"WAHHHHHHH!" sigaw ko at hinihintay ang aking madugong kamatayan.
Wait, ba't wala pa akong nararamdaman?
Ulit nga sisigaw ulit ako baka medyo pangit arte ko.
Isa pa.
"WAHHHHHHHHH!" sigaw ko."Napakaingay mo talagang palengkera ka" nagulat ako ng may nagsalita kaya dinilat ko na ang napakaganda at mapungay kong mata at nakita ko sya sa harap ko na buhat buhat ako? Ng pangkasal.
Hawak nya ko.
"WAHHHHHHHHH!" sigaw ko ulit ng makita ko ng malapitan ang pangit nyang mukha at nagwala. Kaya "ARAYYY!" Saad ko ng hinulog nya ako.
Arayy ang sakit ng pwetan ko.
Samantalang sya pachill chill lang at nakahawak pa sa bulsa.
"HOY BAKIT MOKO HINULOG!" sigaw ko sa kanya at tumayo para pagpagan ang sarili.
"Napakaingay mo eh" saad niya habang nakapamulsa parin."Napakasama mo talagang pangit kang unggoy ka!" Saad ko at tinulak sya ng mahina syempre baka gumanti.
At baka itapon ulit ako sa fountain.
Nagulat ako ng wahhhhhhh.
Lumalapit sya sakin kaya umatras ako.
"Wahhhh joke lang hindi na kita itutulak, lumayo kangaa!" saad ko pero tuloy tuloy parin sya sa pag lapit sa akin at ako naman umaatras.
Kaya tinulak ko sya para hindi na sya lumapit sakin.
Kakasabi ko lang na hindi ko sya itutulak at saka ginilid ko ang tingin ko dahil ang pangit nya.
Kaya ang dalawang kamay ko dumapo sa malambot na parte kaya pinisil ko yun at nagtaka ako kung ano 'yon kaya tumingin ang napakaganda kong mata sa
OMG NAKAHAWAK AKO SA DIBDIB NYA.Nakita ko syang ngumisi."Tignan natin kung sino ang manyakis ngayon" saad nya.
"NYAHHHHH! HINDI KO YAN SINASADYAAAA" sigaw ko.Kaya tinanggal ko na ang kamay ko at tumalikod sa sobrang hiya.Nababawasan talaga angas ko kainis.
"Hindi ka man lang magpapasalamat sakin?" Tanong nya habang nakatalikod ako sa kanya dahil ewan nakakahiya.
"PARA SAAN!" sigaw ko habang nakatalikod. "Niligtas kaya kita sa katangahan mo" saad nya at tumawa.
Wow, ang panget talaga ng ugali.
"Buksan mo na yung gate, ipapademanda talaga kita" saad ko habang nakatalikod nang masama ang tingin.Nagulat ako ng hawakan nya ang buhok ko at lumapit sakin.
"Once you enter, there's no turning back" nagulat ako ng sinabi nya iyon sa tapat ng tenga ko.
Nanlaki ang mata ko.
"Joke lang, eto na bubuksan ko na" saad nya at binitawan na ang ulo ko.
Narinig ko habang nakatalikod ko ang tunog ng susi.Dahil ayokong humarap sa kanya.Nakatalikod akong umalis.
"Bakit hindi ka naharap sakin?" Tanong nya ng narinig kong bukas na ang gate kaya.
Nakatalikod akong naglakad at hindi na umimik. Nang nakalabas na ako tumakbo agad ako papunta sa kinalalagyan ng aking bike.
"HINDI NA AKO BABALIK DITO SA IMPYERNO MONG BAHAY" sigaw ko noong nakasakay na ako sa bike at nagmiddle finger to the world ng hindi parin humaharap sa kanya.
"Sige ingat ka tanga ka pa naman" saad nya. "Pakyu!" Sigaw ko at pinaandar na ang bike. Hays nakaalis narin.
__________
"MGA ATE AT KUYA BILI NA KAYO MURANG MURA LANG ANG MGA ISDA DITO MERONG DILAG AT MERON DING DALAG!".
Sigaw ko dahil mamaya pa naman ang part time job ko tinulungan ko si mama ngayong linggo magbenta ng isda sa palengke.
"Ate may tinda po kayong petchay?" Tanong ng dinalaga.Ibig sabihin beki.
kaya agad naman akong nagtaray. Nakakairita tanungan mo ha.
"MAY NAKIKITA KABANG GULAY HA!" sigaw ko dahil badtrip sya."Tse! nagtatanong lang ang maldita" sigaw nung dinalaga, Kumembot papalayi at umalis na kaya nakita ako ni mama dahil katabi ko lang sya.
"Anak masyado ka namang harsh mag talk" nagulat ako sa sinabi ni mama."HAHHAHAHAH mama anong salitaan yan ang jeje HAHAHAHAHA" tawang tawa ako dahil ngayon ko lang iyon narinig sa kanya.
"Ito kaya ang uso ngayon" saad nya."MA NAMANNN! Hindi kaya bagayyy" saad ko pa. "Nakakaloka ka, nakshie" saad nya at tumawa at nagtawanan kaming dalawa.
Sige ma, magdaldalan nalang tayo wag na tayong magtinda.
________________________
"NYAHHHHHH MAGPAPART TIME JOB NA AKO" saad ko habang katabi si Calyx."Oh eto" saad nya at inabot sakin ang paper bag at sinilip ko ito.
"Yan tubig saka sandwich sabi ni mama bigay ko daw sayo yan gawa nya 'yan" saad nya at ngumiti.
Kaya ngumiti ako pabalik "WAHHH ANG BAIT TALAGA NI TITA" saad ko dahil nga nagdedeliver ako syempre nagugutom ako.Nagulat ako ng kurutin nya ang pisngi ko at ngumiti sya.
"Ang cute mo" saad nya kaya natulala ako. Alam ko naman cute ako nagulat lang ako sa ginawa niya.
Madalang nya lang 'to gawin sakin kaya wala lang nagulat lang ako.
"NYAHHHH STOP TOUCHING ME" shala napaenglish ako. Kaya binitiwan nya ang pisngi ko.
"Aalis na ako bye!" Saad ko at umalis.
Ewan ko nakakailang lang masyado na syang mabait dapat na siyang ipatumba joke.
Hayyyssss kapagoddd umupo ako sa table na nakita ko pagkatapos kong maghatid ng pagkain.
HAYSSSSS!
Nagbike na ulit ako ng may nakita ang aking mapungay na mata.
WAHHHHH!
Nakita ko na naman syaa! bakit ba lagi ko nalang sya nakikita kainis. Nakita ko siyang naka itim na damit mukhang may pupuntahan dahil naglalakad siya sa madilim na parte ng lugar.
Kaya naggbike ako para magtago, ayokong makita ulit.Naglalakad lang naman sya sa ewan ko kung saang parte ng lugar pupunta yan.
Baka magbebenta ng drugs.Hayss bala nanga. Wala akong pake kung magbebenta yan ng drugs.
Ayoko na ulit makita ang ugok na yan magdedeliver pa ako.
____________
Kanina ko pa sya sinusundan at nandito kami sa madilim na part ng lugar at walang tao."Sabi na tama ang hinala ko " bulong ko at sinisilip sya. Huminto na siya at may tinawagan sa cellphone nya.
Duhhh, tama ang theory ko magtatawag na yan ng buyer videohan ko nga para makulong 'yang kumag nayan.
Kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa at nagsimula na syang videohan."Kulet ka ha, kaya pala ang yaman ng lalaking 'to guys kasi nagbebenta sya ng drugs tignan natin ngayon kung paano sya magbenta" saad ko na para bang nagba-vlog.
"At guys note lang kapag magbebenta kayo ng drugs gayahin nyo 'tong ugok na 'to sa madilim nagtatawag ng buyer" tuloy ko pa at lumapit sa lugar nya ng hindi niya napapansin.
Eto na eto na. Nakita kong may naglalakihang tao ang dumating.Wow mukha ngang nagdudrugs ang mga buyer. Malalaki silang tao at pangit, joke lang.
"So guys wag kayong maingay baka mahuli tayo" saad ko feeling nakalive eh 'no.
"Yun guys may iaabot na ang lalaki" bulong ko para tanging camera lang ang nakakarinig.Ayon, ayonn kuhang kuha ang ginagawa nilang palitan ng droga.
Sabi na ehhh sabiii na masamang tao ang pangit na 'yan.
Nakita kong may binigay na maleta ang dalawang naglalakihang lalaki kay-
Wait nagaway na kami lahat lahat naangasan ko na sya lahat lahat hindi ko parin pala alam pangalan nya?.
'Di bale na ngayon nakunan ko na ito ako na ang hustisya HAHAH.
Makikilala ko rin ang pangalan nya sa wanted list HAHA may nagawa rin akong good deeds.
"Yun, guys zinoom ko na para makita nyo ang abutan nila ng drugs" bulong ko ulit.
Nakita kong nakuha na nung panget na lalaki ang maleta at ewan ko kung anong ginagawa nila pero kulong kayo."Kailangan hindi tayo magingay para madala ko 'to sa police station dahil ako ang liwanag at hustisya" saad ko sa Camera at naglakad na ng dahan dahan upang walang bakas at marka.
Dahil ganun dapat ang maangas.
"HOYYY HULI KAYO MGA GUNGONG KAYO!" Sigaw ko at lumapit sa kanila agad naman silang tumingin sakin."ANONG AKALA NYO MAKAKAWALA KAYO HA!" saad ko ng maangas na postura at bigla naman silang nagtaka at nagkamot ulo.
Sige magmaang maangan lang kayo at inisa isa ko ang mukha nila sa Camera.
"YAN GUYSSS KITA NIYO MGA MUKHA NILA HINDI NA KAYO MAGTATAKA KUNG-" hindi ko natapos ang sasabihin ko ng sumabat yung pangit na unggoy na kriminal.
"Ano na naman bang gulo ang ginagawa mo" seryoso nyang saad."GUYSSS NARINIG NYO YON NAGMAMAANG- MAANGAN SYA HULING HULI NANGA SA CAMERA" saad ko ng may siga style.
Agad naman sya napahawak sa ulo nya."Kahit kailan talaga" saad nya.
At nilagay ko sa mukha nya ang camera.
"SUMAMA NA KAYO SA POLICE STATION MAY IBEDENSYA AK-" nagulat ako ng hugutin ng pangit na lalaking nasa harap ko ang cellphone ko."WAHHHHH SINISIRA MO ANG IBEDENSYAAAAA!" Sigaw ko at WAHHHHHHH.