CHAPTER 1

2322 Words
Chapter 1: Rea's exhibit REA E. SUWAIB's POV "REA, apo! Gumising ka na riyan, Reyang!" narinig kong sigaw sa akin ng aking Lola Areah. Naalimpungatan ako sa lakas ng boses niyang nakakabingi. Beware sa abuela ko na may mala-speaker ang boses. Napakamot ako sa ulo ko at dumapa sa higaan, saka ko tinakpan ng mga palad ko ang magkabilang tainga ko upang hindi ko na marinig pa ang boses niya. Para makatulog din ako ulit. Ang sarap-sarap po nang tulog ka, Lola. Si Lola Areah ang nagsilbing alarm clock ko sa tuwing umaga. Boses pa lang niya ay talagang magigising ka kahit mahimbing pa ang tulog mo. Na maging ang mga taong namamahinga rin sa sementeryo ay alam kong magigising niya. Ang boses ni Lola ay talagang masakit sa tainga, tila nayayanig pa nga ang buong bahay at pakiramdam mo ay magagalaw ang lahat ng kagamitan namin sa loob. Parang nanay ko lang naman si Lola dahil hindi halatang nanghihina, kahit na tumatanda na rin siya. 65 years old na siya pero ang lakas-lakas pa rin niya. Maging si Lolo Henriko ko ay ganoon din naman siya. Same age lang sila. "Reyang! Ano ba namang batang 'to! Kanina pa ako tawag nang tawag! Tulog mantika talaga kahit na kailan!" sigaw pa niya mula sa baba. Oo, kahit second floor itong bahay namin na antique na dahil oldy na rin katulad nila ay talagang maririnig mo ang mga boses nila sa baba. Bahay pa kasi nila ito at dito rin nagkangipin ang tatay ko, nagbinata at lahat-lahat na. Kaya tinatawag kong antique. "Areah, naririnig ka ng kapitbahay natin. Hayaan mo na muna ang apo natin. Nagpapahinga pa, eh. Alam mo naman na napagod kahapon," sabi naman ni Lolo Henriko. Malapit naman na ang loob ko sa lolo't lola ko pero si Lolo Henriko talaga ang mas naging kakampi ko sa bahay. Palagi akong kinakawawa ni Lola Areah, eh. Pero alam ko naman na mahal na mahal niya ako. Halata naman kasi sa pag-aalaga sa akin kahit matanda na ako. "Ano'ng magpapahinga, Henriko? Nakalimutan mo ba ang araw na ito ha?" masungit na tanong ni Lola Areah kay Lolo Henriko. Gumalaw ako sa maliit kong kama at bahagyang dumilat. Napatingin ako sa nakasarang bintana ko na natatakpan ng itim na kurtina. Oo, black siya sa halip na colorful ang kurtina ko. Eh, sa bet ko iyong kulay itim kasi parang doon naka-base ang attitude ko. Teka, napaisip ako sa sinabi ni Lola. Ano'ng mayroon ngayon ang tinutukoy ni Lola? Inalala ko naman ang lahat kung ano nga ba talaga ang mayroon sa araw na ito. "Iyong exhibit!" magkasabay na sigaw nina Lolo at Lola at napabalikwas ako nang bangon, dahil naalala ko na! Kasama pala ako sa exhibit ng aming barangay at may invited silang guests from Manila na puwede raw bumili ng mga artworks namin kung nagandahan sila. Fiesta kasi rito sa amin kaya may mga ganoon talaga kami. Pakulo iyon ng aming Kapitana. Pinaghandaan ko ang araw na ito kasi baka may bumili sa painting ko. Dagdag ipon ko na rin iyon. Naku, kailangan ko nang maghanda! Natatarantang bumangon ako at kasabay nang pagbukas ng pintuan ng maliit kong silid. "Good morning po, Lolo and Lola!" masayang bati ko sa kanila kahit hindi pa maayos ang sarili ko. Sabog na sabog sa mukha ko ang mahaba at kulot kong buhok. Alam ko na may natuyo ring laway sa pisngi ko. Ngumiti si Lolo Henriko sa akin pero si Lola Areah naman ay masama ang tingin sa akin. "Magandang umaga rin sa 'yo, apo," bati sa akin pabalik ni Lolo. "Kung mahuhuli ka ay hindi na talaga kita pakikiusapan pa kay Kapitana!" banta sa akin ni Lola. Oo, siya ang kumausap sa barangay captain namin na isali ako sa exhibit nila. Wala kasing nakakaalala sa akin. Katulad ng favorite color ko ay ganoon ako kadilim sa paningin ng mga tao. Insecure nga ako, dahil ang ibang artist dito ay may invitation cards pa para sumali sa exhibit ng barangay namin. Hindi naman kasi mapagkakaila na puro matatalino at talentado rin naman sila. Kilala rito sa amin na ilang ulit nang bumiyahe sa Manila at sold out lahat iyong mga painting nila. Hindi katulad ko na iyong pamilya ko lang yata ang todo suporta sa akin at nagugustuhan ang artworks ko. Iyong mga bata? Hala, natatakot nga sila, eh. Hindi ko sila masisisi kasi nakakatakot naman talaga ang painting ko kapag sila iyong tumitingin. Saka isa pa hindi naman para sa mga bata iyon, eh. "Lola, naman. Huwag pong ganoon. Saka alam ko naman na hindi mo iyon gagawin. Lab na lab mo kaya ako," daldal ko sa kanya pero sumimangot lang sa akin ang abuela ko. "Maligo ka na, aba!" sigaw pa niya sa akin. Muli akong napakamot sa ulo ko at naglakad na sa pintuan. Nasa baba kasi ang banyo namin. Wala sa kuwarto ko, eh. Kaya kailangan ko pang bumaba. "Aw!" daing ko nang tinampal ni Lola ang butt ko. Madalas niyang gawin 'yan sa akin kahit dalaga na ako. Nakakahiya nga, eh. Kung may makakakita. Baka sabihin ay pasaway ako. "Areah, naman. Dalaga na ang apo mo, eh ginagawa mo pa rin 'yan sa kanya." Napangiti ako sa pagtatanggol sa akin ni Lolo. See? Kakampi ko 'yan kung palagi akong binu-bully ni Lola. Oo, binu-bully. Nasa kusina ang banyo namin at nagmamadaling tinungo ko na iyon pero napatampal ako sa noo ko nang makalimutan ko ang tuwalya ko. Ayoko nang bumalik sa kuwarto ko. "Talaga naman," narinig kong sabi ni Lola at tinapon sa mukha ko ang itim na tuwalya ko. Napangiti ako. See? Lab na lab niya ako, eh, kaya hindi niya ako matatanggihan at matitiis. "Bilisan mo na at nang makapag-agahan na tayo," sabi pa niya sa akin kaya mabilis ang bawat kilos ko. Sobrang lamig ng tubig dahil nakalimutan kong humingi ng mainit na tubig kay Lola pero tiniis ko naman siya dahil baka mahuli na nga ako. 9AM kasi ang start ng exhibit namin at fifteen lang kaming artist. Sana talaga ay suwertehin ako ngayong araw. After kong naligo ay nagkukumahog pa akong umakyat ng hagdanan at pumasok sa kuwarto ko. Narinig ko pa ang mahinang pagsuway sa akin ni Lolo na huwag daw akong tumakbo, eh baka masira ang sahig namin na gawa sa kahoy. Puro kahoy naman kasi ito, eh. Sumilay ulit ang ngiti ko sa labi dahil sa nakita kong damit ko na hinanda na ni Lola para sa akin. Nasa kama ko na iyon at plantsado na. Abala rin naman kasi kahapon dahil tinatapos ko pa ang ibang painting ko. Tig-sampu lang din kasi ang puwede naming dalhin sa exhibit dahil nga na fifteen na kami. Black empire waist dress ang susuotin ko at white naman ang maliit na belt nito. Alam na alam talaga ni Lola Areah ang favorite color and dress ko. Hanggang tuhod ang haba nito kaya komportable akong magsuot ng ganitong style na dress. Sinuot ko na ito at pinatuyo ko na agad ang itim na itim na buhok ko at kulot na kulot talaga siya. Natural na kulot kasi ang buhok ko na namana ko kay Nanay. Nasa abroad pareho ang parents ko kaya ang abuela at abuelo ko ang nagsilbi at tumayong mga magulang ko since wala naman na rito sila Nanay at Tatay. Bihira lang din sila na tumawag sa amin. Nagpapadala lang ng pera. Alam din nila na nag-iipon ako ng pera para makapagpatayo ng sarili kong studio pero hindi ako humingi sa kanila. Gusto ko iyong sariling ipon ko lang at saka hindi madali ang trabaho nila sa abroad. Kahit pinipilit nilang padalhan ako ng pera ay tumatanggi ako. Iyong huli ko ngang nakita sila ay three years ago pa. Hindi pa sila magkasabay na dumadalaw. Nauuna si Nanay bago si Tatay, eh ang alam ko rin ay parehong bansa sila ngayon na nagtatrabaho. Hindi ko lang sila maintindihan kung bakit hindi sila nagsasabay kung umuwi at kung magbabakasyon lang ay isang linggo rin saka sila babalik. Nakakatampo nga dahil nag-iisa lang akong anak nila pero nakakaya nilang tiisin ang katulad ko. But I'll understand naman... Kahit hindi pa gaano natuyo ang buhok ko ay pinusod ko pa rin siya at may tumabi pang baby hair sa pisngi ko pero hinayaan ko na lang. Hindi ako naglagay ng eyeliner sa mata dahil pagagalitan ako ni Lola kapag nakikitang nagmala-Avril na naman daw ako. Pero red lipstick din ang inilagay ko sa lips ko para naman hindi ako nagmumukhang maputla. Dahil maputi ang balat ko ay napagkakamalan akong white lady, kung hindi raw kulot ang buhok ko. Sinuot ko na rin ang black knee-boots ko na bumagay sa dress ko. O, ang astig ng outfit ko ngayon, 'di ba? Kinuha ko sa bedside table ko ang wallet ko at inilagay iyon sa brown kong sling bag. Maliit lang ang kuwarto ko at puro kabinet ang nasa loob. Walang painting kasi baka maging black na black na talaga ang buong silid ko. Halos black kasi ang mga gamit ko rito. Kaya tinatawag nila akong Wicked Painter na isa pa nakakatakot daw ang artworks ko. I can't blame them dahil doon ako mas mahusay sa pagpipinta. Lumabas na rin ako at tinungo ang kusina namin. Wala ng dining-dining room na 'yan. Hindi naman kami mayaman para magkaroon no'n. Umupo ako sa tabi ni Lolo Henriko. Water proof naman ang lipstick ko kaya makakain pa rin ako ng hindi ako nag-aalala na mag-ayos ulit ng sarili ko. Sasama silang dalawa sa akin para sa moral support daw. Kahit huwag naman na dahil baka mapapagod lang sila roon. Matagal pa naman bago matapos ang exhibit namin. Pero ayaw rin magpaawat at mas gusto nila na naroon sila. Kaya hinayaan ko na lang. Appreciate ko naman ang suporta nila sa akin kahit hindi na nila ako sasamahan pa. One of their reason ay nasa malayo raw ang mga magulang ko kaya dapat nandoon din sila. Oh, 'di ba? Masuwerte pa rin naman ako sa kanila kahit wala rito sina Nanay at Tatay. Wala rin yatang balak na mag-stay na lang dito sa amin at huwag nang bumalik sa abroad. Sinangag at malaking bangus ang hinanda ni Lola Areah. May suka at tuyo na puwedeng sawsawan namin saka sibuyas na may kamatis pa. Isang mainit na kape rin. At dahil importante sa akin ang araw na ito at ayokong maging mabaho, charing... Sinangag lang ang kinain ko at nagluto naman na si Lola ng adobong manok kaya iyon na ang breakfast ko kahit gusto kong kumain ng bangus at isawsaw iyon sa maanghang na suka. Pagkatapos naming mag-agahan ay naghanda na rin kami sa pag-alis. Nasa barangay hall ang event pero may pinatayo silang apat na tent. Walking distance lang ang layo no'n mula sa antique naming bahay pero sumakay pa rin kami ng tricycle kasi alam na. Dalawang matanda ang kasama ko na maganda rin ang porma nila ngayon. Hindi rin nagpapatalo si Lola dahil itim na dress din ang suot niya at itim na panyapak. Si Lolo naman ay puting polo shirt at puting pantalon. Nakasumbrelo pa si Lolo at dala-dala ang kanyang tungkod. Dalawang tricycle ang inarkila namin dahil nandoon ang mga painting ko. Hindi puwedeng masira iyon, ah. Ang buhay sa probinsya ay maganda at peace na peace ang lugar. Purong matatayog na mga kahoy ang makikita mo at ang simpleng mga bahay rin. Walang usok ang malalanghap mo dahil sariwa at malamig na simoy lang ng hangin. Maganda ang panahon ngayon na ipinagpasalamat ko. Maulap nga lang siya kahit hindi nagbabanta ang ulan. Kaunting silip lang din mula kay haring araw. Pagdating namin sa exhibit ay maraming tao agad ang nasa labas at ang ibang mga kasamahan ko ay nandoon na rin. Halatang excited din dahil makikita iyon sa magaan at maaliwalas na bukas ng mukha nila. Napatingin ako sa babaeng lumapit sa amin na may malaking ngiti, "Oh, Reyang." Maka-Reyang ito. Close ba kami? Tsk. Siya si Annaliza Victor, mag-best friend kami kung tawagin ng lahat dahil magkasundo raw kami. Saang parte ba iyon? Eh, kaaway at karibal ko na 'yan simula pa pagkabata ko at kahit nagdalaga na kami. Hindi hamak na mas successful kasi siya kaysa sa akin. Siya? Pabalik-balik na siya sa Manila dahil sa mga natatanggap niyang invitation mula sa mga malalaking studio para sa exhibit nila. Maraming opportunity na ang dumating sa buhay niya. At ako? Heto nasa Sta. Tomas pa rin at naghihintay na kumatok ang opportunity ko rin. Sikat na kasi ang bruha na 'yan at oo maganda. Boyfriend niya kasi si Rexus Herrel, maraming connection iyon kaya hayan. Madali sa kanya ang magbenta ng paintings niya. Hindi katulad ko. Pero masaya naman ako sa mga bagay na mayroon ako. Si Rexus Herrel naman ay lababata at kaibigan ko, sana kung hindi lang talaga epal si Annaliza. Boyfriend na niya si Rexus at nagbago ang lahat ng mayroon kami. Lumayo ang loob niya sa akin dahil sa papansin na 'yan. "Good luck sa 'yo, Reyang. Sana may bumili ng mga painting mo para masaya kang umuwi sa inyo," matamis na sabi niya. Na hindi ako magpapadala. Plastik 'yan, aba. Labas sa ilong ang pinagsasabi niya. Baka ang ibig niyang sabihin, 'Sana walang bumili ng pangit mong painting para umuwi ka ng luhaan sa inyo.' Alam na alam ko ang ugali niya at hate na hate niya talaga ako. Hindi ko alam kung bakit. Siya itong mas successful sa aming dalawa. Mas grabe pa siya sa mapait na ampalaya, napaka-bitter. White strap dress ang suot niya at mukha siyang anghel sa ayos niya. Kung hindi lang pang-demonyo ang attitude niya. Kung hindi ko rin siya kilala ay baka pagkamalan ko pa siyang mabait. Back to reality, I'm Rea Enero Suwaib. 23 years old. Kilalang Wicked Painter at hindi seacut. "Nandito si Leighton, ang future sister-in-law ko! Ipapakilala kita, Reyang! Leighton? A/N: Be reminded po na slow update ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD