CHAPTER 22

2101 Words
Chapter 22: The truth revealed. "MA...MA..." "Ah, he... Uhm..." sambit ko at wala na akong maisip na masabi pa dahil ang bilis ng t***k ng puso ko. Para lang akong nakakita ng multo dahil iyong balahibo ko sa katawan ay nagsitayuan na. My hands are shaking already. Paano ba ako nalagay sa sitwasyon na ito? "What is it, love? Ano'ng tawag mo sa kanya, hmm? I want to hear it again, baby. What is it again?" malambing na tanong niya sa anak niya. Humaba ang nguso nito at itinuro pa ako. Aba, marunong ng kausapin at nagawa pa akong turuin. "Ma...ma, dada?" nahihirapang bigkas nito, parang kinapos pa siya ng hininga. Sinusubukan niya lang talaga ang magsalita. Hindi huminto si Markin sa paglapit sa akin kaya ginawa ko ang lahat para iwasan siya. Atras lang ako nang atras at siya ay patuloy lang sa paghakbang palapit sa akin. Nakakainis naman! "Hmm, again, baby?" "Mamamamamama..." mabilis na sambit ni Markiana at may lumubo pang laway niya. Aba... Nilingon ako ni Markin at mabibigat ang bawat titig niya sa akin. Nakita ko rin ang pag-igting ng panga niya. "Ay..." utas ko dahil ang malamig na pader na ang dumikit sa likod ko. Wala na nga akong kawala pa. Wala na rin akong maaatrasan pa. "Answer me, Rea... She's not your niece... She's your daughter, right?" seryosong tanong niya sa akin. Mabilis na umiling ako at parang may bumara sa lalamunan ko pero nagawa ko pa ring tumanggi, "P-Pamangkin siya ng p-pinsan ko..." nauutal na sagot ko at unti-unting lumapit sa akin ang mukha niya. Kung ipagpapatuloy niya ang ginagawa niya ay baka maipit na namin si Markiana. Ang laki pa naman ang katawan niya! Mapipisi ang baby ko! Nakikisabay sa Daddy niya ang baby na 'yan! "I remembered your line last week..." saad niya at tiningnan na naman niya ang anak niya. Hinarap din siya nito at ngiting-ngiti pa. "Pagkatapos mong makuha sa akin si Lotus ay may sinabi ka pa sa akin," mariin na sambit niya sa akin at mas dumilim ang mukha niya. "A-Ano naman iyon? W-Wala naman akong sinabi, ah?" tanggi ko dahil maski ako ay wala rin akong maalala kung may sinabi ba ako na ano sa kanya? "You said... Markiana is your child," giit pa rin niya sa akin. Pinipilit lang akong ibuking nito, eh. Wala talaga akong maaalala sa pinagsasabi niya! "Kailan ko naman iyon sinabi, Engineer Markin?" kunot-noong sabi ko pero bigla ko ring naalala ang sinabi ko. "Bakit basa ang pilikmata niya? Pinaiyak mo ba si Markiana?! Ano'ng ginawa mo?! Ano'ng ginawa mo sa anak ko?!" "Damn it," mura ko at mariin na napapikit. Nadulas ako! Nadulas ka, Rea! Nasabi mo talaga iyon! Pero hindi niya lang napansin noong una! "You already slipped, Rea. Idi-deny mo pa ba ang sinabi mo noon?" malamig na tanong niya sa akin. Nanghihina ang tuhod ko at walang humpay sa malakas na pagkabog ang puso ko. Literal na nadulas na talaga ako. Wala na nga akong kawala pa. Wala na rin akong choice kundi ang sabihin sa kanya na ako nga ang magandang Mommy ni Markiana Reyan. Para akong mawawalan ng balanse dahil sa kaba at takot na baka may sasabihin pa siya sa akin na nalalaman niya. Una, nalaman niyang hindi naman lalaki si Markiana. Na babae talaga ang anak ko. Pangalawa, nalaman niya na hindi ko rin pamangkin ang baby at anak ko talaga ito. Baka sa pangatlo ay malalaman niya rin kung sino ang biological father ni Markiana. Nang mapansin niya ang kalagayan ko ay hinawakan niya ang siko ko at parang buong lakas ko ay ibinigay ko na sa kanya. "Ano'ng parusa kaya ang matatanggap ng sutil na Mommy mo, love?" nakangising tanong pa niya sa bata. Narinig ko lang ang pagbungisngis ng baby ko. Nag-eenjoy rin ang bubwit na panoorin kami, lalo na ako na kinakabahan sa binabatong salita ng Daddy niya. "Isa na lang ang gusto kong malaman, Rea," seryoso na namang saad niya. Mag-iiwas na sana ako ng tingin sa kanya pero lumipat ang kamay niya mula sa siko ko at napunta iyon sa baywang ko. Hinapit niya ako palapit sa kanya at dahil matangkad siya ay nahirapan akong tingalain siya. Nalipat naman ang tingin ko sa baby na hawak niya. Nakahilig ang pisngi nito sa dibdib ng Daddy niya at ang maliit na thumb niya ay nasa bibig na niya. Ginawa niya iyong dummy habang nakatitig sa akin. Manang-mana ka talaga sa Daddy mo, love... At nagtatampo pa rin ako sa 'yo dahil sa ginawa mo sa akin ngayon-ngayon lang. Una mo pang nasambit ang Dada kaysa ang tawagan muna ako na Mommy or Mama... Napasigaw mo... "Rea... Rea..." Parang tanga nito dahil paulit-ulit niyang binibigkas ang pangalan ko. "Hindi ka ba nagtataka kung bakit palagi akong nagpapakita sa inyong dalawa, Rea? Kung bakit ang gaan-gaan ng loob ko...sa 'yo at maging kay... Lotus." Hindi ko alam kung saan patutungo ang sasabihin niyang ito. Parang may nalalaman na siya, eh. Ayaw niya lang sabihin sa akin ng diretsa. Pero kitang-kita ko ang emosyon niya na hindi ko akalain makikita ko iyon habang nakatingin siya kay Markiana, na inosente rin siyang tinititigan nito. Pinakawalan na niya ako kaya nakahinga ako ng maluwag. Pasimple akong dumistansya sa kanya pero mabilis na hinaklit niya ang palapulsuhan ko at malakas na hinila pa ako. Tumama ang mukha ko sa dibdib niya. "Hindi pa tayo tapos mag-usap, Rea," mariin at malamig na sabi niya sa akin. Matapang na sinalubong ko ang mabibigat niyang tingin. Bakit ba ako kinakabahan sa lalaking ito? Dahil tila may nalalaman na siya sa sekreto ko? "Hindi naman tayo nag-uusap. Ano ba'ng problema mo sa akin at saka bakit ganyan ka makatingin sa akin? Ano'ng ginawa ko sa 'yo, ha?" masungit na tanong ko sa kanya. Pilit na pinapatapang ko lang talaga ang loob ko para hindi ako magmumukhang mahina sa harapan siya. "Marami tayong pag-uusapan. Simula sa nangyari sa atin sa party na iyon," sabi niya at nasamid yata ako ng sarili kong laway. Ang ibig sabihin nito ay naaalala na niya ako?! May alam na ba talaga siya? Bakit paliguy-ligoy pa siya kung ganoon? Diretsahin na niya ako kako. Kanina pa siya. Umiinit na rin ang ulo ko sa kanya. "Ano naman ang ginawa natin sa party na iyon?" nakataas na kilay na tanong ko sa kanya. "Hindi ba sinabi ko sa 'yo noon na huwag kang umalis at pag-uusapan natin ang nangyari sa atin?" masungit na sabi niya rin sa akin kaya roon sumuko na ako. Dahil naaalala na nga niya iyon. May idea na siya sa lahat ng bagay na itinatago ko mula sa kanya. Ano pa ang itatanggi ko? Wala na. "Hindi ko alam kung bakit dini-deny mo ang bata na pamangkin mo lang. Ang laki ng pagkakahawig mo kay Lotus, Rea..." "Ano pa ba ang nalalaman mong lalaki ka?! Diretsahin mo na nga ako para matapos na itong pinag-uusapan natin! Ayoko ng paliguy-ligoy!" naiinis na sigaw ko sa kanya. Hinigpitan niya ang paghawak kay Markiana pero sinisiguro naman niya na hindi ito masasaktan. "Ayaw mo ng paliguy-ligoy? Gusto mo ng direct to the point, Rea?" matabang na tanong niya. "Oo!" asik ko. "I want to court you..." wala na ngang paliguy-ligoy na sabi niya at bayolente akong napalunok. Hindi naman iyon ang gusto kong marinig mula sa kanya, eh. Hindi naman iyon ang inaasahan ko na sasabihin niya pero bakit iyon ang lumabas sa bibig niya?! "What the hell?!" "Liligawan kita." At tinagalog pa niya talaga. Ang t***k ng puso ko ay hindi na normal sa sobrang bilis nito... "B-Bakit mo naman ako liligawan?" I asked him, my eyebrows arched. "Because I'm attractive to you," diretsong sabi niya. "Attractive lang? Seriously, Engineer Markin? Sa pagkakaalala ko ay may feelings ka sa best friend mo, ah. Tapos gusto mo pa ang girlfriend ng Kuya mo! Babaero ka ba?!" nanlalaking tanong ko sa kanya. Wala na akong pakialam kung hindi ko na napigilan pa ang sarili ko na itanong sa kanya ang mga bagay na iyon o sabihin na babaero nga talaga siya. Ang dami niyang gusto! Pero alam kong mas lamang ang pagkagusto niya kay Leighton dahil mahal na niya ito. Saan naman ako lulugar kung tatanggapin ko siya?! Kung sasang-ayon ako sa kanya na ligawan niya ako?! Ayokong maging rebound, the hell! "Ikaw ang mas nakakaalam kung babaero ba ako o hindi, Rea. Ikaw ang nakauna sa akin, 'di ba?" malamig pa ring tanong niya. Parang sinisisi niya ako o tila... Sinasabi niyang panagutan ko rin siya! "N-Naalala m-mo n-na?" kinakabahan na tanong ko. Nanginginig ang boses ko. "Yes, baby... You moaned my name repeatedly at that time..." he said in a husky voice. Bakit ang sexy ng boses niya?! Shet lang... Mas nakakapanindig ng balahibo. "P-Paano mo naaalala?" Bumaba ang tingin niya sa labi ko kaya nagsalubong ang kilay ko. "Kaunti lang ang naaalala ko. I told you already na nakalilimot ako kapag lasing ako. But your lips can help me to remember me the complete details? Can I kiss you, again?" he asked and his lips rose up. p*****t! "Complete details?!" hindi makapaniwalang bulalas ko. "Yes. Iyong halikan lang natin ang naalala ko at bago ako nakatulog ay nakita pa kita sa tabi ko. Nakahiga sa kama at nakatakip ka lang ng...puting kumot. Don't deny the things happened to us, Rea at alam kong mas malalim pa ang nangyari sa atin." "Pero bakit...sinabi mo pa rin na ako ang nakasama ni Leandro ng gabing iyon? You told me that he's the father of Markiana. Niloloko mo lang ba ako?" "I just want you to slip and to tell me the truth but you're...a hard-headed woman... Come on, have a seat, Rea," sabi niya at hinila ako. Nauna siyang umupo sa kama at ibinaba na niya si Markiana. Binigyan niya ito ng laruan. Ilag saglit pa niyang pinanood ito at napangiti pa nang marinig ang mumunting boses nito. "She's cute... How come you didn't tell me about her, Rea?" Ngayon ay bumalik na naman siya katatanong sa akin. Tumikhim ako at nag-iwas nang tingin pero hinawakan niya lang ang mukha ko. "Mahalaga pa ba talaga iyon? One night stand lang ang nangyari sa atin, ah. Ano'ng gusto mo ay ulitin natin iyon?" naiinis na tanong ko sa kanya. Nasundan ng mga mata ko ang paggalaw ng labi niya. Akala ko ay magsasalita siya pero humaba lang ang nguso niya dahil pinipigilan niya ang ngumisi! "Why not, Rea? Kapag tayo na ay mauulit pa iyon. Saan mo gusto, baby? Sa condo ko o sa kuwarto niyo ni Markiana?" Napatayo ako sa sinabi niya. Iyong boses niya ay nang-aakit! "Napakabastos mo! Sino ang nagsabi sa 'yo na magiging tayo?! Hindi pa nga kita binibigyan ng chance na ligawan ako, ah! Ambisyoso ka!" ani ko at tinulak ko pa ang noo niya. Umalingawngaw naman ang boses niya sa apat na sulok ng silid namin. "Bakit hindi mo ako bibigyan ng chance, Rea? Bakit may boyfriend ka ba?" matabang na tanong niya at umiigting na naman ang panga niya. "Paano kung meron?" panghahamon ko sa kanya. "That's no way, Rea. You need to break up with him, as soon as possible," mariin na sabi niya at umiling pa. "Paano kung ayaw ko?" Bakit ba kasi gagawin niya iyon? Bakit niya ako liligawan? Alam ko na may idea na talaga kung sino nga ba ang Tatay ng anak ko kahit hindi pa niya sinasabi sa akin. Pero ang ligaw-ligaw na 'yan?! Para saan naman?! "Baby... Say yes already. Because I will court you whether you like it or not." "Ha! Gagawin mo lang akong rebound. Patay na patay ka sa best friend mo," asik ko. "Of course not, Rea. Liligawan kita dahil hindi sa gusto ko lang, for what? To have a rebound? No, baby... I will court you because I like you..." "Liar..." "I am not! I'm attractive to you!" parang batang sigaw niya. Gumapang palapit sa kanya ang anak niya at napansin niya iyon. Binuhat niya ito at muling kinandong. "It's true that I like Leighton. Pero noong nagkaanak na sila ni Leandro... I lose my chance already, kulot... But I'm serious... I will court you." "Why? Bakit mo pinipilit 'yan?" "That's your punishment because you hide this little champ from me..." seryosong saad niya at tiningnan si Markiana. Ilang segundong naghari ang katahimikan sa pagitan namin at pareho lang naming pinanood si Markiana na nahihirapang abutin ang paa niya at isusubo iyon sa bibig niya. Lukot na lukot ang matambok niyang pisngi. "I want a complete family, Rea. Let's give that to our daughter... She deserves this..."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD