CHAPTER 28

2600 Words
Chapter 28: The value and morning kiss ANG AKALA ko ay matutulog na si Engineer Markin dahil mukhang inaantok na talaga siya, eh. Namumungay na kasi ang mga mata niya at ang bigat-bigat na ng pagkurap niya pero nanatili pa ring dilat ang mga mata niya. Huminto na rin si Markiana kaya mabilis na tinakip ko ang mga mata ni Markin na ikinagulat pa niya. Ibinaba ko ang damit ko para ayusin ito at saka niya lang tinanggal ang kamay ko. "What was that?" naguguluhang tanong niya sa akin pero napako lang ang tingin niya sa dibdib ko. Tumaas ang sulok ng mga labi niya at sa paraan lang iyon ay parang hinipan ng kung ano ang batok ko. Tumayo ang balahibo ko dahil sa kanya. Hindi naman siya multo pero ganito kalakas ang epekto niya sa akin. Palagi akong kinakabahan kahit hindi naman siya katakot-takot. "Bakit kailangan mo pang itago 'yan sa akin? Makikita ko naman, ah. Saka nakita ko naman na, baka nakalimutan mo," nakangising sabi niya. Ang yabang-yabang niya talaga. "Ang bastos mo talagang engineer ka!" asik ko sa kanya at mabilis na sumenyas siya na tumahimik ako. Bumuntonghininga ako at napatingin kay baby Markiana na nakahiga sa gitna namin. Napangiti ako dahil tulog na siya. Inayos ko ang pagkakahiga niya at si Markin naman ang nagtaas ng kumot sa maliit na katawan nito. "She's beautiful...just like her Mommy ganda..." I rolled my eyes. Bola. "Matulog ka na," ani ko at pumikit na rin ako para makatulog na. Ito ang unang beses na matutulog kami ni Markiana na katabi ang Daddy niya at nasa iisang kama pa kami. Ito rin ang pangalawang beses ko na makatabi siya pero nahihiya pa rin ako. Nahihiya ako sa presensiya niya, eh. Umayos din ako sa pagkakahiga ko at pipikit na sana nang pigilan niya ako. Kunot-noong tiningnan ko siya. "Bakit?" nagtatakang tanong ko sa kanya. Nakahiga siya nang paharap sa amin. "I can't sleep," sabi niya. Mukhang problema niya ang hindi makatulog ngayong gabi. Namamahay siguro'to. "Problema mo na 'yan," pambabara ko sa kanya. Itinukod niya ang siko niya sa kama at ginawa niyang unan iyon. "Let's talk about Markiana," seryosong sabi niya at nang tumingin siya sa anak niya ay mabilis nanlambot ang ekspresyon ng mukha niya. Hinaplos niya ang pisngi nito at napangiti pa siya nang bahagyang ngumuso ang namumulang labi nito at mahihinang baby sounds ang lumabas dito. Bukas ang ilaw sa loob ng silid namin. Hindi ko naman kasi ito pinapatay kapag matutulog kami ng baby ko. Dahil ayaw niya sa madilim na lugar. Mabilis siyang umiyak dahil natatakot siya. Sino namang baby ang hindi matatakot sa dilim? "Okay lang ba sa 'yo na itago na muna natin siya from my family?" nag-aalangan na tanong niya sa akin. Hindi pa man ako nakasasagot ay nagsalita na siya ulit, "I want her to be safe too. Ayoko siyang itago mula sa pamilya ko, proud na proud ako sa anak ko, Rea... Masaya ako na dumating siya sa buhay ko. Masaya ako na naging anak ko siya. Masakit man sa parte ko ang itago siya at hindi ko maipakilala sa mundo na anak ko siya...ay hindi ko rin kayang makita na masasaktan siya at hindi tanggap ng pamilya ko. Mas mabuting... ililihim ko na muna ang tungkol sa kanya," mahabang sabi niya. Tila may isang malambot na bagay ang humahaplos sa puso ko nang marinig ko ang mga katagang iyon. Mahal na mahal niya nga ang anak niya. Nakikita ko ang sinseridad sa mga mata niya. Nakikita ko ang pag-aalala at pagmamahal at the same time. "Naiintindihan ko naman," mahinang usal ko. Napatitig na naman siya sa akin. Parang pati ang kaluluwa ko ay nakita na niya. "Bigyan niyo lang ako ng oras...nang sapat na oras para maghanda sa pagpapakilala ko sa kanya kina Dad..." namamaos ang boses na wika niya. Tinanguan ko lang siya. "Pero paano kung hindi talaga siya matatanggap ng parents mo, ng pamilya mo?" nag-aalalang tanong ko sa kanya. Mahirap kaya tanggapin ang isang bagay na may kinakatakutan ka, lalo na kung ikasisira ito ng sarili mong buhay at pamilya. "Kung hindi siya matatanggap ni Grandpa, nina Uncle at Dad. My brothers and cousins, tatanggapin siya..." Nagsalubong ang kilay ko sa sinabi niya. Strict nga ang Grandpa niya, ayaw ng clan nila na magkaroon ng apo o anak na babae. Kaya imposible rin na matanggap ng mga kapatid at pinsan niya ang anak ko. Napakaimposible kasi... "Baka hindi," sabi ko at sinabayan pa nang pag-iling. Unti-unting tumaas ang sulok ng mga labi niya. "Kuya Markus, suplado pa iyon kaysa sa akin. Strict din like Grandpa, but he will love Markiana eventually. Kung ayaw niya sa mga katulad ng anak ko? Hindi niya bubuhatin ang baby natin. Hindi niya iisipin na anak ko siya dahil may nakikita siyang kamukha nito..." Natahimik ako at inalala ko ang first encounter ni Markiana kasama ang Tito Markus niya. Napatango-tango naman ako. Naalala ko na kasi. Tama siya. Mahilig din yata sa bata ang Kuya niya pero ang akala niya ay lalaki si Markiana. Iba pa rin iyon. "How about the others?" interesadong tanong ko. Gusto ko lang talagang malaman ang mga opinyon ng iba tungkol sa anak namin ni Markin. "My twin brother, Mergus? Michael and Miko? Mikael? Do you want me to mention my cousins' name? Silang lahat? My Uncle Godfrey?" aliw na aliw na tanong niya sa akin. Sinimangutan ko siya. "Trust me, kulot. Hindi sila magdadalawang isip na tanggapin bilang pamangkin niya ang baby natin. Ang una nilang naging pamangkin," saad niya. Tinaasan ko siya ng kilay. "Paano ka nakasisiguro na ang anak mo ang una nilang pamangkin, ha? Baka may anak na rin ang mga iyon at pinagtaguan lang sila. What if puro mga babae pala ang mga babies nila at alam nila ang tungkol sa family history ng clan niyo?" nang-aasar na sabi ko. Siya naman ang natahimik at mas kumunot ang kanyang noo. Mahinang natawa ako dahil nahulog yata siya sa malalalim na pag-iisip. "Pero alam ko... Matatanggap nila si Markiana. Kung ang mga magulang namin ay kayang itakwil si Markiana... Hindi ang mga kapatid at pinsan ko, Rea... Dahil alam ko rin kung mangyayari din ito sa kanila ay gagawin din nila ang ginawa ko," seryosong sabi niya. Mas lalo akong humahanga sa kanya, dahil sa mga binibitawan niyang mga salita. Kayang-kaya niya talagang ipagtanggol ang anak niya laban sa angkan nila. "Paano kung... papipiliin ka nila? Ang pamilya mo ba o ang anak mo?" tanong ko. Hindi siya nagdalawang isip na sagutin ang tanong ko. Sobrang bilis niyang sumagot. "I can give up everything I have right now, Rea. Isang bagay lang ang hindi ko kayang bitawan..." sabi niya na sinadyang ibitin ang sasabihin. Bigla ay nakaramdam ako ng kaba. Ano kaya iyon? Ano naman kaya ang isang bagay na hindi niya kayang bitawan? May kinalaman kaya si Leighton dito? Si Leighton kasi ang first love niya, 'di ba? Baka siya ang dahilan? "Ang talikuran ko si Markiana, 'yan ang hinding-hindi ko gagawin. Hangga't nabubuhay ako ay ang anak ko pa rin ang pipiliin ko, sa lahat... Maging ang pamilya ko, Rea... Mas gugustuhin ko ang itakwil ako ng mga magulang ko, huwag lang ang itakwil ko ang sarili kong anak... Anak ko 'yan... Mahal ko..." Umawang ang labi ko sa gulat nang makita ko ang pagtakas ng luha niya sa kaliwang mata niya. "Mas mahalaga para sa akin si Markiana... For all the things that I own, she's the only one I'll forever hold at hinding-hindi ko siya susukuan. Never." Bumibigat ang talukap ng mga mata ko at hindi ko na yata kaya pang makinig sa mga kuwento niyang nakatataba ng aking puso. Grabe naman talaga ang pagmamahal niya sa baby namin kahit ilang araw lang silang nagkakilala at nagkasama. "Are you sleeping already?" he asked me. Dahil sa sobrang antok ko ay tila paungol na lamang ako kung sumagot. Naramdaman ko naman ang mainit at malambot na pagdampi ng isang bagay sa noo ko. "Sleep now, baby..." Iyon lang ang huling narinig ko mula sa kanya saka ako tuluyang nakatulog. PAGGISING ko kinaumagahan ay wala na sa tabi ko ang dalawa. Maayos na ang kumot ko sa aking katawan. Napahikab ako saka ako dahan-dahan na bumangon. Sinuklay ko lang gamit ang mga daliri ko ang mahaba at kulot na kulot kong buhok saka ko inayos ang pagkakapusod nito. "Nasaan na kaya ang dalawang iyon? Maaga yatang nagising, ah. Excited makipagkulitan sa isa't isa, 'no?" ani ko sa sarili habang pababa na ako sa may sala. Walang tao roon kaya tinungo ko ang kusina. Si Nanay lang ang nakita ko na naghahanda para sa almusal namin. "Good morning, 'Nay," bati ko sa kanya nang makalapit ako sa puwesto niya. "Magandang araw rin sa 'yo, anak," bati rin pabalik sa akin ni Nanay. "Nasaan po sina Lola?" tanong ko at tinungo ko ang banyo namin para umihi. Hindi pa sumagot si Nanay at pinatapos pa ako. Lumabas ako mula sa banyo at lumapit sa may ref namin at binuksan iyon para makakuha ng pitcher. Nagsalin ako ng tubig sa baso. "Ang Lola mo ba ang hinahanap mo o ang mag-ama mo?" balik na tanong sa akin ni Nanay at muntik na akong masamid ng tubig na iniinom ko. Pinunasan ko ang ilang butil sa gilid ng mga labi ko at nilingon ko si Nanay saka ko siya sinimangutan. "Ang aga-aga po, 'Nay. Ang pilyo niyo, ha," sabi ko at tumulis lang ang nguso ko. Lumapit ako sa mesa nang mabilis na nakalapit din siya sa akin. "Tingnan mo sa labas, anak," seryosong sabi niya at kinabahan naman ako. Ano na naman kaya ang pinagagawa nina Lolo at Tatay sa Daddy ni Markiana?! Ano na naman ba?! Baka pinapahirapan na naman nila ito! Hindi na ako nagpahila pa sa aking ina dahil kusang tumakbo ako at tiningnan ang nangyayari sa labas. Naramdaman ko naman ang pagsunod sa akin ni Nanay. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko si Engineer Markin. Walang saplot pang-itaas at lumang pantalon na masyado ring bitin sa kanya ang suot-suot niya ngayon sa pang-ibaba. Naka-tsinelas din siya. Pawisan na siya dahil kumikintab ang bandang dibdib niya at ang pandesal--este iyong abs niya ay litaw na litaw. Basa na rin ang buhok niya na ng pawis. Sa hindi kalayuan ay nakita ko si Lola Areah, nakaupo lamang siya at kandong-kandong niya ang baby ko na napapalakpak lang na nanonood din sa Daddy niya. Tuwang-tuwa na makita ang tatay niyang hubadero. Sina Lolo at Tatay ay nasa hindi kalayuan din na puwesto nina Lola. Nagsisibak ng mga kahoy si Markin! Hala hindi siya sanay gumawa niyan! Hindi ako napansin ng apat pero ang anak ko ang unang nakakita sa akin habang papalapit ako sa kanila. "Mam...ma!" pabulol na tawag pa niya sa akin at napaigtad pa sa gulat si Lola Areah. Nawala ang atensyon ko sa kanila at natuon iyon sa lalaking huminto rin sa pagsisibak niya ng mga kahoy. Hindi halatang pagod siya sa mga trabaho na hindi naman siya sanay na ginagawa. Mas sanay siyang magbilang ng mga numero. Una ko siyang nilapitan at umayos siya sa pagkakatayo niya. Namumungay ang mga matang tiningnan ako. Aba, bakit ganyan makatingin? Kinakawawa na siya ng pamilya ko. Tss. "Hindi mo kailangang gawin 'yan. Hindi ka sanay riyan, eh," suway ko sa kanya at nagawa ko pang pitikin ang pisngi niya nang hindi rin ako nahihirapan na abutin iyon. Ang tangkad niya, eh. Wala sa sariling hinaplos niya lang ang pisngi niya at nagsalubong ang kilay niya. "Good morning," malambing na bati pa niya sa akin. Napasinghap ako sa gulat. "Tigilan mo na nga 'yan, kaya naman 'yan ni Tatay, eh," ani ko at sinulyapan ko sina Tatay at Lolo. Masama ang tingin ni Tatay kay engineer at si Lolo naman ay panay ang pag-iling niya. Mas nakakatakot ang hitsura ni Lola Areah. Kaya hindi nagtagal ang tingin ko sa kanya. "Hayaan mo na ako." Ibinalik ko ang tingin ko sa kanya nang magsalita siya. "Kahit hindi na kailangan. Bakit mo ba ginagawa ito?" nagsusungit na tanong ko sa kanya. "Parte ito ng panliligaw ko sa 'yo, Rea... Hayaan mo na ako, baby..." Umikot ang mga mata ko sa sinabi niya. Seryoso talaga siya sa panliligaw na 'yan?! "Pero mahihirapan ka lang, eh," saad ko, "Hindi ka sanay sa trabaho namin dito," dagdag pang wika ko. "Kaya ko. Wala lang ito sa akin. Hindi lang ako engineer. Tumutulong din ako sa pagbubuhat ng mga materyales sa site, Rea. Marami akong kayang gawin na trabaho. Kaya kapag itinakwil ako ng pamilya ko... Kahit maging carpenter ay ayos na sa akin. Iyon ay kung tatanggapin mo pa ako," sabi niya. Hindi ko alam kung nagbibiro lang ba siya o ano pero hindi ko na lang siya binigyan pansin pa. Hahawakan ko na sana ang kamay niya para ilayo na ang bagay na hawak niya nang siya naman ang humila sa aking kamay. "May kaya pa pala akong gawin," sabi niya at mukhang mang-aasar na naman siya sa akin. "Ano?" naiinis na tanong ko at pinagtaasan ko pa siya ng kilay. Umiwas ako nang tingin sa kanya dahil inilapit niya ang mukha sa akin. Sa mga oras na iyon ay parang nakalimutan namin na may taong nanonood sa amin. "Kaya ko rin gumawa ng baby..." Sa puntong iyon ay hindi ko siya hinayaan na magwagi. Kahit nakakapang-init ng pisngi ang sinabi niya. Ang yabang-yabang niya. Palibhasa may Markiana na! "Talaga? Wala ring saysay ang sperm mo kapag walang partner," nang-aasar na sabi ko at tumaas lang ang sulok ng mga labi niya. Bumuka ang bibig niya para sana magsalita nang sumigaw na si Tatay. "Kakain na tayo ng almusal! Tama na 'yan!" sigaw ni Tatay at umismid pa sa amin saka siya naglakad palayo. Humaba ang nguso ko dahil mukha bad trip ang father ko, ah. "Isama mo ang kamukha ni Markiana, apo ko," ani naman ni Lolo Henriko na ikinangiwi ko pa. Sinabi ko na sa kanila ang pangalan nito pero heto pa rin sila. Kamukha ni Markiana pa rin ang tawag nila kay Markin. Lumapit naman sa amin si Lola Areah at ibinigay sa akin ang anak ko. Mariin na kinurot pa niya ang baywang ko. Nakita iyon ni Markin pero nahuli na siya dahil tinanggal din naman agad ng abuela ko. "Ang bad mo po, Lola," naluluhang sambit ko. Inakbayan siya ni Lolo at pinagtawanan lang ako sa huli. Naibalik ko lang ang tingin kay Markin nang maramdaman ko ang marahan na paghaplos niya sa nananakit kong baywang na kinurot ni Lola. "Okay lang ako," utas ko at tiningnan ko ang baby ko, "Good morning, love. Maganda ang gising natin ngayon, ah? Early bird tayo?" ani ko at hinalikan ko ang noo at pisngi niya. Bumungisngis lang siya. "Where's my good morning kiss too?" hirit ng engineer sa akin. Sinamaan ko siya nang tingin. "Magdamit ka na nga at mag-aalmusal na tayo," masungit na sabi ko sa kanya. Umigting lang ang panga niya at ang akala ko ay aalis na rin siya para sundin ang sinabi ko pero yumuko siya... "Hahalikan ko lang si Markiana, ah," defensive na sabi niya. Hinayaan ko siya at inilayo ko talaga ang mukha ko sa kanya. Nagawa niyang halikan ang pisngi ng anak niya pero nagulat ako nang kinabig niya ang batok ko at mabilis na siniil ng halik ang mga labi ko. "Good morning again, baby..." nakangising sabi niya pagkatapos pakawalan ang mga labi ko. "Nakakainis ka!" sigaw ko sa pagmumukha niya na ikinatawa niya lang. Sumabay pa ang makulit naming baby...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD