag mo ng guluhin ang Pioneer's family ,wag mo na silang singilin kundi sisingilin ko yung buhay mo nagkakaintindihan ba tayo?”sabi ko sa kanya na binigyan ko ng uwak na tingin. “Pioneer family pano nyo po sya nakilala?” “Wala ka ng pakialam ‘don gawin mo na lang trabaho mo.” “Yes Bossing!!!”sabi nya sa kin pero lalong nanlumo ang mukha nya. “Wag mo nga akong tawagin ng bossing hindi ako si Vic Sotto.” “Ahhh sige po pasensya na po , Agent Crow na lang po.” “Sige alis na ko, P. S ko lang tigilan mo na yung pagiging loan shark , gamitin mo ang mga tao mo sa kabutihan.” *** Pagpasok ko sa classroom nakita ko si Clintom nakabalumbaba at nakatingin sa may bintana kung saan ako nakaupo banda,nung pa upo ko napatingin sya sa kin nung napatingin naman ako sa kanya iniba niya ang direksyon ng tingin nya. Pero malamang may galit sya sa kin pero siguro ayos na rin yun para hindi ako mapalapit sa kanya ,pag lumalapit kasi sya sa kin may pakiramdam ako na kakaiba na hindi ko masabi sa sarili ko. Ewan ko ba. Pumasok na rin yung teacher namin si Ms. Luna ,na mukhang may iiaanounce sa min, lahat kami ay nakatutok sasabihin nya mukha kasing mahalaga ito at kailangan namin malaman. “Class makinig kayong lahat , we will have a new student and he would be part of our class” Announce ni Ms. Luna , narinig ko naman yung mga kaklase ko na nagbubulungan. “Ay sana cute!”Ang mga kiringkeng talaga tzk , basta ako kung sino man yun basta hindi makakakilala sakin ayos lang. “Pumasok kana Klerson Shin.” Pagpasok palang nya sa pinto ng classroom nanlaki na ang mga mata ko ,yung lalaking ‘yan sya yung sumusunod sa kin nung isang araw, hindi maari ‘to. May kakaibang nangyayari dito. Sino ba talaga sya at anong intensyon nya ? Kilala nya ba ako? Bat bigla akong kinabahan?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD