Chapter 5: First glance
"Meet my Engineer Markin S. Brilliantes."
ANG ganda ng kanyang pangalan, simple lang at ngayon ko lang yata narinig ang pangalan niya. What I mean is, iyong name niya ay unique. Walang katulad.
Ngunit ano naman kaya ang ibig sabihin ni Miss Leighton sa sinabi niyang my? Ang akala ko ba ay best friend lang niya ito? Tapos engineer pa? Woy, puro mga professional yata ang kasama ko ngayon, ah.
Hindi halata kay engineer kahit na makikita mong may kaya sa buhay ang lalaking ito. Ang hirap nga niyang abutin, Rea.
"Pasensiya ka na, Rea. Tahimik talaga itong engineer namin. Aloof kasi siya sa mga taong hindi pa niya kilala," ang paliwanag sa akin ni Leighton.
Umigkas pataas ang isang kilay ko and I looked away. Oo, I admit na gusto kong makilala ang katabi niyang lalaki but did I asked ba about being him aloof sa other people na hindi niya knows?
"Okay lang," sagot ko at tumikhim.
"And bes, si Christian de Tagle pala. He's a good friend of Chris," ang pakilala ni Annaliza sa lalaking katabi ni Rexus.
Sumilip pa ito sa akin nang nakangiti. Guwapo naman siya, iyon lang ang masasabi ko.
"Hi, Christian. Nice meeting you," wika ko at tipid lang akong ngumiti sa kanya.
"Same here. Rea, right?"
"Yeah, Rea," confirmation ko.
"Ang ganda ng pangalan mo, napakasimple," he commented. Mahinang humalakhak ako kahit hindi naman ako sanay sa presensiya ng bagong kakilala.
"Uh-huh, tatlong letra lang siya," ani ko. Napakasimple nga na katulad ng pangalan ni Engineer Markin.
Markin... Markin...
"Rea?" tawag sa akin ni Leighton at nilingon ko siya. Nangalumbaba na siya sa table namin at hindi na rin hawak ni engineer ang kanyang kamay.
"Bakit?" tanong ko.
"Ang ganda mo. Kamukha mo si Rose. Kulot din ang buhok niya." Gusto kong sumimangot. Kahit talaga nakatirintas pa ang buhok ko ay halatang kulot iyon dahil may iilan na hibla pa ng buhok ko sa noo at tumatabi sa aking pisngi.
"Kung hindi lang black ang hair mo ay pagkakamalan kang si Rose," sabi pa niya. Tumaas ang sulok ng mga labi ko.
"Kinulayan ko, eh. Kaya naging black siya," sabi ko at hinawi ko pa ang ilang hibla sa pisngi ko.
Kilala ko ang pangalan na sinambit niya. Iyon ang leading lady ng Titanic, hindi ba? Napanood ko na iyon. Maganda, tragic nga lang.
"Black is your favorite color, Rea?" Leandro asked me and I nodded my head.
"Isn't she weird? I mean, no offense, bes. She's an artist and really loves black that even her painting ay ganoon din," singit ni Annaliza. Alam kong weird ako pero pakialam mo naman, Annaliza?
"But I find it interesting and beautiful. She loves black, there's nothing wrong with that," komento naman ni Christian at matamis na nginitian na naman niya ako. Siyempre hindi ako rude, sometimes kaya I smiled him back.
"You're right, Chris. Black lovers si Rea at halata naman base pa lang sa ayos niya. Nagmula pa roon sa exhibit," Leighton said. Nandoon siya? Hindi ko siya nakita.
"Rea, ano ba ang madalas mong subject kapag nagpipinta ka na?" interesadong tanong naman sa akin ni Leandro.
Kami lang talaga ang nag-uusap at nanatiling tahimik ang kasama nilang lalaki. Kung sana ay nakipag-talk din siya sa amin, ano? Nais kong marinig ang kanyang boses. Kung brusko rin ba ito?
"Life and death," sagot ni Annaliza na ikinatawa ko nang mahina.
"You can ask Annaliza everything about me. She knows me well, right bes?" Take note the sarcasm, please.
Hindi pansin ng mga kasamahan namin ang tensiyon na bumabalot sa pagitan namin ni Annaliza at alam kong gets niya ang ibig kong sabihin. Kaya para hindi siya mahiya ay tumango-tango siya.
I rolled my eyes at kasabay no'n na naramdaman ko ang dalawang pares ng mga mata ng isang tao sa dulo?
Hay naku, Rea. Huwag ka ng umasa pa dahil hindi ikaw si Leighton para pagtuunan niya ng pansin at sulyapan.
I ignored that kahit na tumataas yata ang balahibo ko sa katawan dahil sa paraan nang pagtitig nito sa akin. O baka ako lang yata ang assuming na may nakatingin nga sa akin?
Baka may multo sa mansion ng mayor at sa mga oras na ito ay nakatingin siya sa akin?
Dahil sa naisip kong kalokohan ay pasimple kong iginala ang paningin ko sa paligid. Hindi ko naman mahanap...
Oh, dear... Wala akong third eye para makakita ng multo. Pero meron talagang nakatingin sa akin, eh. Nasa dulo...tama nasa dulo ng table namin. Dahan-dahan akong lumingon pero nagkamali na naman ako.
Dahil sa katabing babae na naman siya nakatingin. Hay, daydream ka pa, Rea. Wala ka na talagang pag-asa pa. Kaya ibinaling ko na lang ulit ang paningin ko sa mga guest na dumalo sa party.
At hayan na naman... Hayan na naman ang nakakikilabot na titig nito sa akin. Sino ba 'yan?! At nang matusok ng daliri ko ang malamig na eyes niya!
Parang hinihipan ng kung sino ang balahibo ko sa batok at ramdam ko na ang pag-iinit ng magkabilang pisngi ko.
"Kumuha tayo ng foods sa buffet. Rea?" pag-aaya ni Leighton at tumayo pa siya. Magkasabay na tumayo ang lalaking nasa tabi niya.
Doon ko lang napansin ang tangkad ng dalawang lalaki na ito. Ang suwerte naman pala ni Rea, ha. Puwede niyang pagpilian kung sino sa dalawang best friend niya ang mamahalin niya.
But, dear of course... Mahirap hanapin ang pag-ibig na hindi pa para sa 'yo. Not unless it's about time na para makilala mo ang future mo.
Akmang tatayo na rin sana ako para kumuha ng pagkain sa buffet pero nagsalita na agad si Rexus at pinigilan niya kaming tatlo, mga babae.
"No, you'll stay here. Kami na lang mga lalaki ang kukuha ng foods niyo," casual na saad ni Rexus, na agad na sinang-ayunan ng nobya niya.
Umupo ulit si Leighton. Hindi na rin naman ako nagkomento pa. Eh, 'di sige... Kayo na ang kumuha, ayoko rin namang tumayo. Nakakatamad.
Sinundan ko pa nang tingin ang lalaking nakasunod lang sa likuran nila. Oh, dear...ang sarap kumapit sa braso niya at hawakan ang muscles niya. Ang likod niya na malapad, ang sarap higaan. Snob lang talaga si Kuya pogi.
"Diyan ka lang, Rea. Kukuha lang kami ng drinks," ani Annaliza.
Hindi ako nakasagot dahil agad na silang nakaalis sa table namin. Napatingin pa ako sa nagmamadaling paglakad nila palayo.
Gumuhit ang gatla sa noo ko nang makita ang papalabas nilang likuran. Wala sa sariling napatingin ako sa isang table na kung saan may mga drinks doon. May mga tauhan din naman ng mayor ang may hawak at dalang tray na naglalaman ng iilan na wine glass.
Bakit kailangan pa nilang lumabas, gayong meron naman drinks dito sa loob? Ang weird ng dalawang iyon, ah.
Mabilis na napalingon ako sa isang side, dahil ramdam ko na naman ang creepy na taong nakatitig na naman sa akin! Meron nga ba?
Napahaplos ako sa batok ko dahil ang likuran lang ni Engineer Markin ang nakita ko sa side na iyon.
Aalis na lang talaga ako kapag magpapatuloy pa 'yan, ha. Kinakabahan na ako. Bumibilis na nga ang t***k ng puso ko.
Maxi dress lang ang suot ko, walang manggas dahil showy ang balikat at braso ko kaya ramdam ko ang aircon na tumatama sa balat ko.
Kaya tumigil na rin sana ang creepy na 'yan sa kakatitig sa akin ng palihim. Kinikilabutan ako. Iyong tipong kilabot na tila may kung ano'ng insekto ang nagkakagulo sa loob ng tiyan ko. Oh, probably the butterflies? Parang lumilipad, eh.
Mas naunang bumalik ang dalawang babae sa table namin at kasunod ang apat na lalaki na kumuha ng foods namin.
May naglapag ng plato na punong-puno ng pagkain sa tapat ko mismo.
"Thanks," sabi ko at ang pagtikhim lang nito ang narinig ko. Nilingon ko kung sino ang kumuha ng pagkain para sa akin.
Pero iyong likuran lang talaga ng engineer na iyon ang nakita ko na pabalik na sa buffet. Nalilitong tiningnan ko ang iba na nagkanya-kanya na sa upo, maliban sa isang iyon.
Hindi ba ang tagal niya sa puwestong iyon kanina sa buffet table? Bakit bumalik pa siya roon? Para kumuha pa ng foods niya?
Tapos iyong nahuli ko lang nakatingin sa akin ay si Christian. Nakangiti sa akin. So, baka siya ang naglapag ng plato sa tapat ko?
"Umiinom ka ba ng tequila, Rea?" tanong sa akin ni Leighton. My gazed darted to her.
Nagsasalin na siya ng alak sa wine glass. Umiling ako bilang sagot.
"Kahit minsan, Rea?" si Leandro naman ang nagtanong sa akin.
"Hindi," tipid na sagot ko at nakarinig ako ng mahinang bulong ng multo mula sa likuran ko.
"Good..."
Ano na naman iyon? Tapos ang lalim ng boses niya! Napakalamig na tila hinukay pa sa libingan nito. Hinaplos ko ang braso ko dahil nagsisimula na naman itong tumayo.
"Hindi ka ba madalas dumadalo sa party to drink wine like this, bes?" tanong sa akin ni Annaliza at itinaas niya ang hawak niyang wine glass na kalahati lang ang laman no'n at ipinakita sa akin.
Marahan na umiling ako, "I'm not alcoholic. Required bang uminom niyan kung dumadalo tayo sa party?" mariin ang boses na tanong ko.
"Hindi naman, Rea. Of course, pero para sa akin ay kulang ang pagdalo ko sa party without drinking wine, you know," ang nakangising sabi naman ni Christian.
"Oh, cool," iyon lang ang nasabi ko.
Hindi pa nga ako nakaiinom ng kahit ano'ng alak sa mundo. Beer nga ay hindi ko pa natitikman at ayokong masanay sa alcohol.
Kumunot ang noo ko nang makita ko ang iba't ibang ulam sa plato ko. Lahat yata ng ulam sa buffet table ay nahakot nitong plato. May kalakihan kasi at walang kanin. Puro ulam lahat.
Sino ba ang kumuha ng mga ito? Mukha ba akong patay gutom? Parang wala naman sa kanila ang makita na ako lang yata ang may maraming pagkain sa plato ko. Kasi sila ay 'sakto lang.
"Guys, hindi naman ako mukhang patay gutom, ah? Mauubos ko ba ito?" walang hiyang-hiya na tanong ko sa kanila. Nakarinig ako nang mahihinang pagtawa mula sa kanila at dahilan tumaas na naman ang balahibo ko sa batok.
Nag-angat ako nang tingin. Lahat naman sila ay tumatawa. Nahuli ko pa nang tingin ang walang emosyon na guwapong face ni Kuya pogi.
"Bawal daw ang magtira, Rea," natatawang sabi ni Leandro.
Nang makita ko naman ang reaksyon ni Rexus ay nagtatagis ang bagang niya. Problema nito?
Inabot naman niya sa akin ang spoon and table knife, "Thank you."
"Paano ka mag-celebrate ng birthday niyo, Rea?" Bakit ang daming tanong nitong si Leighton?
Curious ba siya dahil never akong uminom ng alak? O hindi lang talaga siya naniniwala sa akin?
"Why not try this tequila for the first time in your life, Rea?" giit sa akin ni Leighton. Pinagpipilitan ako at magdududa na talaga ako, ha.
"Hindi naman ibig sabihin na umiinom ka nito ay alcoholic ka na," ani Christian na sinang-ayunan ng iba. Maliban sa lalaki na nasa dulo na kanina pa nananahimik.
"May limitasyon naman iyon, I know but doon naman tayo papunta. Ang maging alcoholic, because Christian said, tila kulang ang pagdalo niya sa isang party without drinking wine. So, parang lumalabas kasi na kararating mo pa lang sa event ay wine na agad ang hinahanap mo, instead na ang foods ang pagkaabalahan mong kainin," mahabang paliwanag ko.
"Smart mouth," narinig kong bulong na naman ng multo sa kung saan tapos agad na nagsalita na naman ang iba.
I shrugged my shoulder. Bahala na nga. Kakain na ako dahil nararamdaman ko na ang gutom.
"But I feel like, you want me to drink. Fine, pagbibigyan ko kayo," nakangiting sabi ko.
Hindi naman masama ang tikman ang lasa ng alak, ano? Saka hindi lang basta alak 'yan, kasi tequila raw.
Nakangiting aabutin na sana ni Leighton sa akin ang isang baso ng tequila nang may mabilis na kamay ang kumuha no'n at inisang lagok lang nito ang laman. Napalunok ako nang makita ko ang paggalaw ng adams apple niya in a nice way.
Darn it, gusto kong hawakan. Eh? Hayan na naman ang malandi kong side.
"M-Markin?" gulat na sambit ni Leighton sa pangalan ni Kuya pogi.
Ibinalik naman nito sa kanya ang wine glass at muling nagsalin doon si Leighton para lamang kunin ang lahat ng iyon ni Engineer Markin.
Nagkibit-balikat na lamang ako at ipinagpatuloy ko na ang pagkain ko. Hindi naman kami naging tahimik, dahil nag-uusap-usap pa kami habang kumakain at maririnig mo ang soft na music na pinapatugtog nila sa event.
Hindi ko na ulit nakita pa si Sir Brilliantes... Brilliantes?
Wait... Kaanu-ano ba ni Kuya pogi ang dalawang matandang lalaki kanina sa exhibit namin?
O siya ang tinutukoy na apo nito?
Wala sa sariling napatingin ako sa kanya at parang tumigil ang ikot ng mundo... feeling ko lang.
At sa wakas! Tumingin din siya sa akin!