Chapter 4: Engineer Markin
SA HULI ay napilit ako ni Lola Areah na pumunta sa party na hinanda ni Kapitana para sa lahat. Hindi naman talaga ako pupunta dahil hindi naman ako mahilig sa mga party-party na `yan. Lalo pa na tila brokenhearted ako dahil sa nangyari kanina.
Hindi na sasama sa akin sina Lolo at Lola. Mas nais na lamang daw nila ang magpahinga sa bahay namin. Ayoko rin naman sana pero mapilit ang aking abuela.
Magsisimula raw ng 8PM hanggang 11PM ang party at kahit hindi naman daw ako magtatagal doon. Basta magpapakita lang ako kumbaga.
Wala na ako sa mood na mag-ayos pa ng sarili. Nagpalit lang ako ng itim na black maxi long gown. Oo, pinaghandaan ni Lola ito at siya pa ang nagtahi ng dress na ito. Kung titingnan mo ay napakasimpleng kasuotan lang ito pero mukha namang elegante.
Isang mananahi si Lola Areah noong kabataan pa niya. Kaya maging hanggang ngayon ay napakahusay pa rin niya.
Sumama pa si Lolo Henriko sa paghatid sa akin dito para masigurado raw niya sa party talaga ako ihahatid ng kinuha niyang driver ng tricycle. Kapitbahay lang naman si Kalou at kilala ko. Pero wala raw siyang tiwala sa mga lalaki. Tsk. Si Lolo talaga, kung mag-isip ay advance. Napaka-overprotective niyang lolo.
Bagay na ikinasaya ko kasi wala nga akong kapatid na lalaki o pinsan na gagawa ng bagay na iyon para sa akin. Dahil wala rin naman dito si Tatay. Nasa ibang bansa.
Sa tahanan ng Mayor ng barangay ginanap ang party, since malaki naman ang mansion nila.
"Isang oras lang, apo ko at susunduin ka namin, naiintindihan mo?" Tumango ako sa sinabi ni Lolo Henriko.
"Salamat po, Lolo at sige na po, mag-iingat kayo," sabi ko at hinalikan siya sa pisngi. Ilang saglit pa niyang tinap-tap ang ulo ko saka siya sumakay agad sa tricycle. Inalalayan ko pa siya.
"Sige, tara na Kalou," pag-aaya niya kay Kalou na kakamot-kamot lang sa batok niya dahil sa kung anu-ano ang pinagsasabi sa kanya ni Lolo sa gitna ng biyahe namin. Tanging pagtawa lang ang nagawa ko.
Humarap ako sa mansion at malaki talaga ito pero never pa akong napasok. Sinuri ng guard ang dala kong invitation cards na halos isampal ko sa pagmumukha niya kasi patingin-tingin sa mukha ko.
Alam kong namamaga ang mga mata ko sa kaiiyak! At hindi ako nag-ayos kaya pangit ako ngayon!
Pagkapasok ko sa loob ay siya namang bumilis ang t***k ng puso ko. Dahil sa dami ng tao. Eh, `di sana nag-ayos ako kanina. Naglagay ng lipstick. Makapal na make-up. Para hindi ako magmukhang losyang dito. Nakakaiyak, mabuti at maganda ang gown ko. Isang maliit na hikaw sa tainga ko, at ang kulot na buhok ko ay nakatirintas. Si Lola ang may pakana ng buhok ko.
Maganda ang dekorasyon sa loob, puro bulaklak na kulay asul. Lahat ay talaga namang pinaghandaan. Ang sarap-sarap sa mata pero sana may black, `no? Para mas appreciated ko ang ganda niya. Gosh...
May mahabang table kung saan naroon ang mga pagkain, na halos hindi ko na rin mapangalanan isa-isa dahil sa dami no'n na mukhang masarap pa.
Nawala ako sa huwisyo nang makita ko si Annaliza na nakasuot ng red tube long gown. Ang ganda niya, kumikinang...pero gusto kong ngumiwi sa boobs niya. Sexy rin naman ang suot kong dress, maxi gown iyon kaya mababa rin ang neckline pero sapat na para hindi naman lumabas ang kalahati ng dibdib ko. Hindi iyong kay... nevermind na lang.
Grabe talaga ang fashion style niya.
"Rea, oh gosh! Umiyak ka ba, bes? Halika, ayusan nga kita!" agad na salubong niya sa akin at nagpatianod ako. Nag-imaginary roll eyes pa ako dahil sa kaplastikan niya.
Sa ngayon mas pipiliin ko ang makasama na muna si Annaliza kahit sukang-suka na ako sa pagmumukha niya. Kaysa naman ang maging loner ako hindi ba?
Dinala ako ni Annaliza sa banyo ng mansion ng mayor namin at inilabas niya ang red lipstick and make-up niya.
"Umuwi ka nga ng luhaan, Rea," sabi niya. Nasa himig ng kanyang boses ang insulto.
"Tears of joy kasi iyon, bes, naubos lahat ang artworks ko," sagot ko at hindi ko pinahalata ang lungkot ko dahil naaalala ko na naman ang kanina.
Ang pagkawala ng cheke ko na tinangay ng masamang hangin.
"At nawala naman ang pera mo. Magkano ba iyon? Baka mas mahal pa iyong akin, ah?" natatawang sabi niya, may panunuya sa tono.
Hindi na lang ako nagsalita pa at hindi ko sasabihin ang amount ng cheke na iyon. Baka himatayin pa siya kapag nalaman niya kung magkano iyon. Knowing her? Nah, masyadong ambisyosa at ilusyonada.
"Ayos lang, I'm fine pa naman," maarteng sabi ko and I rolled my eyes. Nagpa-plastikan lang naman kami rito, eh.
Inagaw ko sa kanya ang hawak niyang make-up kit niya at ako na ang nag-ayos ng sarili ko. Wala akong trust sa kanya. Baka gawin niya akong multo sa init ng ulo niya sa akin.
Sa inggit at lahat-lahat ng nararamdaman niya sa akin habang nakikita ako. The feeling is mutual, Annaliza.
"Kilala mo si Christian?" bigla ay tanong niya. Tumalikod ako sa kanya. Hindi ako makapag-concentrate dahil sa mukha niyang nakakakulo ng dugo.
Sa mukha niyang halos masuka ako.
"Huwag kang magpatawa, Annaliza. Lahat ng lalaki mo ay hindi ko kilala," nanunuyang sabi ko at idinaan niya lamang sa pagtawa.
"I forgot, Rea. Si Rexus na boyfriend ko lang pala ang kilala mo, na dati mong friend. Imagine,`no? Kung hindi siya nagkagusto sa akin ay baka may chance pa na maging kayo. Pero sayang hindi ikaw ang minahal niya," wika niya at nagsalubong ang kilay ko.
"And about Christian pala. Gusto ka niyang makilala, napansin ka yata ng lalaking iyon kanina sa booth mo. Hindi siya makalapit sa `yo dahil mukha ka raw suplada."
"Excuse me?" nakataas na kilay na sambit ko. Napatakip siya sa bibig niya at mahinang tumawa.
"Sorry, Rea. Join ka sa amin later. Ipapakilala kita kay Leighton, kasama niya ang dalawang poging best friends niya galing sa Manila. Don't worry nandito naman kaming dalawa ni Rexus at bigyan mo ng chance si Christian. Para magkaroon ka naman ng love life at hindi puro black and white lang ang gagamitin mong tinta sa artworks mo. Hindi naman lahat ng buhay ay may madilim na karanasan, Rea. May kulay rin naman ang mundo, kung minsan," mahabang sabi niya at hindi ko nagustuhan ang huli niyang sinambit.
Baliktad ang paniniwala naming dalawa.
"Okay," maikling sabi ko at ibinalik ko sa kanya ang gamit niya. Saka ko inayos ang suot kong gown. Pinakatitigan ko ang mukha ko sa salamin.
"Ang ganda ng gown mo. Saang ukay-ukay mo `yan nabili?" namamanghang tanong niya. Nag-react agad ako. Ano'ng ukay-ukay?!
Alam kong puro ukay-ukay ang mga damit ko na binibili! Pero kung makalait siya ay Wagas naman! Ang gaganda kaya ng quality ng mga damit sa ukay-ukay. Tse!
"Ginawa ito ng abuela ko. Excuse me," maarteng sabi ko.
Pumalakpak lang siya at mataman na tinitigan ang mukha ko, "Sa wakas nagmukha ka ng tao." Tsk. Puro panlalait talaga sa katawan ang alam niya. Paano naging successful ang bruhang ito?
Lumabas na kami roon sa banyo ni Annaliza at hinigit pa ako nito sa kamay. Dinala niya ako sa isang table na hanggang anim na tao lang ang kasya roon. Gagawin pa niya akong extra.
Nasa puwesto ring iyon si Rexus kasama ang isang babae na parang kamukha niya. May kapatid siya na hindi ko nakilala ever since. Nasa Manila kasi itong naninirahan at madalang kung umuwi sa probinsya.
May tatlong lalaki pa silang kasama pero mas nakuha ko ang atensyon ng isa. Na naka-blue longsleeve lang.
Side view, kalahating mukha niya ang tanaw rito habang papalapit pa kami ni Annaliza sa kanila. Ang haba at ang tangos ng ilong niya, clean cut and naka-brush up din ang itim na buhok niya. Ang sarap haplusin at paglaruan ng mga daliri ang halatang malambot niyang hair.
Pinaglalaruan lang din ng hintuturo niya ang yelong hinahalo sa wine na iniinom niya.
Sa nakita ko lang ay bakit maririnig ang pagririgudon ng puso ko? At bakit kasing weird ng panaginip ko ang nararamdaman ko at this moment?
At bakit feeling ko ay malagkit akong makatingin sa kanya?!
"Nandito na ang best friend ko! Ipapakilala ko siya sa inyo!" ang masayang sigaw agad ni Annaliza na gusto kong bumitaw na lang mula sa pagkakahawak niya sa akin.
Dahil nakakuha siya ng maraming atensyon mula sa mga bisita na dumalo sa party na ito. Lahat sila ay napapatingin sa amin.
Pero hindi ang lalaking mukhang kanina pa nananahimik sa kanyang puwesto at pinagmamasdan niya lang ng palihim ang isang babae, na kung hindi ako nagkakamali ay iyon na si Leighton na kapatid ni Rexus.
"Annaliza," tawag sa kanya ng isang lalaki na matangkad naman at oo may histura pero mas nakakaagaw ng atensyon ang lalaking nakaupo sa dulo.
Dalawang upuan ang hinugot ni Rexus para sa amin ni Annaliza. Ngumiti lang ako bilang pasasalamat at nasa dulo ng table din ako pumuwesto pero napapako talaga ang tingin ko sa lalaking...
Ang guwapo naman niya, nasabi ko na lamang sa aking sarili. Hindi ko siya masyadong mapagmasdan nang maayos dahil nakatagilid siya at ang kalahating mukha niya lang ang nakikita ko. Pero alam kong guwapo siya, dahil ang tangos ng ilong niya at ang kinis ng pisngi. May kakapalan ang kilay niya at ang panga niya...
Tumingin ka naman sa gawi ko, oh, ang malanding bulong ng isip ko at mas bumaba ang mata ko. Natural na mapula ang may kakapalan niyang lips at kumikintab iyon kahit parang madilim sa puwesto namin.
Nabasa siguro iyon ng iniinom niyang wine. Pero ang puso ko. Grabe, ha. Sobrang bilis nito lalo pa kung pagmamasdan ko siya nang matagal.
May tumikhim sa kung saan kaya tila nagising ako sa malalim na pantasya ko sa lalaking hindi ko pa nakikilala.
Nasa tabi kong nakaupo si Annaliza habang katabi naman niya ang boyfriend niyang si Rexus. May lalaki pa sa left side niya na kanina ko pang napapansin ang dalawang pares ng mata niya na nakatingin sa akin or baka nagkamali lang talaga ako ng hinala.
Sa tapat ko ay may isang lalaki rin na nakaupo na mukhang foreigner at nakangiting nakatingin na pala siya sa akin. Katabi niya ang nagngangalan na Leighton. Marahil?
At ang suwerte niya rin na katabi niya ang lalaking unang nakuha ang aking atensyon na feeling ko ang hirap niyang abutin.
"Hi, you must be Rea? Ang best friend nitong si Annaliza?" nakangiting tanong niya sa akin. Ang ganda ng ngiti niya at lumitaw talaga ang pantay-pantay at maputing ngipin niya na mala-commercial ng Colgate.
Ang tangos din ng ilong niya, ah basta guwapo siya. Itim na three suits ang suot niya.
Teka lang, kuya. Baka ang ibig mong sabihin ay 'best enemy' ko si Annaliza? Never kaming nagkasundo niyan, eh. That's the right terms po.
"Yes," ang masayang singit ni Annaliza.
"Rea, he's Leandro dela Paz. He's an architect at best friend niya si Leighton, ang kapatid ni Rexus."
Sunod kong tiningnan ang babae. So, siya si Leighton? Tama nga ako. Maganda rin siya at gold na strap gown ang suot niya. Morena lang ang kutis niya, na katulad ni Annaliza.
"Nice meeting you, Rea, by the way," Leandro said at nakuha niya ulit ang atensyon ko. Mukha siyang friendly pero may kakaiba rin sa dark aura niya. Oo, dark. Ang brusko rin ng boses niya.
"Likewise," maikling sambit ko lang.
"I'm Leighton Acosta, Miss Rea. Ikaw ang madalas na ikinukuwento sa akin ni Annaliza at tama nga naman ang sinabi niya, mas maganda ka sa personal," ang nakangiting sabi niya na isang peke ang naisukli ko dahil hindi naman yata umabot sa mga mata niya ang ngiting iyon.
Parang napipilitan lang siya or ako lang talaga ang nag-iisip ng mga bagay-bagay na iyon? Ang weird ko nga talaga.
"And this is our best friend too," sabi niya at hinawakan pa niya sa braso ang lalaking katabi niya.
Ang lalaking kayang-kayang pabilisin ang t***k ng puso ko at halos manginig ang laman ko.
Tumingin ka naman sa akin! Ang piping hiling ng malanding side ng sarili ko.
Para akong kakapusin ng hininga nang makita ang unti-unting pagharap ng mukha niya sa amin pero agad din akong nadismaya ng kay Leighton lang siya tumingin. Sabi ko ang babaeng katabi niya lang ang lihim niyang pinagmamasdan kanina. Bahagya lang tumaas ang sulok ng mga labi niya at marahan na hinawakan niya ang kamay nito. Ikinulong ng malaking palad niya ang kamay ni Leighton.
Best friend? Mukhang may gusto sa kanya ang kaibigan niya?
Friendzone na ba si kuya pogi?
Sa sinambit ni Leighton sa pangalan ng best friend niya ay para na akong hihimatayin sa gulat?
"Meet my Engineer Markin S. Brilliantes."