Chapter 5- She's Beautiful

1602 Words
Chapter 5-She's beautiful Shirley POV “Ms.Crow wala po kaming nakitang kahinahinala sa mga kinikilos ng mga taga Adams University.” “Ganon ba.”sabi ko kay Mr.X habang tinatanggal ko ang tinga ko gamit ang toot pick inutasan ko sila nag mag spy tuwing gabi para hindi ako mahihirapan saka para may magawa na rin na matino ‘tong mga to. “Ms. Crow eto po oh lechon manok gusto nyo?” alok sa’kin ng isang alagad ni Mr. X. “Wag na alis na ko marami na kong nakain salamat sa pagkain ha! Bukas uli!” tumayo na ko sa kinauupuan ko nakita ko naman ang pagmumuka nila na nanlulumo hahaha ang dami ko kasi nakain.Ubos ang laman ng ref nila.Pinaandar ko na ang engine ng motor ko at nilagay ko na ang helmet ko. “Ingat po kayo Ms.Crow!” sabi nung mga bata ni X at sya rin kumaway na lang ako .Habang nasa high way may nakalagay na headset sa tenga ko at nakikinig ng kanta sa ipod ko ng biglang may sumalubong sa dinadaan kong highway tinanggal ko bigla yung helmet ko at tinulungan kong itayo yung bumulaga sa ‘kin. “Ayos ka lang ba?”tanong ko sa kanya. “Ayos lang ako.”Sabi nya sakin habang hawak hawak ang ulo at nakayuko.Humarap sya sa kin at ng hindi ko inaasahan si Clintom pala ang nabunggo ko.Wish ko lang hindi nya ko makilala. “Ayos ka lang ba talaga?”tanong ko ulit sa kanya. “Ang ganda...” “Huh? Nabagok ba ulo mo?” “Huh? Ay sorry ayos lang ako.”sabi nya sakin na parang bumalik na sa katinuan nya inalalayan ko na rin syang tumayo .“Gusto mo ba samahan kita sa hospital may galos ka kasi sa braso.” Sabi ko dito. “Ayos lang ako wag ka na lang mag alala.” “Ganon ba? Sorry talaga ha!” “Hindi naman ako gaano nasaktan.” “Talaga?” “Oo.” “Sige, kung ganon aalis na ko.” Bumalik na ko sa motor ko at sumakay na pinaandar ko na rin yung engine ng motor ko. “Ahhm te—ka lang !” pigil nya sa ‘kin. Nalintikan na. Nagandahan ata sa’kin ‘to masyado. “Bakit?” tanong ko sa kanya pabalik. “Ahmmm anong pangalan mo?” “Huh? Pangalan ko?”naku bat nya tinatanung di kaya nahalata nya? “Pwede ba?” “Oo naman Crow pangalan ko.” “Crow? As in uwak sa tagalog?” “Uhmm oo bakit?” “Wala , kaka iba lang kasi.” Sabi nya sa kin sabay bitaw ng isang magandang ngiti na una kong nakita sa mga labi nya. “Ganon ba weird nanay ko eh.Sige alis na ko.” Sabi ko sa kanya at ngumiti rin ako at pinaandar ko na ang motor ko.Ano bang ginagawa ni Clintom sa lugar na yon? Hmm bahala na nga sya. *** Clintom POV “Hoy!Bata anong ginagawa mo dito!” tanong sa kin nung bata ni Mr. X “Ilabas nyo si X na yon! Tuturuan ko sya ng leksyon hindi hindi kami magbabayad sa yo tandaan mo yan!” sigaw ko dun paloob sa kuta ni X pero pinipigilan akong makapasok sa loob ng kuta nila. “Sabing di nga pwede eh umalis ka na dito kung ayaw mong may gawin kami sa yo!”pagpigil pa rin nila sa kin. “Ano bang kaguluhan ‘to?”Sa wakas lumabas na rin tong mokong na to. “Boss,nagpupumilit po pumasok eh.” “Ha? Teka ikaw yung anak ni Humildo ah, anong ginagawa mo dito?” “Andito ako para turuan ka ng leksyon!”sabi ko sa kanya pero di ko magawa makapanuntok dahil hawak ako sa may dalwang braso ko. “Ha? Ako? Bat ano bang ginawa ko sayo?” “Ngayon nag maang maangan ka pa,hinding hindi kami magbabayad sa yo!” “AH! Oo nga pala may utang kayo sa min wag kang mag alala bata wag na kayo magbayad bayad na utang mo.” “Anong sinasabi mo?” “Basta bayad na wag ka ng magtanong umalis ka na dito.“ Nagulat ako sa sinabi nya, at naiwan na ko dito sa labas nila na takang taka kung pano nabayaran yon eh wala nga kaming pambayad eh. Umalis na ko sa may kuta nila at habang naglalakad dito sa may gilid ng kalye bigla kong na alala yung babae kanina na Crow ang pangalan. Grabe ang ganda nya , ang ganda ng kutis ang puti , ang buhok nya pang shampoo commercial,ang katawan ang sexy at ang labi nya ang pula parang ang sarap halikan.Masarap halikan? Bura bura bura, ano ba tong iniisip ko kakakita ko lang eh ganito na ko mag imagine kakahiya. Pero sino nga ba talaga ang nagbayad sa utang namin malabo naman isa sa mga pamilya namin dahil masyadong kuripot at hindi mapagbigay ang mga ‘yon. O baka naman may sumapi kay X na pinagbago nya,ay hindi pwede mukha pera yun hindi papayag yun na walang pambayad malamang may tumulong nga kung sino man ‘yon nagpapasalamat ako sa kanya at wala na kong problema ngayon. *** “Tom dalian mo masasarahan na tayo ng gate!” sabi sa ‘kin ni Paul ang bestfriend ko sa school kaklase ko rin. “Kung hindi mo pa kasi sinalayan yung elementary student dun sa kabilang school hindi sana tayo nagmamadali ng ganito!” “Ihh hayaan muna hangang silay na nga lang ako eh.” Sabi nya sa ‘kin na halos hingal na kami sa kakatakbo.Malapit na kami sa gate ng school ng mapatingin kaming dalwa ng may dumaan na isang mamahaling kotse sa harap naming pang mayaman talaga kaya lahat ng student ay napatingin din . “Aba , sino sakay nyan?” narinig ko dun sa likuran ko nakapasok na kasi ako sa gate at ngayon pinapanuod ko kung sino ang baba sa pagka mamahaling sasakyan na’to. “Aba! Sino pa ba e di yung Princess Sweetheart!” sabi nung babae sa likuran ko. Bumaba yung driver nung kotse at pinagbuksan ang pinto nung kotse habang pagbaba yung sakay nakita ko ang napakakinang na black shoes nya at ang maputi nyang legs at lalo pang nagpabagay dito ang suot nyang mini skirt na uniform ng school at sya ay walang iba na crush na buong lalake sa school na si Era Cross. “Kamusta kayo!” sabi nya sabay kaway sa min Umikot ikot ang tingin nya na parang may hinahanap. Hangang mapatingin sya sa direksyon namin ni Paul.Papunta sya sa direksyon namin na nakangiti at sobrang cute nya akin na lang ngiti mo pero ang matindi sa ‘kin sya nakangiti at mukhang lalapitan nya ko. Ngumingiti ako sa kanya habang papalapit sya at pati na rin sya sa kin.“Kamusta ka na!?” sigaw nya habang papalapit sa min “Ayos lang ak-“ sabi ko sa kanya pero hindi natuloy dahil hindi pala ako ang kausap nya nalaman ko lang ng dumaretso sya mula sa likod ko saka ko lang naalala na nasa likod ko nga pala si Shirley . Hindi pala ako, napahiya ba ko? “Pare ayos lang yan , mapapansin ka rin nya hahaha!” pang aasar sa’kin ni Paul. “Tumigil ka nga pumasok na nga tayo.” Sabi ko sa kanya at pumasok na ko papuntang ng classroom kakainis talaga akala ko talaga ako. Iniwan ko na si Paul kaka asar eh tawa ng tawa wala naman nakakatawa. Habang papunta akong classroom nakasalubong ko naman si Klerson.“Oh san ka pa pupunta malapit na mag time ah.” Tanong ko sa kanya “Susunduin ko kasi si Shirley.” “Ha? Seryoso ka ba talaga sa kanya?” “Oo naman ang ganda kaya nya.” “Ha? Maganda? Anong ginanda nya?”Tanong ko sa kanya na medyo natatawa pa ko.Lumapit sya sa kin at bumulong sa tenga ko. “Maganda sya pag hindi sya si Shirley.” Mahinang bulong nya sa tenga ko, na hindi ko naman na gets yung sinabi nya.Maganda si Shirley pag hindi si Shirley, ano daw? May toyo ba ‘to? Lumingon ako at nakita ko sila Shirley at Era na papunta na rin sa classroom kaya nagkasalubong din kami dito sa hallway.“Oh Tom kamusta na?” tanong sa kin ni Era “Ahhh ayos lang welcome back” “Hi Shirley!” Singit naman ni Klerson “Ah! Hello!” sagot naman ni nerd “Halika na!” sabi naman ni Klerson na biglang hinawakan ang kamay ni Shirley.Hinila nya na to paakyat ng classroom kaya kami na lang dalwa ni Era ang naiwan. “Si Klerson yun new classmate natin.”sabi ko sa kanya. “Kaya pala bago palang sya sa paningin ko.” “Halika na pasok na tayo sa classroom .” “Ahh sige!”Wow ang ganda nya hindi ko maimagine na kasabay ko sya sa pag akyat sa hagdan! Habang paakyat kami ay parang nagkamali sya ng hakbang kaya hinawakan ko sya sa may bewang nya at napahawak na man sya sa balikat ko. Nagkatinginan kami sa isa't isa.“Ahmm ayos ka lang ba?” tanong ko sa kanya “Ahm ayos lang ako, salamat ha kung hindi mo ko sinalo malamang nahulog na ko sa hagdan.” “Wala yun.” Sabay kamot sa ulo at pa-cute sa kanya. Hindi ko makakalimutan ang araw na ito!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD