Chapter 6- Run Run Devil Run

2105 Words
Chapter 6-Run run devil run Liutenant Ash POV Nandito ako ngayon sa conference room kung ‘san kami nag memeeting kasama ang ibang member ng BSA.“Lt. Ash , bat ba ayaw mo pang ipagawa kay Crow yung mission na yon?” tanong sa kin ni Srgt.Canned “Oo nga magaling si Crow kung i-aasa natin sa ibang secret agent baka hindi magawa ng tama ang mission.”dugtong naman ni Capt.Troy. Mga matatanda na sila pero ako ang pinakabatang naging Lt. dito sa BSA at ako rin ang namamahala sa kanila. “What do you think Lt.Ash?” Iba iba na ang tingin nila sakin na inaabangan ang sagot ko.“Pag iisipan ko muna mabuti.” Sagot ko sa kanila pero halatang na dissapoint sila. “Dapat mo na ‘tong pag isipan ‘di ko malaman sayo kung ayaw mong ipagawa ang mission na ‘yon kay Crow.” Sabi sa kin ni Srgt. Canned na mukha nainis na sa ‘kin at umalis na sumunod naman ang ibang officials sa kanya. Kaya ako at si Captain Smish ang naiwan dito sa loob ng conference room “Di ba dapat trabaho ay trabaho?” tanong sa kin ni Capt. Ash na kaharap ko sa isang upuan. “What do you mean?” “May personal kang nararamdaman kay Agent Crow hind ba?” sabi nya sakin. Hindi ko na sya sinagot dahil aminado ako, mahal ko sya at natatakot akong mawala sya sa buhay ko kaya hindi ko inaccept sa kanya yung mission. Ang mission na tinukoy nila ay ang pag papanggap ni Crow sa isang sindikato na kasamahan sya at dun sya magiinvestigate at pag spy. Masyodong delikado ang pinapapasok ng mga officials sa kanya. Mga most wanted ang nandun at pag nalaman kung sino sya baka hindi magdalwang isip ang mga yon na patayin si Crow. “Hindi ba kasama yun sa rules dito sa BSA wag isama sa trabaho ang isang pag ibig?” “Hindi ko alam ang sinasabi ko. Aalis na ko ikaw na bahala dito.” Tumayo na ko sa kinauupuan ko at binuksan ang pinto.Naisip kong tawagan si Crow kaya kinuha ko yung cellphone ko sa bulsa.“Lt. Ash!!” sigaw sa kin nung nagtatakbong agent papunta sa kin “Oh bakit?” “Lt. nahuli na po yung pumatay sa pamilya ni Agent Crow.” “Ano?!” *** Shirley POV “Klerson you’re a good actor.” Sabi ko sa kanya habang naglalakad kami papasok ng classroom. “Ikaw din kaya ikaw naman pang best actress.” “Eh kung sumabak kaya tayo sa showbiz malamang sikat na tayong actor and actress ngayon.” “Wag na mawawala ka naman na soon.” “Ganon ba sige ayos lang yan confidence mo pero wag sosobra ha baka di mo magawa.” “Hmm just wait and see.” “Hey Klerson, nakikita mo yung babae na ‘yon papunta dito may hawak na ketchup, tingin mo anung gagawin nya?” “Syempre itatapon sayo.” “No, syempre haharangan mo tas ikaw yung matatapunan,tas iisipin ng iba ang sweet at handa mo kong ipagtanggol.” “Ayoko nga.” “Bahala ka part yun ng panliligaw churva mo sa kin.”Hindi na sya umimik ,sana ma-uto ko to ayaw ko nga matapunan ng ketchup agang aga eh “Hi Ate Shirley!” sabi nung girl na mukhang freshmen pa lang mukha pa lang nya may gagawin ng masama tinago pa yung ketchup sa may likuran nya akala nya siguro di ko nakita. “Hi kuya Klerson ang cute mo naman sayang nga lang at nililigawan mo ang isang nerd na to, ako na lang kuya ligawan mo papaligayahin kita!”Ay bongga ka teh, agresibo ba? “Sorry ,hindi ko pagpapalit si honeybunch ko humanap ka na lang ng iba okay?” sabi naman ni Klerson ang sama nya noh dineretso yung bata. Hinawakan nya ulit yung kamay ko at lumakad na iniwan na namin nag iisa yung bata na mukhang paiyak na. “IKAW NA NERD KA!” sigaw nung babae mula sa likod ko at mukhang babarilin ako ng ketchup. “Te---teka!!” sigaw ni Klerson.Sinangga nya nga yung ketchup at puro ketchup nga yung polo nya. “What the hell.” sabi ni Klerson na tinitigan ang damit nya pero halata sa mukha nya nagpipigil sya na saktan yung babae. “Hoy babae wag mong sisihin si Shirley kung bakit hindi ka nya pinili.”wow ang harsh naman masyado nitong ni Klerson.Yung girl naman nagulat malamang nasaktan talaga sya ng todo,poor girl tzk tzk.Umalis bigla yung babae at nagtatakbo,mga bata talaga. “Ano so kailangan mo ng pumunta sa banyo at magpalit.”sabi ko sa kanya. “Yeah right I think so,” “Ge alis ka na thank you ha!” pag chupi ko sa kanya.Umalis na nga sya at nagtungo sa banyo binitawan narin nya ang kamay ko.Hahaha na-uto ko pano kaya naging agent yun eh uto uto hahaha, mabuti naman kapal kasi ng face hawak hawak pa ang kamay ko close ba kami? Makapasok na nga lang.Naramdaman ko naman na nag vibrate yung cp ko kaya napahinto ako sa paglalakad ko at kinuha sa bulsa ko yung cp ko.Nakita ko na tumatawag si kuya pero bakit kaya? Agad ko naman itong sinagot. “Hello Lt. Ash bat ka napatawag?” “Crow .” “Bakit? May problema ba?” “Crow nahuli na ang pumatay sa pamilya mo.” Bigla kong nabaksak yung cellphone ko at na tulala, biglang kumao yung kamay ko hindi ko maintindihan yung nararamdaman ko. At parang namumuo yung luha ko sa mata ko.Biglang nagflash back sa isip ko yung nangyari sa pamilya ko. Natauhan lang ako ng may nagbuhos sa kin ng tubig sa may timba ,napatingin ako sa mga babae na nagtatawanan.Biglang nagdilim ang paningin ko at parang gusto kong pagbugbugin ang mga babaeng yon kaya lumapit ako sa kanila. “Bakit nerdy lalaban ka na sa min ngayon?” Sabi nung isang babae na pumewang pa. Sinamaan ko sila ng tingin,yung bang hindi nila nakikita dati. “Girl oh sama ng tingin sayo.” “Hoy bat ganyan ka makatingin ha! Ano gusto mo sabunuta—“Hindi ko na sya pinagpatuloy magsalita at sinuntok ko na lang sya ng malakas. “Hoy anong ginawa mo kay Princess!!” sabi nila sa kin habang inaalalayan yung babae ,nakatulog kasi eh.“Pinatulog ko,hampas lupa eh.” Sabi ko sa kanila na nakangisi pa ko. “How dare you!” sasampalin na sana nya ko pero nahawakan ko yung kamay nya.“Eto sayo.” Binigyan ko muna sya ng evil smile at saka ko sya sinuntok sa may tyan. Hindi maipinta sa mukha nya ang sakit ng dinulot kong suntok at mukhang masusuka na sa sakit.Sumugod sya uli para sabunutan ata ako o sampalin kaya hinawakan ko yung kwelyo nya pumorma ako na nakakamao para suntukin sya. Susuntukin ko na sana sya kaya lang may humawak bigla sa mga kamao ko.Tumingin ako sa likod ko at nakita ko si Clintom.“Anong ginagawa mo ?” tanong nya sa akin. Biglang akong natauhan na bumalik sa katinuan masyado kasi akong nadala sa sinabi ni kuya naaalala ko ang pumatay sa pamilya ko kaya napagtuunan ko ng galit ang mga babaeng eto na kung hindi ako napigilan malamang nasa hospital. “Hin—di ko—alam” sabi ko sa kanya sabay baba sa hagdan at lumabas na ng school, pero sinundan ako ni Clintom kaya nagtatakbo ako pero hindi lang si Clintom ang humahabol sa kin pati na yung guard nung school at yung mga babaeng kaaway ko kanina. “Shirley!! Hintayin mo ko!!!” Hindi ko sya pinakinggan at patuloy pa rin ako sa pagtakbo,ang bilis nya kaya nahahabol nya ko. “Shirley!!”sigaw pa rin nya.Andito na kami sa may palengke at naghahabulan pa rin pero tumingin ako sa likuran ko at nakita ko wala na si Clintom don si gurang guard na lang at yung mga amozona girls na lang ang humahabol sa kin. Takbo pa rin ako ng takbo pero habol pa rin sila ng habol pagod na ko sana naman may tumulong sa’kin kahit papaano.Hanggang sa may humila nga sa kin,habang hila hila nya ko hindi ko sya makilala dahil na katalikod sya at naka saklob at naka kulay red ang tshirt. Dinala nya ko sa may eskinita at sinandal sa pader. “Clintom?”sabi ko sa kanya hawak ang dalawang wrist ko na sinandal nya sa pader, grabe ang lapit ng mukha namin sa isat isa at amoy ko yung hininga nya. “Sumakay ka na lang sa gagawin ko.” “Ha?” “Ayan na sila.” Nilapit niya pa lalo yung mukha nya sa mukha ko, ang lakas ng t***k ng puso ko hindi ko maintindihan hindi rin ako makagalaw sa pagkakasandal nya sa kin.“Andyan na sila.” Sabi nya sa kin na lalo pa talagang nilapit ang mukha nya sakin “Ano?” “Shhh..” “Guard ‘asan na sya dapat nyang pagbayaran ang ginawa nila sa min.”sabi nung nakaaway ko na konting lapit sa min. “Oo nga kawawa naman yung kaibigan nyo. Dapat ma pa guidance natin yan” Ang tangang guard naniwala sa mga to hayy ano ba yan nagmukha tuloy akong masama sino ba dito ang basang basa ngayon gawa nila. Hanggang nakita ko yung isang babae nakatingin sa min ni Clintom na mukha namumukhaan kami.“Teka guard parang...sila..”sabi nung girl Napatingin naman yung guard at yung mga amazona girls “Nako patay..” sabi ko kay Clintom napatingin ako sa mukha nya mukhang may pang aalinlangan sa gagawin nya bigla nya niliko yung ulo nya para di makita yung mukha ko at matakpan papalapit na kasi yung guard at yung mga babae hanggang naramdaman ko ang labi nya sa labi ko. “Hoy girl bumalik na nga tayo maka istorbo pa tayo sa mga ‘yan.” “Ahh mabuti pa nga bumalik na tayo sa class room baka bumalik na sila don.” Sabi ni guard.Nung nalaman ni Clintom na umalis na yung mga yon,agad syang humiwalay sa pagkaka halik nya sakin at umubo . Umubo ubo pa sya pagkatapos ay sumigaw sya ng “IKAW NINAKAW MO FIRST KISS KO!” *** Clintom POV Nasa harap kami ngayon ng mini store gabi na ginabi na ko sakaka mumog ng mouth wash hindi ko inaasahan na nerd na yan ang magiging first kiss !!! “Uy Clintom tama na nakakainsulto na eh.”sabi nya sa kin habang nakaupo sa sahig “Kasalanan mo ‘tong lahat eh!” “Pasensya na hindi ko naman kasi inaasahan na darating ka ‘don eh.” “Alam mo ba nasira ang pangarap ko na maging first kiss ko si Era at alam mo kung sino sumira ‘non? Ikaw!” “Bat mo ba kasi ginawa yon hindi naman ako humingi ng tulong sayo.” “Sige kung pinabayaan kita ngayon malamang na kick out ka na sa school anak ng principal ang kinalaban mo tingin mo kakampihan ka nila eh ang daming amiga ng babaeng yon ano bang nasa isip mo at ginawa mo ‘yon? Di ba sabi mo hindi lahat ng bagay nadadaan sa dahas?”sabi ko sa kanya. Yumuko lang sya at hindi na sumagot ,ano ba kasing ginawa ko at masyado akong concerned sa babaeng ‘to at bumili pa ko ng damit para sa naisip kong paraan. “Kumain ka na ba?” tanong ko sa kanya “Hindi pa eh.” “Halika kumain tayo ng noodles dun sa tabi masarap pag kain don.” “Ayos lang ba talaga sayo?” “Bahala ka na nga.” Sabi ko sa kanya.Tumayo na sya sa pagkakaupo nya . “Saglit lang.” Sabi nya sa kin “Bakit?” “May tumatawag kasi sa kin.” “Ah ganon ba sige sagutin mo na.”Tumalikod sya sa kin at saka kinausap yung nasa cellphone,mahina yung boses nya kaya di ko marinig yung pinaguusapan nila teka hindi ako chismoso ha curious lang ako. “Ano Lt.!”ang malakas na sabi nya Liutenant? Anong Liutenant? Napatingin naman agad sya sa ‘kin at saka binaba yung cellphone nya.“Clintom aalis na ko salamat kanina ha!” “Te—teka.”Hindi na nya ako hinintay magsalita at tumakbo na naman, anong Liutenant sinasabi nya? Sundan ko kaya?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD