Possession Entry # 4
" Iha, sigurado ka bang hindi mo na hihintayin na magising si Leandro? Kung gusto mo naman ipagising ko siya para makapagpaalam ka ng maayos, naku!! natitiyak kong mapapagalitan ako ng batang iyon kapag hindi ka niya nakita mam-------------
" Naku, nanay Lydia wag na po. Nakakahiya naman po at maiistorbo ko pa ang tulog ng amo niyo.. sobra sobra na pong pang aabala ang nagawa ko sa inyo simula pa kagabi." ngumiti ako ng pino kay Manang Lydia at umiling iling pa ako.
" Pero Iha-------
May inabot akong piraso ng papel na may sulat kamay ko kung saan nakalagay ang aking buong pangalan at cellphone number. Hindi ko rin maintindihan ang aking sarili kung bakit kailangan ko pang mag aksaya ng panahon para gawin iyon pero gusto ko ulit makita ang may ari ng mga matang iyon. Pagkagising na pagkagising ko nasa aking isipan na ang lalaking nagligtas sa akin mula sa kalokohan na aking ginawa. Nagpapasalamat at nakahinga rin ako ng maluwag na hindi ko siya maabutan na gising dahil hindi ko alam kung papaano siya kakausapin at pakikibagayan. Pero umaasa ako na hindi ito ang huli naming pagkikita. Marami akong narealize ng magising ako.. madami akong sinayang na panahon..madami akong katangahan na ginawa na dapat ay tinapos ko na noon pa.. pero hindi pa naman huli ang lahat.. kayang kaya ko pa rin iyong baguhin lalo na at nangako ako sa aking sarili na hindi na ako papaapi. " Nanay Lydia, pakibigay na lang po ito sa amo niyo. Pakisabi maraming maraming salamat sa ginawa niya sa akin. Sa inyo din po.. nagpapasalamat ako sa pag aasikaso niyo sa akin kahit pa nga ngayon lang tayo nagkakilala." nagulat ako ng ipaloob niya ako sa isang mahigpit na yakap. Hindi ko maiwasang maluha pero pinilit kong itago iyon. . namimis ko iyong ganito, yung may nag aalaga, nag aalala sa akin.. kasi matagal ko ng hindi iyon nararanasan.. kahit pa nga sa aking mga magulang.. simula ng sumama ako kay Jeremy.
" B-bumalik ka dito Sari kapag kailangan mo ng t-tulong at makakausap ha. Wag kang mag alala hindi magagalit si Leandro. Bisitahin mo ako . Sige na magpahatid ka na kay Manong Berto mo nandoon na iyon sa labas at hinihintay ka na. Mag iingat ka iha.." sinasabi niya sa akin iyon habang marahan na marahan niyang hinahaplos haplos ang mga pasa ko sa aking magkabilang braso.. idagdag mo pa ang nangingitim kong pisngi sa kanan.. kahit anong tanong niya sa akin kanina, hindi ko sinasabi kung sino ang may kagagawan noon. Hindi pa.. hindi ko pa kayang magbahagi sa ibang tao ng mga naranasan ko.
" Opo.. maraming maraming salamat po ulit. " hindi na ako lumingon kahit pa nga tinawag niya pa ulit ako. Mabilis akong naglakad papalabas ng bahay na iyon at tinalunton ng aking mga paa ang kinatatayuan ni Manong Berto na nasa tabi ng isang magarang sasakyan. Pinagbuksan niya ako ng pintuan ng makapasok at makaupo ako saka lang ako nakahinga ng maluwag. " Maam, saan po tayo?"
" Sa Greenridge po, sa may Makati. " tumango lang sa akin si Manong Berto at pinaandar na niya ang sasakyan. Mahaba habang byahe ang mangyayari. Ipinikit ko ang aking mga mata at hinayaan kong tangayin ng aking antok..
----------------------
" Salamat po sa paghahatid Manong Berto. Mag iingat po kayo sa pagdadrive. " pahabol kong sabi sa kanya habang sumasakay siya sa sasakyan, ngumiti lang siya sa akin at pinaandar na niya iyon. Puno ng bigat kong pinagmasdan ang kabuuan ng aming bahay. Ni ang paghakbang hindi ko magawa dahil sa oras na gawin ko iyon alam kung hindi magiging maganda ang mga mangyayari.. Papagabi na, nagtatalo na ang liwanag at dilim parang yung mangyayari sa akin sa oras na humakbang ako papasok sa loob ng aming bahay. Pero kahit anong takot at kaba wala akong makapa.
Naglakad ako papalapit sa pintuan ng aming bahay. Inabot ko ang seradura pero laking gulat ko ng akmang pipihitin ko na iyon, bumukas iyon ng biglaan at sinalubong ako ng mga matang iyon na galit galit habang walang babalang hinatak niya ang aking buhok papasok sa loob. Hindi ako makapiyok kahit pa nga parang matatanggal ang aking anit. Tinapangan ko ang aking loob.. nangako ako sa aking sarili na hinding hindi na ako magpapakita sa kanya ng kahinaan, hindi na ako iiyak sa kanyang harapan.. lalaban na ako.. dahil wala siyang karapatan na gawin sa akin ang mga ginagawa niya sa aking p*******t, physically at emotionally.. " Saan ka galing na p*ta kang babae ka?!! Galing ka ba sa lalaki mo?! At talagang may gana ka pang ipangalandakan sa aking harapan ang kalandian mo Sari!! Wag ka ng magkaila, nakita kong may naghatid sa iyong sasakyan!! kailan pa! Kailan mo pa ako iniiputan sa ulo!!? ha!!? p*ta sumagot ka kapag kinakausap kita?!! Wag mo akon--------------
pak
For the first time, nailapat ko rin sa makapal niyang pagmumukha ang aking kanang kamay.. ang kapal kapal ng talaga ng pagmumukha niya.. nakakasuka ang mga ibinibintang niya sa akin samantalang siya ang makati.. ang babaero.. pero sige.. nakakatuwang isipin na ikinagagalit niya ang hindi ko pag uwi sa bahay, ang paghahatid sa akin ni Manong Berto.. gamitin natin ang kakitiran ng kayang utak para makapagsimula na ako ng paghihiganti sa lahat.. sa lahat lahat ng mga ginawa niya sa akin!! Wala akong pakialam kung ilang beses niya akong saktan!! Wala basta maging amanos lang kami.. Ang sarap sarap sa pakiramdam .. lalo na at sa lakas ng sampal na ginawa ko nabitawan niya ang aking buhok kaya nakalayo ako sa kanya ng ilang pulgada.. halos pumaling ang kanyang mukha sa sobrang lakas noon.. kitang kita ko ang bakas ng aking kamay sa namumula na niyang pisngi.. tama lang iyon.. tama lang sa kany-------
" You'll pay for that b*tch!!" hinablot niya ang dalawang braso ko at hinatak niya ako papalapit sa kanya, ang sama sama ng kanyang tingin sa akin, kung dati dati kapag tinitingnan niya ako ng ganoon ay tumitiklop na ako ngayon gusto ko siyang ngisihan para mas lalo siyang mainis sa akin. Halos umusok ang ilong niy--------- madiin niyang hinawakan ang aking dalawang pisngi at idiniin niya doon ang kanyang mga daliri. Muntik na akong mapaungol dahil may pasa pa ako doon pero pinigilan ko ang aking sarili. Hinding hindi na ako iiyak.. hindi na ako magmamakaawa sa kanya.. hindi na ako magmumukhang tanga.. hindi na.." Alam mo ba ang malaking problema na ginawa mo ngayong araw na ito Sari!! I was late on my damn meeting because of you!! kinailangan ko pang magsinungaling kay Papa para lang mapagtakpan ang katangahan mo!! I lied to him para lang wag siyang magalit sa akin dahil nakalimutan mo akong gisingin sa tamang oras iyon ay dahil busy ka sa pakikipaglandian kung sinuman ang ponsio pilatong lalaking iyon na naghati-----------
"hahahhahaha.. look whose talking. Sino ba ang may kalandiang babae sa mismong bahay natin, Jeremy? Baka lang nakakalimutan mo na ikaw iyon.. ikaw.. Kaya wag mong ipasa sa akin ang kasalanan mo. And maybe you dont remember either that your the one whose responsible kung bakit kinailangan kong umalis kagabi dahil sarap na sarap ka pakikipaglampungan sa sawa na babaeng iyon. Kaya wag mong isisi sa akin ang katamaran mo at kademonyoh---------------
pak
Malakas iyon pero ayos lang.. ayos lang sa akin. . dahil ito na ang huling beses na pagbubuhatan niya ako ng kamay.. ito na.. " At kailan ka pa natutong sumagot sagot sa akin ng ganyan Sari!! Wala kang karapatan ni katiting na sumagot sa akin dahil malaki ang kasalanan mo sa aking p*ta ka!! Sino ang pinagmamalaki mo ang lalaki mo?!! Magsis------------
Itinulak ko siya ng buong lakas at hinawakan ko ang aking pisngi na sinampal niya. Nakakapagtakang wala akong naramdamang sakit, kahit luha ko walang pumapatak. . diretso ko siyang tiningnan sa kanyang mga mata at sinabing " Oo sa lalaki ko, Jeremy narealize ko kasi ang mga katangahan at kagagahan na pinaggagawa ko ng dahil sayo.. narealize ko na hindi lang ikaw ang lalaki sa mundo.. narealize kong mas maraming nakakahigi--------- halos mawalan ako ng hangin ng hawakan niya ang aking leeg gamit ang kanyang dalawang kamay, sinasakal niya ako habang nanliliit ang kanyang mga mata sa pagkakatingin sa akin. . pero imbis na matakot.. nakuha ko pang ngumiti.. ganito katindi ang tama ko mula pa kagabi.. parang balewala na ang galit niya sa akin.. wala na.. wala na akong pagmamahal na makapa sa aking dibdib na gaya ng dati.. wala na.. para akong manhid na hindi ko maintindihan pero mas gusto ko na ang ganito kaysa naman yung tinatapak tapakan niya ang p********e ko. " Bawiin.mo.ang.mga.sinabi.mo. Sari!!! Akin ka!! kaya habang buhay kang magdudusa sa piling ko hanggat hindi ko pa nadudurog ang puso mo, ang pride mo ang lahat lahat sayo!! Akin ka!! akin!! sasaktan kita kahit kailan ko gusto!! kaya wala kang karapatang lumigaya!! wala kang karapatang lumaban dahil kabayaran mo ito sa lahat lahat ng kasalana------------
Ganoon siya ka hayup, ganito kasama ang lalaking buong buhay kong minahal.. napakatanga ko.. napakagaga.. " Eh di patas lang pala tayo Jeremy, dahil lalabanan kita. Kung gusto mo ng bastusan, ibibigay ko sayo. Kung gusto mong magdala ng babae dito sa bahay, magdadala din ako..magdadala ako ng lalaki !! kung bababuyin mo ang buong pagkatao.. ganoon din ang gagawin ko sayo..lahat lahat ng gagawin mo ibabalik ko lahat sayo. Tandaan mo yan, Jeremy. " kahit hirap na hirap akong sabihin iyon dahil padiin ng padiin ang pagkakahawak niya sa aking leeg, hindi ko iyon ininda.. ang saya.. ang saya sa pakiramdam yung ganitong nagagalit ko siya ng husto.. yung nakikita ko sa kanyang mga mata ang pagtataka.. yung galit niya na unti unting tumitindi.. ilang segundo niyang pinagmasdan ang buong mukha ko, para siyang may hinahanap doon na hindi niya matagpuan.. pasalya niya akong binitawan at wala sa sariling sinuklay suklay niya ang kanyang buhok ng buong panggigigil. Out of frustrations maybe. Binawi ko ang aking hininga.. pinuno ko ang aking baga baka kasi gawin niya ulit iyon. Tumalikod siya sa akin at dahan dahang naglakad papunta sa kusina pero bago pa siya makalapit doon narinig ko ang buong buo niyang boses na puno ng pag uutos.
" Magluto ka na, nagugutom na ako Sari."
Nakalimutan kong sabihin sa kanya. Wala na akong pakialam sa mga gawaing bahay. Kanya kanya na kami, meaning bahala siya sa buhay,kesehodang mamatay siya sa gutom, mamaho siya at magsuot siya ng maruruming damit wala na akong pakialam.. wala na . " Sorry my bad, nakalimutan kong sabihin sayo na hindi mo na ako katulong ngayon, which means bahala ka na sa buhay mo. Matuto kang magluto ng sarili mong pagkain, maghugas ng pinagkainan mo, maligpit ng mga kalat mo, maglaba ng mga damit mo dahil wala na akong pakialam pa sayo, Jeremy Sandoval dahil tapos na ang pagpapakatanga at pagpapaalila ko sa piling mo. " kitang kita ko ang pagguhit ng galit, pagtataka at pagkatigalgal niya dahil sa mga sinabi ko.. nakakatuwa ang reaksyon niya.. sarap kuhanan ng picture at ipa- frame. Sarap idisplay.. for the first time everybody.. he's speechless.. Walang lingon lingon na tinungo ko ang daan patungo sa aking kwarto kahit pa nga para siyang malalagutan ng litid at ugat sa sobrang pagtawag at pagsigaw niya sa aking pangalan.
" Sari!!"
" Sari, p*ta bumalik ka dito!!"
" Sari!! "
" Manigas ka!! "
Umpisa pa lang ito.. umpisa pa lang..
----------------------
May ngiti sa labing lumabas ako sa banyo dahil galing ako sa napakasarap na paliligo, pakiramdam ko tone toneladang bakal ang nawala sa aking mga balikat. I felt free at the same time happy lalo na ng maalala ko ang mukha niya na punung puno ng hindi pagkapaniwala. Masarap pala sa pakiramdam yung ganito, yung wala kang iniisip, yung hindi ka umiiyak, hindi ka stress.. yung pagiging matapang na alam mo naman na nasa lugar.. Gagawin ko na ngayon ang lahat ng gusto ko.. at uumpisahan ko sa paglabas ngayong gabi. Tama.. matagal akong naburo sa loob ng bahay. matagal akong hindi nakapag bar simula ng makasal ako kay Jeremy.. masyado akong nagpaalipin at naging sunud sunuran sa lahat ng kanyang mga utos.. na hindi ko na naalagaan ang aking sarili dahil puro na lang siya ang aking naiisip..
Binuksan ko ang aking closet at hinanap ko ang pinaka sexy na damit na nakatago sa pinaka dulong bahagi ng aking damitan.. kulay itim iyon, saradong sarado ang harapan pero halos wala naman itago ang likuran.. kapag isinuot ko iyon lilitaw ang makikinis kong mga hita at pati na rin ang aking seksing likuran na asset ko naman talaga. Tinanggal ko ang aking tuwalya at hinayaan iyong malaglag sa aking paanan.. Isinuot ko iyon pati na rin ang red stilettos na 4 inches ang takong.. dammit!! Im sizzling hot. I just put my red lipstick at let my curly and wavy hair on the loose.. Umikot ako ng isang beses pa sa harap ng salamin bago ako tumalikod, kinuha ko ang aking pouch at dire diretsong bumaba .. only to see Jeremy eating instant noodles on the cup mukhang damang dama pa nito ang paghigop ng sabaw, nakatagilid siya sa akin habang nasa kitchen counter siya.. Gusto kong matawa dahil para siyang gutom na gutom dahil pati cup noodles pinatos na niya.. hindi kasi talaga siya marunong magluto.. ngayon marerealize niya kung gaano ako kahalaga sa pamamahay naming dalawa..
Sinadya kong patunugin ang aking mga hakbang para makuha ko ang kanyang atensyon at hindi naman ako nabigo ng mabilis siyang humarap sa akin at nakakatawa ang reaksyon niya, nakabuka ang kanyang bibig habang naglalakbay ang kanyang mga mata sa aking kabuuan, bumagsak sa sahig ang cup noodles na kinakain niya, isama mo pa ang tinidor.. " s**t!! s**t!! s**t!! what the f*ck!!" Napangiti ako ng dahil doon. Ng akmang magtutuluy tuloy ako sa paglakad papalabas ng main door.. doon ko narinig ang dumadagundong na boses niya.
" At saan ka naman pupuntang babae ka?!! "
Lumingon ako sa kanya at nginitian ko siya ng ubod ng tamis kahit pa nga halos patayin na niya ako sa pamamagitan ng tingin. " Manlalalake, sasama ka?"
best day ever!!
epic ang itsura niya!!