CHAPTER 2

2186 Words
Chapter 2: Art of Love "AND WHY would you that, Annaliza? I'm not interested," bored na sabi ko but I'm emotionless. I saw her gritted her teeth. Kaya bahagyang tumaas ang sulok ng labi ko. Ganyan nga, Annaliza. Ipakita mo ang true color mo, huwag kang masyadong plastic because nakakasawa rin naman. "Oh, bes. I'm just kidding. You know naman na hindi kita kayang tanggihan. You're my best friend na hinding-hindi ko makakalimutan kahit saang lupalop ka man mapunta." Dahil nga na isa kang karibal at mang-aagaw ng friend. Hindi ako bitter, sa kanya na ang lalaking iyon. Ew. I approached her and hugged her as if na I missed her, so much na to the point ay pinanggigigilan ko pa siya. I kissed her cheeks at mahigpit na niyakap ko siya. I felt her body stilled and I know hindi na siya nakahinga pa nang maayos. Yes, plastic siyang nilalang pero kaya ko siyang sabayan at makipag-plastikan din sa katulad niya. "Get off," mahinang bulong niya but she forced herself na ngumiti pa rin. Hindi niya ako kayang itulak dahil maraming tao ang nanonood sa amin. Siya pa ang lalabas na masama if she do that things na puwedeng masira ang pagiging seacut niya. Nang ma-satisfied ako ay kumalas din naman ako sa kanya at bahagya ko pa siyang tinulak. Umawang ang labi niya sa ginawa ko. Pasimple pa niyang inayos ang nagusot niyang dress at tumawa-tawa na as if natuwa siya sa akin. "I missed you, too bes. Good luck later, okay? Huwag kang kabahan dahil hindi ka uuwi nang nakabusangot ang mukha. Hindi po ba Lolo Henriko at Lola Areah?" papansin niya sa lolo at lola ko. Siyempre, si Lolo Henriko lang ang sasagot sa kanya dahil hindi si Lola Areah, may attitude ang abuela ko. "Oo naman, Annaliza," nakangiting sabi ni Lolo at siniko siya ni Lola. Lihim tuloy akong napangisi. Hindi naman kasi favor si Lola Areah sa best friend ko raw. "Rexus!" bigla ay sigaw nito sa pangalan ng boyfriend niya. Hindi ko ito nilingon at binigyan pansin na lamang ang paintings ko na ngayon ay maingat na ipinasok ng mga tauhan ni Kapitana sa loob ng tent. "Tara na po sa loob," pag-aaya ko kina Lolo at Lola. Pumuwesto pa ako sa gitna nila para pareho ko silang maalalayan kahit kayang-kaya naman na lumakad ni Lola pero hindi si Lolo, kahit na nakatungkod pa siya. Mas mabagal na kasi siyang maglakad, eh. Tiniis ko talaga na huwag nang sulyapan pa ang love birds na 'yan. I'm not jealous, ha. Nandidiri lang kasi ako. Just ew. "Rea." Nahugot ko ang sarili kong hininga nang marinig ko ang pangalan ko na binigkas ng aking dating kaibigan. Ang brusko pa rin ng boses niya. Pero dahil lumayo ang loob niya sa akin ay maging ako ganoon din. I genuinely smile and I looked at him. He still handsome, maayos na nakasuklay pataas ang kanyang itim na buhok at wala pa ring pinagbago ang hitsura niya. Pakibasa ang first line ng paragraph nito dahil ganoon pa rin siya. "Hi," tipid na bati ko lang sa kanya. Ipinakita ko sa kanya na hindi ako naging malungkot at nanghinayang na nawala siya sa buhay ko. "Long time no see, Rea," wika niya at may nakapaskil na ngiti sa labi niya. Ang ngiting nakamamatay pero I'm sorry, wicked ako eh kaya hindi ako mamamatay sa ngiti lang niya. Na pinaka-best asset at pinagpatay-p*****n ng best friend ko kuno. "Yeah," maikling sambit ko lang. "Good luck, Rea," sabi niya lang sa akin at hindi na naglaho ang ngiti niya. "Thank you," sabi ko at tinalikuran ko na sila saka ako napa-rolled eyes. Sa loob ng malaking tent ay may kanya-kanyang kaming booth kumbaga at sumilay ang aking matamis na ngiti nang mabasa ko ang pangalan ko roon. Black ang theme noong akin at naiiba sa lahat ng booth sa loob. Kung tutuusin ay kapansin-pansin sana pero hindi. Baka lalagpasan pa nila ang aking booth. May tatlong chair na roon na ni-request ko talaga sa Kapitana namin. "Have a seat po, Mr. and Mrs. Suwaib," pormal na sabi ko na ikinangiti ni Lolo Henriko at mahinang tumawa pa siya. Si Lola naman ay umiling lang sa akin pero may multong ngiti na visible naman dahil halos makita ko na iyon. "Maraming salamat po," ani ko sa dalawang mama na nagbuhat ng mga painting ko. Isa-isa ko namang inayos ang mga iyon at maya-maya lang ay dumarami na ang mga tao sa loob. May mga taga-rito naman sa amin ang puwedeng pumasok. Free exhibit naman kasi ito, kaya iyong mga guest naman kung may matipuhan na arts ay puwede nilang bilhin sa halagang gusto nila. Huwag lang bumaba sa 5K dahil iyon ang estimated price namin para hindi kami lugi. Napaayos ako nang tayo nang makita ko na ang mga guest na naglalakad-lakad na at nagsisimula nang kumilatis ng artworks ng mga kasamahan kong painter. Nababasa ko ang pagkamangha sa kanilang mga mata at napatango-tango pa. Babatiin ko na sana ang isang babae at lalaki nang nilampasan nila ang booth ko. Dismayado ako agad pero ngumiti lang ako para hindi naman ako magmukhang kaawa-awa rito. Ngunit nakita ko si Annaliza at ang isa pa niyang alalay na nakatingin sa aking puwesto. Halatang ako ang pinag-uusapan nila. Nag-iwas lang ako nang tingin. Pinapainggit ako dahil maraming guest sa booth niya. "OKAY lang 'yan, apo. Hindi kasi lahat ng bagay ay madali nating nakukuha ng ganoon lang kadali," pag-aalo sa akin ni Lolo Henriko. "Wala namang masama ang sumubok, Reyang. Hindi bale na walang bibili nitong painting mo. Dahil ang mahalaga ay nag-effort ka rito, 'no," sabi naman sa akin ni Lola. "Okay lang 'yan, ikaw naman ang pinakamagandang painter dito," pambobola pa sa akin ni Lola Areah. Minsan lang 'yan na mambola sa akin kaya hinayaan ko na lang. "I'm fine pa naman po, 'Lo Henriko at Lola. Nakakapanghina lang po ng kalooban," nakangusong sabi ko. Kung wala kasing bumibili ng arts ko ay iniiyakan ko ito, hindi dahil na nabigo talaga ako. Dahil doon ko nailalabas ang sama ng loob ko sa mga taong hindi kayang ma-appreciate ang mga gawa ko. And after that, magiging okay na ako and back to myself na rin ulit ako. Weird, isn't it? But ganoon ako. "This... This is amazing." Napatayo ako sa kinauupuan ko nang makarinig ako ng boses na malapit sa booth ko. At hindi nga ako nagkamali nang makita ko ang isang matandang lalaki na ka-age lang ng abuelo ko at may kasama pa siyang lalaki na mukhang ka-edad din ni Tatay. "Because of this painting... I remember your mother, my son," tuwang-tuwa pang sabi ng matandang lalaki. Halatang mayaman ito dahil sa pananamit niya lang at hindi lang silang dalawa ang nasa booth ko dahil nakita ko ang mga lalaking naka-black tuxedo na nasa likuran nila at alerto. Mayamang tao ba sila? "This is...weird, Dad," sabi ng kanyang anak. Ngumiwi ako. "But yeah, it's beautiful." Napatingin ako sa painting ko na tinutukoy nilang dalawa. Black and white kasi ang pintura na ginamit ko. Ang background ng dalawang tao na tila nagliligawan ay white naman at parang may usok sa paligid. Kulay itim ang pintura ng lalaki na may hawak na red rose sa kaliwang kanang kamay niya at nakahawak ang kaliwa niya sa pisngi ng babae, na kulay puti naman ang pintura ng babae. Iyong posing ng babae ay parang kukunin na niya ang isang tangkay ng rosas sa kamay ng lalaki. Pero hindi sila nagliligawan lang. Ang subject ko ay isang babae at isang lalaki. "Art of Love..." sambit ko at napatingin sa akin ang dalawang lalaki. Nakakamangha ang mga histura nila, halatang mag-ama nga silang dalawa. Iyong matandang lalaki kahit na may katandaan na ay makikita pa rin ang kagandahan niyang lalaki noong kabataan pa niya at nakaka-intimidate ang presensiya nilang dalawa. Ramdam ko ang sumisigaw na pagkatao nila, hindi sila na basta-bastang tao lang o isang mayaman. Higit pa roon ang nararamdaman ko pero kahit ganoon pa man naging matapang ako na harapin silang dalawa. "I know y'all already know this thing, right? Art of Love, you can see in that painting, how you can see the beginning of their love. Hindi rin naging maganda ang unang tagpuan nila o pagkilala sa isa't isa," paliwanag ko at iminuwestra ko ang kamay ko sa first painting ko. Kung saan na tatlong character naman ang makikita. White and black din iyon. Nagsasayaw ang isang babae at isang lalaki. Habang ang isa naman ay nakaupo lang sa isang silya at nakangiting pinapanood niya ang dalawa. Ang pangalawang babae ay nakangiti naman siya pero hindi abot sa mga mata niya pero ang lalaki ay nanatiling tiklop ang bibig niya na tila seryoso lang siyang nakikipagsawayan sa partner niya. "What can you say about this?" I asked them, I didn't take my eyes off it. May kung ano'ng bagay nga ang bumaon sa dibdib ko nang makita ko iyon. "You would think the woman sitting is jealous even though she is smiling but she is not. That girl smiling is also the one hurting the most, right now. Because even if she's in the arms of the guy she loves, she still doesn't get the attention of the guy she love," I explained and I heard the old man's heavy breathing while the other one was just listening to me silently. "Second painting," I added and looked at another painting. "It will take us a year if I explain each painting to you," I said and chuckled, "But to make this story short. Art of Love, we know that your love for someone is not visible because instead, we feel it. But it's not enough if you show your love if you don't go with action and effort. We need to feel that not only emotionally and mentally that you will feel true love. You also need to have a physical for your love to someone," I explained. "As we can see in each of these paintings, it has not been easy for a woman to love a man who already owns his heart. But they are still destined. So, no matter what a man avoids or does, he can't avoid this, he will also fall in love with another woman even if he promised that he will only love one and be with her forever. Yes, we can't dictate our heart to love others, it's just like destiny. What is written on your palms will still be." "It's not only the woman who suffered, the man too. It's not the fault of the girls to give up just like she doesn't have enough reason to defend a love that she thought will never be hers. We also can't call it a karma for men, when they realize the value of a person is when they lose it. That's when they will know they love them it if they give up the battle that no one dictates but there's an enemy. Destiny, that is what is written and that is also what destiny wants. It's not chasing each other, it's fate testing you," I said smiling and I heard applause by them. Nilingon ko ang dalawang lalaki at nakita ko pa ang pagpunas ng mga ito ng luha. Na maging ako ay ganoon din. "You're not just a great painter. Very smart and you know about love that..." he said and I got what he meant, gusto niyang dugtungan ko ang sasabihin niya. "Na hindi lahat ng pag-ibig ay magiging sapat kung mararamdaman lang. It also takes action, effort and to feel that physically," I said and the old man nodded at me. "I was amazed. You're a word of wisdom. You deserve to be known as a best and talented painter. That not only beautiful things are painted but also according to what we see. We also need to focus on the bad memories, because that was the beginning of what we are now," mahabang sabi niya at naantig ang puso ko. Sobra. May kinaway siyang isang tao at mabilis na lumapit sa kanya. May inilabas ito mula sa suitcase. Hindi ko na rin tiningnan pa dahil baka sabihin niya rin na tsismosa ako. Pero masaya ako na may nakapansin sa artworks ko! Oh, my God! "Miss?" "Miss Rea po, Sir. Rea Enero Suwaib," sabi ko at ngumiti sa akin ang matandang lalaki. May isinulat sa papel at pagtapos ay ibinigay iyon sa akin. Nanlaki ang mga mata ko sa nabasa, "S-Sir..." "Alam mo ba na nangyari na 'yan sa totoong buhay? At ang huling painting na 'yan. Ganyan ang huling eksenang nakasama ko ang aking mahal pagkatapos kong ibigay sa kanya ang isang tangkay ng rosas," sabi niya at nabasag ang boses niya dahil sa pagpipigil nang pag-iyak. "Dad..." "And I want to buy all of these. Thank you, dahil sa pamamagitan na 'yan ay muli kong naalala ang mga panahon na kasama ko pa ang aking asawa." Tumango lang ako at nagpunas ng mga luha... Grabe. Kayang-kaya ko nang magpatayo ng sarili kong studio. Napakayaman naman pala nila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD