Chapter 3: Lost & Short Story of a guy
"H-HINDI po ba kayo nabibigla lang, Sir? One m-million? Hindi po ba sobra-sobra naman ito? 5K lang po ang estimated price naming mga pintor. Sobra naman po itong ibinayad niyo sa akin. Parang hindi ko po matatanggap," naluluhang sambit ko at nagpunas ng luha sa aking pisngi.
Hindi ako makapaniwala sa nabasa ko sa dilaw na papel. Hindi 'yong 500, ah. As in iyong dirty white na papel na ibinigay sa akin na may signature na ng guest.
"Engineer Denbrill Arkun Brilliantes," sambit ko sa mahaba at maganda niyang pangalan.
Sosyal na pangalan at halatang mayaman talaga sila. Pero sobra naman siya sa one million niya.
"Mas kilala akong, Don Brill. Matagal na akong nagritero sa larangan na 'yan, hija. Marami na akong mga apo ang magmamana ng negosyo kong matagal ko rin na niyakap," ang sabi niya.
Teka, bakit naman nagkukuwento siya tungkol doon? Napaka-friendly naman pala ni Sir Denbrill or Don Brill.
Ngayon lang kaming nagkakilala ay kinukuwentuhan na niya ako tungkol sa mga apo niya.
Nasaan po ba at nang makilala ko?
"Ikaw ba ay mananatili lang sa probinsyang ito? Hindi sa minamaliit ko ang lugar niyo, ah. Ang sa akin lang ay mas kailangan mo ng malaking mundo kumbaga para marami pa ang makatuklas sa husay at talento mo bilang pintor. Ang suwerte ay bukas ang pintuan sa mga taong kagaya mo, kaya huwag mong itago lang ang sarili mo sa madilim mong mundo na ikaw mismo ang lumilikha," ang makahulugang sambit niya at naiintindihan ko ang ibig niyang sabihin.
"Maraming salamat po, Sir. Kayo lang po talaga ang nakaka-appreciate ng artworks ko. Thank you, so much."
"Marami pa kami, hija. Sadyang hindi mo pa sila nakikilala at nakakasalamuha. Balang araw, ikaw ay titingalain ng lahat at isa na rin ako sa mga taong iyon," sabi niya sa akin. Sobra naman iyon!
"Can I ask you one question, Miss Rea?" ang tanong sa akin ng anak ni Don Brill. Ang guwapo niya kahit may edad na. Ang tangkad niya rin at parang nasa age 30s pa lamang siya.
I wonder kung ano rin ba ang hitsura ng kanyang mga anak? Guwapo ba o magaganda rin? Magandang lahi. O, good God. Kahit isa lang ay ipakilala niyo naman sa akin.
"Oo naman po! Ano po 'yon?" nakangiting sabi ko at itinapat ko sa dibdib ko ang cheke na ibinigay sa akin ni Sir Denbrill na naglalaman ng one million. Grabe, 'no?
Sinundan nang mga mata ko ang marahan na pag-angat ng kanyang kamay at itinuro ang isang painting na hindi kasali. Display lang iyon kumbaga.
"Ano'ng ibig sabihin ng bagay na 'yan? Beauty and Secret," tanong niya at salubong ang mga kilay. Maliit na painting lang naman iyon, eh. Kaya hindi naman siya kapansin-pansin.
Black and white ang kulay ng paint ko. Hindi ko naman inaasahan na mapapansin pa niya iyon.
Napalingon ako sa kasama naming matandang lalaki na si Sir Denbrill nang bigla siyang napaubo nang malakas.
Nag-aalalang tiningnan ko siya at maging ang kanyang anak ay ganoon din, "Ayos lang ako. Wala ito," tumatangong sambit niya at napatingin din siya sa painting na nabuhay ang curiosity ng kanyang anak.
Napangiti ako sa nang ibinalik ko ang tingin ko sa painting ko, "Isang pigura ng matangkad na lalaki na punong-puno ng lungkot, inggit at uhaw sa atensyon. A woman who hides in men's attire is just a shadow of her creation of a new gender that only she knows. A beauty that is also seen in the form of a man, he is secretly carrying a burden on his chest and seems to be punished. A secret she has long embraced but also fought against the reluctance to do things that could ruin her life and reputation. A woman who did something against her will because being a man in the eyes of the masses was not what she wanted, but that was the only reason for everyone to accept her. Sila ay iisa lamang, isang sekreto na hindi maaaring ibunyag sapagkat maraming maaapektuhan," mahabang paliwanag ko.
Mayroon lang akong...creepy na panaginip tungkol sa isang babae na nagtatago sa kasuotan ng mga lalaki. Ang babaeng iyon na punong-puno ng inggit, lungkot at sakit. Uhaw rin siya sa atensyon ng mga taong mahahalaga sa kanya.
Hindi lang ako naturingan na wicked painter. Dahil creepy rin ako. Saan ako nag-iisip o kumukuha ng magiging subject ko? Ang isa ay sa panaginip ko at ang pangalawa ay ang realidad. Base lang sa mga nakikita ko at experienced.
Kaya ang main theme ng subject ko ay death and life. Hindi rin naman kasi lahat ng buhay ay makulay. May mga madilim din na karanasan. Aminin man o hindi ay lahat ng tao ay mararanasan iyon at aabot din sa puntong iyon.
Napatingin ulit ako sa painting ko. Isang lalaki nga na nakatayo lang at naka-side view na may dala-dalang suitcase. Sa likod niya ay ang isang anino ng babaeng nakasuot ng mahabang bestida at tila isinasayaw ng hangin ang kanyang mahabang buhok.
Black and white naman iyon pero ang background nila, para maiba naman ay color red ang tinta na ginamit ko.
"H-Hindi ba parang... What does their background color mean, anyway? Why red instead of blue because that's the color of the sky?" interesadong tanong pa niya sa akin.
"That doesn't have any other meaning, Sir," nakangiting sabi ko at binalingan ko nang tingin ang anak ni Sir Denbrill.
"When we meet again, I will paint you something that you will never forget," makahulugang sabi ko. Wala lang, instinct ko lang talaga na sabihin ang bagay na iyon.
"Kahit hindi na," ang kinakabahan na sagot niya at itinaas pa niya ang kamay na senyales na huwag na raw.
Tumango ako at ang matandang lalaki naman ang pinagtuunan ko ng pansin. Ngumiti ito nang makitang nakatingin ako sa kanya.
"I like the title you painted and the short story behind that guy or I rather say, a girl who hides her true identity. Do you have the ability to see the past or present occurring in someone you can only interact with?" Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya.
"Wala po akong third eye, Sir! At lalong-lalo na hindi po ako manghuhula... Nakakakilabot naman po iyon!" sambit ko at napayakap pa ako sa sarili ko. Bakit niya nasabi iyon?
"Ang painting na 'yan?" aniya at itinuro na naman niya ang painting ko na ginawa ko lang extra.
"Bunga lang po 'yan ng weird kong panaginip, Sir at wala po siyang ibang kahulugan--"
"Parang pag-ibig lang 'yan, hija. Kung hindi ilalabas ang siyang tunay ay walang patutunguhan ang pagmamahal mo sa isang tao." Parang kailangan mong mag-confess sa isang tao para maging aware din siya sa pagmamahal mo sa kanya? Iyon ang ibang terms nang sinabi niya.
Para sa huli ay ano? Hindi naman kasi lahat ng love ay masaya at may happy ending, tss.
O ipakita ang saloobin?
"Dad, let's go. Kanina pa ako kinukulit ni Markin. Kailangan na nating umalis at nayayamot na ang anak ko," ang sabi ng kanyang anak at hinawakan pa siya sa braso niya.
"Oh, bakit ba kasi nagpaiwan sa labas ang batang 'yon?" aniya at nilingon ako na may multong ngiti sa labi, "Eh, 'di sana ay nakilala man niya itong mahusay na pintor." Namula yata ako sa sinabi ni Sir.
Ako ba ay binubugaw mo lang sa apo mo, Sir? Kasi hindi ko 'yan tatanggihan. Haha. Biro lang po.
"Dad," ang suway na naman sa kanya ng anak niya.
"Oo na. Nagagalak akong makilala ka, hija. See you, soon," iyon lang ang sinabi niya na akala mo ay darating pa ang pagkakataon na muli kaming magkikita pero ngumiti at tango lang ang naging tugon ko sa kanya.
"Congratulations, apo!" ang masayang bati sa akin ng abuelo ko na kanina pang hindi umiimik. Alam kong nakikinig lang silang dalawa sa amin.
Mahigpit na niyakap nila akong dalawa at tuwang-tuwa sila. Iyong achievements ko ay parang sa kanila na rin.
Binati rin ako ni Kapitana at todo ngiti pa siya sa akin noong kinakausap niya kami.
Iyong bumili raw ng paintings ko ay hindi basta-bastang guest lang. Mayaman daw iyon at negosyante. Alam ko naman, kasi naka-one million-- ang ibig kong sabihin ay binili niya ang artworks ko sa halagang one million.
Kaya sino ba ang hindi matutuwa, maiiyak at magugulat?
"MAY party mamayang gabi. Dadalo pa rin ang mag-amang Brilliantes. Pumunta ka kung gusto mo, Rea. Ikaw ang pinakasuwerteng pintor na napansin ng mga engineer na iyon. Kasama pa nito ang apo niyang engineer pero mas pinili ang manatili sa tabi ni Leighton," mahabang saad sa akin ni Kapitana. Napaisip naman ako.
Sino'ng Leighton ba ang tinutukoy nila? Mahalagang tao rin ba?
"Teka lang po, Kapitana. Sobra-sobra po ang ibinigay sa akin ni Sir Denbrill kaya kung hindi niyo sana mamasamain ay puwede bang--" hindi pa naman natatapos ang sasabihin ko sana nang nagsalita na siya.
"Sa 'yo 'yan, Rea. Wala kang hahatian kahit sino sa akin maliban sa pamilya mo. Pinaghirapan mo 'yan," ang sabi niya pero hindi ko siya pinansin. Chars.
Bawal ang tumanggi sa grasya, Kapitana.
Hinanap ko sa maliit na bag ko ang cheke pero parang tatakasan ako ng kaluluwa at bumilis ang t***k ng puso ko nang hindi ko mahanap ang cheke ko.
Hindi ko naman nailagay sa kung saan-saan ang bag ko, ah?
Pero nasaan na ang dilaw na papel na binigay sa akin? Bakit hindi ko mahanap?
"May problema ba, Rea?" tanong niya sa akin nang mapansin niya na aligaga na akong nagkalkal sa bag ko.
Hindi ko makita at mahanap ang cheke ko!
O baka imaginary ko lang ang one million? Pero hindi! Totoong nahawakan ko iyon at naipakita ko pa kina Lolo at Lola! Paanong...
Oh, my God! Saan tinangay ng hangin ang dilaw na papel ko?
Hindi ko mapigilan ang maiyak.
"Rea, apo? May problema ba at bakit umiiyak ka?"
"N-Nawawala po ang cheke ko, Lolo. Nandito lang po iyon sa bag ko kanina, eh," sagot ko at tumakas na naman ang masasagana kong mga luha sa aking pisngi.
"Nasaan na iyon?"
Nakarinig ako nang pagsinghap na nagmumula sa kanila. Nasa barangay hall na kami nina Kapitana para ibigay rin sa akin sa personal ang invitation cards para sa party mamayang gabi at batiin.
"Paanong? Paanong nawala?" ang nalilitong tanong ni Lolo.
"Nakita pa kita na inilagay mo 'yon sa bag mo, Reyang," sabi pa niya at tumango ako.
Inilabas ko ang lahat ng mga gamit ko at wala talaga. Wala na ro'n ang cheke ko.
"W-Wala po talaga, Lolo, eh," umiiyak na sabi ko na halos humagulgol na ako.
"Ilan ba ang amount na nakalagay sa cheke mo, Rea?" tanong sa akin ni Kapitana.
"I-Isang milyon po," sagot ko at napasinghap pa siya.
"Isang milyon? Malaking halaga iyon pero paano mo iyon naiwala? Kung sa bag mo lang naman nailagay?" ang tanong niya na hindi ko kayang sagutin.
"Hindi ko po alam..." Napahilamos ako sa mukha ko na punong-puno na ng mga luha ko.
Inaalo lang ako nina Lolo at Lola. Si Kapitana ay nag-utos na rin sa mga tauhan niya na maghanap pero hindi niya sinabi ang halaga kung magkano iyon.
Sa sobrang galak ko na agad din namang binawi ni Papa Lord ay heto nagkatotoo pa rin ang sinabi sa akin ni Annaliza na uuwi ako sa bahay namin ng luhaan.
Naibenta ko nga ang lahat ng arts ko pero iyong cheke ko na alam kong dagdag na iyon sa ipon ko para mabili ko ang studio sa Manila na nakita ko noong nagpunta ako roon, kamakailan lang.
Pero ano'ng kamalasan naman itong nakuha ko?
Sa dami-rami ng mawala na bagay sa akin ay ang cheke ko pa? Nakakaiyak!
"APO," malungkot na tawag sa akin ni Lolo.
Bagsak na bagsak ang balikat ko at hindi ako tumigil sa kaiiyak ko pagkarating namin sa bahay.
Nakaupo ako sa dulo ng hagdanan namin at tumabi rin sa akin si Lolo Henriko. Nag-aalala siya para sa akin.
Si Lola ay hindi ko alam kung nasaan na siya. Baka naghahanda lang sa kusina.
"Lolo, ang malas-malas ko naman po. Dagdag na iyon sa ipon ko para mabili ko ang studio sa Manila at para na rin makauwi na sina Nanay at Tatay. Hindi na po sila aalis ng bansa para magtrabaho dahil kaya ko na po kayong buhayin. Pero heto...ang kasiyahan ko na saglit ko lang yata naramdaman ay bigla ring binawi sa akin," umiiyak na sabi ko. Hinagod ni Lolo ang likod ko at pinunasan ang mga luha ko na walang tigil sa pagluha.
Nakakapanghinayang lang naman, eh. Hindi sa mukhang pera ako pero sino ba ang hindi maiiyak at manghihinayang sa isang milyon?
Marami! At isa na ako iyon!
"Maghanda ka na, Reyang. Dadalo ka pa sa party mamaya," sabi ni Lola na bigla na lamang sumulpot sa akin ni Lolo.
"Paano? Parang ayoko na po, Lola."
"May mga bagay lang talaga na akala mo ay para sa 'yo, iyon pala ay hindi naman," ang makahulugang sambit naman ni Lola.
"Isa lang ang ibig sabihin no'n, apo. Hindi para sa 'yo ang pera na iyon," sabi niya at agad kaming tinalikuran.
May kakaiba akong nararamdaman kay Lola, parang may alam siya na ano pero ayoko siyang pagdudahan. Bad iyon.