CHAPTER 17

2388 Words
Chapter 17: Incident HINDI KO alam kung ikatutuwa ko ba na may isang tao ang nakakilala sa anak ko na bilang Brilliantes o matatakot at kakabahan para sa magiging kahinatnan ng pagtatago ko kay Markiana? Sa totoong Tatay niya at gender niya? Dahil kung mangyayari ang bagay na iyon ay isusuko ko ang pangarap ko para sa kaligtasan ng aking anak. Mas mahalaga si Markiana, eh. Hindi baleng mawala sa akin ang pangarap ko. Huwag lang si Markiana. Masyadong matalino ang babaeng iyon. Ayos lang sana kung napansin at nalaman niya na babae naman talaga si Markiana pero paano naman niya kaya nasabi na isang Brilliantes ang anak ko? Eh, ang sarili nitong ama ay hindi man lang siya nakilala at hindi man lang ako naalala nang gabing iyon. Ako, hindi ko nga rin alam kung bakit gising na gising ang diwa ko at naaalala ko pa rin ang ginawa namin sa kuwartong iyon. Tama nga siya na makakalimutan niya rin ako pero nakikilala na naman niya ako kung sino ako. Nasabi pa niya na attractive siya sa akin! Pero hindi naman niya ako tinitingnan noon, ah! Napakasinungaling niya talaga. Pauwi na sana kami ni Markiana nang makita ko ang Daddy niya. May kasama itong lalaki na hindi ko naman kilala. Kinabahan pa ako dahil sa nakita kong emosyon ni Engineer Markin. Seryoso at mukha siyang galit. What happened? Nag-ingay sa bisig ko si Markiana at may itinuro siya sa kung saan--sa direksyon ng Daddy niya. "No, love. Uwi na tayo," umiiling na sabi ko sa kanya at nagsimula na ulit akong maglakad pero mahigpit na hinawakan ni Markiana ang panga ko na halos kalmutin na niya ako. Napangiwi ako. "Love no... Marami pang work si Mommy. Uwi na tayo at hindi mo na makikita pa ang Daddy mo. Last na ngayon," ani ko pero bigla na lang siyang pumalahaw nang iyak habang itinuturo pa rin niya ang direksyon na iyon. Ano ba ang mayroon doon?! "Ang bata-bata mo pa para makilala ang Daddy mo, Markianan Reyan!" hindi ko napigilan ang sigawan siya kaya mas lalong ngumawa siya sa pag-iyak. Nalukot ang maamo niyang mukha at maging ang maliit na matangos niyang ilong. Nagsimulang namula ang kilay, ilong at pisngi niya. "Sorry, love. Nabigla lang si Mommy... Tahan na baby ko... Hindi na iyon mauulit pa." pagpapatahan ko sa kanya. Umiling-iling lang siya at pilit na itinuturo pa rin iyon, "Ang tanga-tanga ni Mommy para sigawan ka. Nagulat ka, love? Natakot ka sa akin? Sorry, baby ko... Pero bakit gustong-gusto mo ba siyang makita?" kunot-noong tanong ko. Isang hikbi niya lamang ang isinagot sa akin. Bumuntonghininga ako at mariin na napapikit, "Love, ayaw ni Mommy na masaktan ang feelings mo. May ibang mahal si Daddy at baka trip niya lang noon na sabihin na attractive siya sa magandang Mommy mo. Pero sige, isang sulyap lang kay Daddy, hmm? Tapos aalis na tayo sa lugar na ito," sabi ko at sumuko na rin. Tumigil din naman siya sa pag-iyak niya. "Quite ka lang, love. Dahil secret lang 'to," nakangiting sabi ko at pasimple naming sinundan si Engineer Markin. Diretso silang dalawa sa parking lot habang bitbit ng Daddy ni Markiana ang lalaki na tila wala namang pakialam sa ginagawa nito sa kanya. Ako nga ay nag-react nang binitbit niya ako kaya paano na lang kung sa kuwelyo ng damit mo, na bitbitin ka ng isang engineer? Ayoko no'n! Masasakal ako! "I know you! You're the culprit. Sa tuwing naririto ka ay alam kong may binabalak kang masama!" narinig kong sabi ni Markin at pinanlisikan pa niya ng mga mata ang lalaki. Culprit? Ano naman iyon? Sa ano'ng paraan na naging culprit ang lalaking ito? At bakit galit na galit siya rito? May nagawa ba itong kasalanan sa kanya? Binabalak na masama? "Tsismosa na ang Mommy mo, love..." Ang baby sounds lang ang tugon ng aking anak. "You like Theza, right?" tanong ng lalaki kay Engineer Markin. Nasa boses nito ang nang-aasar. "So, what?" he hissed. "Tama nga naman ako. Lahat naman ng mga lalaki na nasa paligid niya ay hindi maiwasan ang magkagusto sa kanya. She's almost perfect, right?" sabi pa ng lalaki. Nagtago ako--kami ni love sa likod ng itim na kotse para hindi kami makita ng dalawa. Napatingin ako sa anak ko na sa iba naman nakatingin. Pero nang mapansin na tinititigan ko siya ay napasulyap siya sa akin at binigyan ako ng matamis niyang ngiti. "Ang weird mo talagang baby ka, kanina lang ay may pa-cry-cry ka pang nalalaman. Pero ngayon ay nakangiti ka na. Gusto mo lang talaga na makita ang Daddy mo at nagmumukha na tayong stalker nito," sabi ko. Balik nga tayo sa sinabi ng dalawang lalaki na ito. Nalilito ako dahil sa pagkakaalala ko ay si Leighton ang babaeng mahal niya pero bakit si Ms. Theza na ang gusto niya? Kung sabagay naman, maganda ang girlfriend ni Engineer Markus. Madalas nga lang na walang expression ang maganda niyang face at masyado ring mabigat ang presensiya niya. "Get off me. Kanina ka pa nakahawak sa kelyo ng damit ko," sabi ng lalaki at mukhang napigtas na ang pisi ng kanyang pasensiya. Narinig ko ang pag-woo ni Markiana nang makita ang Tito Markus niya na nagmamadaling naglakad o ang right terms ay hapos tumatakbo na siya? Sa kung saan-saan din siyang nakasulyap na tila may hinahanap. Base sa kanyang aura at mukha ay parang may nangyari na hindi maganda. Totoo kaya ang sinabi ni Markin kanina? "Love, napakatsismosa nating mag-ina..." mahinang bulong ko at nagsimula na sa mabilis ang t***k ng puso ko. Lagot talaga ako kapag nakita nila kami. "Markin," sambit ni Engineer Markus sa kapatid niya. "Kuya, 'di ba ito ang nagpapadala ng death threats kay Theza?" mahinang napasinghap ako sa narinig. Ang gago nga niya! Bakit naman niya pinapadalhan ng mga death threats si Ms. Theza? Obsessed ba ang lalaking ito sa future Mrs. Brilliantes? "He's the culprit," Markin added. Iyon nga, kaya naging culprit ito dahil tinatakot niya si Ms. Theza. "Parang bubuga ng apoy ang Tito Markus mo sa galit, love..." I said. "Marami ka pang oras para bugbugin ako. Pero ikaw rin, baka mawalan ka nang oras na iligtas si Theza babe." Namilog ang mga mata ko s narinig pa. Nasa panganib siya? Parang kanina lang ay kausap namin siya, ah? Ang bilis naman... Nasaan na ba siya ngayon? Dinakip? "Where is she?" Engineer Markus asked the boy and he even grabbed his collar. He's so angry talaga... "Sige, magsuntukan na lang tayo rito at ang parehong taong pinakaimportante sa atin ay sa morgue na madadatnan," seryosong sabi ng lalaki. Aba, morgue agad! Napasinghap ako sa gulat at mabilis na tinakpan ko ang mga mata ni Markiana para lamang hindi makita ang pagsuntok ng Tito niya sa lalaking iyon. Dumagundong ang kaba sa dibdib ko nang mapasulyap sa gawin namin si Engineer Markin. Umusog ako dahilan na napaupo na ako sa sahig. Nagtaas baba ang paghinga ko. "Hindi naman tayo literal na nakita ng Daddy mo, right love?" I asked my daughter when I removed my hand in her eyes. Ngumuso lang siya, "Lagot tayo sa Daddy mo..." "Mas malakas pa ring manuntok si Theza babe, kaysa sa 'yo." Hayon nga, sinugod ni Engineer Markus ng suntok ang lalaki. Hindi ko na alam kung ano na ba ang nangyayari. Basta ang narinig ko lang ay ang pagdaing nila. Hindi naman ako makatingin sa puwesto nila kasi baka makita pa kami at mahuli. Lalo na may idea na si Engineer Markin na may tao sa likod ng kotseng ito. "Pinatulog ko nga pala ang mga tauhan mo. Kaya walang bodyguards si Theza babe." Ang gago talaga niya! Bakit niya ba iyon ginagawa? "Saan mo dinala si Theza Marie?!" sigaw ni Engineer Markus. Nasa boses ang lamig at seryoso. "Sa parking." "Sa parking, hindi rito... Wala--" "Na-stuck siguro sa isang kotse. Sinabihan ko na siya--" "What are you two doing here?" Napaigtad ako sa gulat nang marinig ko ang pamilyar na baritonong boses niya. Malutong na napamura pa ako kahit na hawak-hawak ko si Markiana. Maski nga ang anak ko ay napatili sa gulat. Aba, marunong nang magulat at tumili pa. Sa halip na umiyak. "Tsismosa," I heard him murmured and I mentally pointed my daughter. "Siya lang," sabi ko at kumunot ang noo ni Markiana. "At dinamay pa ang bata," sabi niya at kinuha niya mula sa akin ang anak ko. Hayan na naman! Sana kasi ay umuwi na lamang kami kanina pa! Nanigas ang katawan ko nang makaramdam ako ng kuryente na dumaan sa aking katawan nang dumausdos sa baywang ko ang braso niya at napakapit ako sa damit niya dahil inalalayan niya akong makatayo mula sa pagkakasalampak ko sa sahig. Gentleman... "Umuwi na kayo. Hindi kayo puwedeng manatili pa rito," malamig na sabi niya. Ibibigay niya na sana sa akin si Markiana nang tumalikod siya mula sa akin at yumakap ang matambok niyang braso sa leeg ng kanyang ama. Sinuksok pa ang mukha niya sa leeg nito. "Markiana!" tawag ko sa pangalan ng anak ko at sinamaan ako nang tingin ng Tata niya. Nilabanan ko naman ang mga mata niyang malalamih, aba hindi ako magpapatalo sa kanya. "Huwag mong sigawan ang bata," suway nito sa akin. "May favoritism na ang baby na 'yan!" sigaw ko at tumaas ang sulok ng mga labi niya. Pinakawalan na nga niya ako at marahan na hinagod ang likuran ni Markiana. "He's making a funny laugh behind my neck. He's adorable... Let's go. Hindi ko kayo puwedeng iwan dito. Delikado," sabi niya at hinila ang kamay ko saka kami nagtungo sa kung saan. Naabutan namin ang Kuya niya na pilit na pinaghahampas at pinagsusuntok ang bintana ng isang sasakyan. Nakabukas din ang mga ilaw nito. Halatang may tao nga sa loob. Sino naman kaya iyon? Si Ms. Theza na kaya? "Ano'ng nangyari?" kinakabahan na tanong ko. "She's been stucked inside the car. I need to help my brother," aniya pero ayaw talagang bumitaw ng anak niya. "Markiana... Love, please..." Umiling lang ito at napabuntonghininga na lamang ako. "Masyado kang clingy, Markiana Reyan..." I whispered. "Where are you going?" naguguluhan na tanong niya. "I will help your brother!" sagot ko at tumakbo palayo sa kanila. Narinig ko pa ang pagsigaw niya, "Fvc--Rea, comeback here!" Hindi ko siya pinakinggan at naghanap ako ng mga bagay na puwedeng ipambasag sa salamin ng bintana ng kotse. At may nakita nga akong isang lalaki na may dalang baseball ba. Patakbong nilapitan ko siya at inagaw mula sa kanya iyon. "Pahiram lang ako, Kuya! Sandali lamang!" ani ko at kumuha na rin ako ng bola saka ako bumalik sa pinanggalingan ko kanina. "Hey! Ibalik mo sa akin 'yan!" Pumuwesto ako sa tapat nang sasakyan at nanlaki pa ang mga mata ni Markin. Nagmamadaling nilapitan niya ang Kuya niya at kasabay ng paghampas ko ng bola. Diretso ito sa front mirror ng kotse at nakita ko ang pagbasag no'n kasabay nang pag-alingawngaw ng sasakyan. "Fvck! Muntik na ang Kuya ko ro'n!" sigaw ni Markin at hindi ko alam kung nasaan na si Markiana. "Sorry!" nagsisising sabi ko nang napatingin sa akin si Engineer Markus. Gulat na gulat ang mukha niya ng pero parang umiiyak siya. Nakalimutan ko kasi! "Fvck, baby!" At doon nakita namin si Ms. Theza. "Wake up, baby... Call the ambulance, Markin." "Right away, Kuya." "Baby... Oh, shet... S-Sino'ng may gawa nito sa 'yo?" Mahal na mahal niya nga talaga ito. Tumawag ng ambulance si Markin at nang maalala ko ang anak ko ay nilapitan ko siya. "Si Markiana?" tanong ko. "Shet!" malutong na mura niya at lumapit sa isang kotse, sumunod naman ako at hindi ko napigilan ang hampasin ang likuran niya. "Bakit mo ibinaba riyan ang pamangkin ko?!" parang maiiyak na na saad ko. Pinaupo niya lang sa sahig ang baby ko habang nakasandal siya sa gulong ng sasakyan. Mabuti at hindi ito malikot. "Hindi pa siya nakauupo ng mag-isa, Brilliantes!" sabi ko at naunahan niya ako sa pagkuha sa bata. "I'm sorry, Lotus... I don't have any choice... Hindi ko naman siya puwedeng ilapit kanina kay Kuya. Baka matalsikan siya ng salamin," he reasoned out. "Eh, paano kung dumating ang may-ari ng kotseng 'yan at umandar?! Mas masasaktan siya! Nag-iisip ka pa ba, ha?!" asik ko sa kanya. "I'm sorry, okay..." sabi niya at mariin na pinikit pa niya ang mga mata niya. Halatang nagsisisi nga siya. Mumurahin ko na sana ulit siya nang makita ko ang coat niyang maayos na nakabalot kay Markiana. Nag-iwas na ako nang tingin nang maglaho ang galit ko sa kanya. May tumawag sa phone niya at mayamaya lang ay narinig na namin pareho ang tunog ng ambulansya. Lumapit na ulit kami sa kapatid niya. Grabe ang pag-aalala niya. May mga tao na rin sa parking na puro nakaitim na outfit. Ang gandang tingnan... "May nahuli nang salarin, Kuya. Go with Theza. I'll handle this. She's gonna be fine, Kuya." Iyon siguro ang ibinalita sa kanya kanina. Nang makaalis na ang ambulansya ay naglakad naman ako palapit kay Engineer Markin. Sinilip ko pa ang anak ko, "Akin na ang pamangkin ko," sabi ko. Markin looked at me without emotions on his face. I frowned. "Sabihin mo muna kung saan tayo unang nagkita," malamig na sabi pa niya. Hindi ko alam kung bakit iyon ang tinatanong niya. Eh, alam naman niya kung saan kami unang nagkita. Muntik na akong mapaismid. "It does matter?" tanong ko at bahagyang nakataas ang isang kilay ko "To me, yes. You're so fvcking familiar." "I hate your bunganga, ah. Napakabastos ng lumalabas diyan," supladang sabi ko at hinawakan ko ang maliit na matambok ma braso ng aking anak. Aba, ang favoritism nakatulog na! "Ang himbing nang tulog niya," wala sa sariling sambit ni Markin. Ayokong mas magtagal pa kami na kasama ang ama ng anak ko! Pero nang pinipilit ko namang kunin ang anak ko mula sa bisig niya ay uungot siya nang iyak at mahinang yuyogyugin naman niya ito at komportable talaga siyang humilig sa balikat ng Daddy niya. Kaya mas lumambot ang puso ko. "Akin na..." Pero umiwas lang ang gago! "Tulog na nga ang bata..." sabi pa niya at nanlaki ang mga mata ko nang maglakad na siya palayo kaya hinabol ko siya. "Uuwi na kami!" sigaw ko at napapadyak na lang ako sa inis dahil tila wala siyang naririnig! "Engineer Markin!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD