bc

The Wicked Painter (Brilliantes Series #2)✓

book_age4+
547
FOLLOW
3.6K
READ
dark
fated
submissive
mystery
enimies to lovers
lies
secrets
crime
cruel
hostages
like
intro-logo
Blurb

Rea Enero Suwaib, an Underrated Artist Painter with a small studio that people rarely visit because of her creepy place. She doesn't have a client either.

She was known as the Wicked Painter. Why was she awarded such a title? If she was really talented in painting?

Because there are people who can't appreciate her artwork because some people doesn't know the meaning of her works.

She'll admit, she's wicked when it comes to her subject but that's the only talent she can display though that's all she can do.

There was only one thing that happened to her that she regretted the most. To meet Engineer Markin. One of the grandson of Brilliantes Clan. His clan known as a richest engineers in the business world.

Engineer Markin who became her boyfriend but she only has half of his attention and that's what angers her more.

Her boyfriend accused her of blackmailing the woman he cared for, so much. A woman who has a child with another man.

But she will admit, that she has a child too and she know better, who the father of her child is, but it will remain a secret. Because her daughter's life depended on it and to hide that matter, she introduces the child as her only niece.

Pero sino ba ang lolokohin ni Rea? Ang tadhana na pilit niya ring binabalewala? When it was her baby's daddy himself that approached them voluntarily.

Will her child just remain a secret? Will her daughter's father know about their child?

Or can the man she loves give her full attention?

Or prefer the woman he first loved?

chap-preview
Free preview
PROLOGUE
HINDI ko alam kung bakit kinakabahan ako habang tinatahak namin ang landas patungo sa lugar na iyon. A few minutes later we reached the company. Humugot ako ng pera para sa pamasahe namin sana nang mahagip ng paningin ko si Markin. May namumuong saya sa aking dibdib nang makita ko siya. Mabilis kong ibinigay ang pera kay manong. “Ma'am, may sukli pa ho kayo!” pahabol na sabi nito sa akin. “Sa inyo na lang ho ang sukli, manong,” ani ko. “Pero Ma'am, may five hundred pa kayo rito!” Hindi ko na pinansin pa si manong at mabilis na akong bumaba at sinigurado ko naman na hindi mauuntog ang anak ko sa bubong ng taxi. “Hayon na ang dada mo, love,” masayang sabi ko pa at naramdaman ko ang pag-angat niya nang tingin sa akin. “Dada?” Tumango ako at malalaki pa ang bawat hakbang ko para lang makalapit sa direksyon ni Markin. Nakahilig siya sa hood ng sasakyan niya. Alam kong siya na iyon. May hawak pa siyang folder sa kamay at nakasuksok naman ang isa sa bulsa ng pants niya. “Ho...dadadada...” Ramdam ko ang excitement ng baby ko at nakita na niya ang daddy niya pero bago pa man kami makalapit sa kanya ay may magandang babae na agad ang lumapit sa kanya. Nawala ang ngiti ko sa labi nang makita pa ang pagyakap nito sa kanya at natatawang ginantihan pa niya ng mahigpit na yakap ang babae. Mabilis akong nagtago sa likod ng isang poste, sa takot na makita nila kami. Kahit...kahit hindi naman na kailangan na magtago pa ako pero... “Congrats, Mark! Nakuha mo na agad ang project sa Elvo street!” narinig kong bulalas ng babae at nabato lang ako sa kinatatayuan ko. Humigpit ang yakap ko sa aking anak dahil sa narinig kong pangalan ng street na iyon. Iyon ang street ng studio ko... Kung ganoon...tama pa rin si Rexus? Na gusto pa rin nilang makuha ang street na iyon pati ang lugar na kung saan nakatayo ang studio ko? Kukunin pa rin nila ang puwesto na iyon para sa project nila? Nagsisimula na akong mag-isip ng hindi maganda, dahil posible na totoo pa rin. Bakit? Bakit ginagawa ito ni Markin sa akin? Akala ko ba ay wala na siyang balak? Akala ko... “Papatayuan ko iyon ng bagong firm, eh. Nasa original plan pa rin ng company ni Grandpa” narinig kong masayang tugon niya. Alam kaya niya? May alam kaya si Markin sa nangyaring sunog kamakailan lang? Pero baka may alam na siya sa bagay na iyon dahil nakuha na raw niya... Nakuha na niya ang project na dati niyang binitawan dahil lang sa amin pero ngayon... Hindi ko na alam kung ano pa ba ang paniniwalaan ko... Sinabi na kaya ni Emgineer Markus ang nangyari sa amin? Dahil parang hindi...kasi nakabalik na si Markin pero hindi siya nagpakita sa amin. Hindi ba siya nag-alala sa kalagayan namin? “Hala, I'm rooting na agad for your own success, Engineer Markin!” Hindi ko kilala ang babae, kaya hindi ko masasabi kung kaibigan ba niya ito o...ito na ang fiancée niya? Wala sa sariling napatingin ako sa singsing na ibinigay niya sa akin. Naramdaman ko lang ang kirot sa dibdib ko. “Mamamama?” “Ayos lang si M-Mommy, love...” agap ko kahit deep inside ay nasasaktan na ako sa nasaksihan. “Dada?” Napabuga ako ng hangin sa bibig at nag-iinit na ang sulok ng mga mata ko. Binabalewala na ba kami ngayong ni Markin? Akala ko ba ay mahal niya kami? Na importante kami sa kanya? Na kahit ano'ng mangyari ay kami pa rin ang pipiliin niya. Pero ano ang tungkol sa Elvo street? Bakit gusto pa rin niyang makuha iyon? Ngayon nga ay wala na ang studio ko... “Thanks, May Ann. Matagal kong hinintay ito at ang dami kong sakripisyo para lang makuha ang project and position ko,” sabi pa ni Markin at nagpupumilit ang aking anak na sumilip dahil naririnig niya ang boses ng daddy niya. Hindi kalayuan ang puwesto nito sa amin. “I know you can do it, Mark. Ako yata ang inspiration mo, eh,” sabi pa ng babae at napakagat ako sa pang-ibabang labi ko. May inspirasyon siya...ibang babae? Ang boses lang ni Markin ang nangibabaw na naririnig ko. Ang halakhak niya. Paano? Paano ka nakakatawa ng ganyan, Markin? Bakit mukha kang masaya? Alam mo ba talaga ang nangyari sa amin? Alam mo ba na muntik na kaming mawala ng anak mo? Alam mo ba iyon? Kasi kung oo ay napakasama mo naman para hindi man kami kamustahin... “Come on, May Ann. I'll treat you a coffee. Ikaw ang nagbibigay sa akin ng motivation, eh,” sabi pa niya at nag-uunahan na sa pagbagsak ang mga luha ko sa pisngi. Ganito pala kasakit ang masaktan, ano? Ganito pala ang pakiramdam na...may iba ngang babae ang lalaking mahal mo? At masaya siya sa iba... Wala man lang siyang paramdam sa amin... Dahil may pinagkakaabalahan na siyang iba? “Sure? Treat mo talaga, Mark? Hindi ka ba busy ngayon? Kababalik mo lang from Cebu, ah!” “Yes. Sa ‘yo muna ako. Ibibigay ko muna ang buong oras ko sa ‘yo. Makakapaghintay naman ang trabaho ko. Later,” tugon niya para lang mapahikbi ako. Dahil wala na nga siyang balak pa puntahan pa kami ni Markiana. Dahil pagkatapos daw niyang i-treat ang babae ay babalik siya sa trabaho niya? Kahit masakit, kahit sobrang sakit sa puso ang makita siya na may ibang babaeng kasama ay pinili ko pa rin ang tingnan sila. Bumigat ang aking paghinga dahil sa nakita. Ingat na ingat niyang inalalayan ang babae na makasakay sa kotse niya at hinarangan pa niya ang ulo nito para hindi mauntog. “Dada!” Tinakpan ko ang bibig ng anak ko dahil sa biglaan niyang pagsigaw. Nagtago pa ako dahil napatingin sa side namin ang daddy niya, mukhang narinig siya nito. Nagpupumiglas siya at napapangiwi ako dahil tumatama sa dibdib ko ang isa niyang kamay. Muli kong sinilip si Markin na ngayon ay umiikot na sa driver seat at saka siya sumakay. Natulala lang ako nang makita na papalayo na ang kotse niya. Nanikip ng husto ang dibdib ko at saka ko lang tinanggal ang palad ko sa bibig ni Markiana. “Dadadada...” umiiyak na sambit niya at tumitingin pa rin siya sa gawi no'n. Ito na yata... Dito na yata magtatapos sa amin ang lahat... Wala ng dahilan para pakinggan ko pa ang paliwanag ni Markin dahil tapos na... Tapos na sa amin ang lahat... Matatapos na iyon kahit wala kaming pinag-usapan. “I’m so sorry, love... Hindi mo na makikita pa ang daddy mo... Simula ngayon ay si Mommy na lang ang makakasama mo...”

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Obsession

read
104.1K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.0K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
175.9K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.4K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.1K
bc

The naive Secretary

read
69.7K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook