POSSESSION ENTRY # 5 Toxic Baby, can't you see I'm calling A guy like you Should wear a warning It's dangerous I'm fallin' There's no escape I can't wait I need a hit Baby, give me it You're dangerous I'm lovin' it Hindi ko mapigilang mapaindak sa saliw ng musika na tumutugtog sa paligid. Hindi ko inalintana ang mga tingin na aking natatanggap sa mga lalaking nasa paligid lamang.. Para silang mga asong laway na laway sa akin. Pagkapasok na pagkapasok ko pa lang sa entrance ng FRIO marami ng mga matang nakatingin sa akin, hindi sa pagmamayabang pero kahit saan ako magpunta nakasunod sila, may mga lumalapit pero mabilis ko silang iniiwasan at tinatarayan.. dahil nagpunta ako sa club na ito para mag unwind, magsaya hindi para makipaglandian. Ipinikit ko ang aking mga mata at di

