CHAPTER 3

1252 Words
Grabe ang ganda at ang laki ng bahay habang papasok kami kitang kita na ang nag gagandahang gamit at halaman."Seryoso hindi mo to nakaw?" Tanong ko habang nakanganga parin at tinitignan ang lawak ng bahay. Nasa sala palang 'to pero angas na. Kung may ganito ako madadagdagan lalo angas ko. "Aray-!" Saad ko ng pinitik nya noo ko. "Magluto kana nagugutom nako" utos nya sakin. Lumapit sya sakin at may tinuro. " Yun yung ang kusina" turo nya at umalis na. "HOY SAAN KA PUPUNTA?" tanong ko at nagtataka. Malay ko bang may maari ng bahay na'to tas pag pasok ng may ari ako na yung nahuling kriminal tas sya nakatakas na. Mawawanted pa ako sa t.v tapos nakalagay 'babaeng magnanakaw, Nagutom kaya nagluto sa ninakawan niyang bahay'. Aba, kahihiyan kung ganon. Kaya maaga pang itatanong ko na para basic nalang tumakas. "Maliligo, sama ka?" Tanong nya pa at may pagngisi.Abay, bastos nakawan ko 'tong bahay mo eh."MANYAKIS KA TALAGA!" sigaw ko at pinakyuhan sya. Natawa naman sya at nagpatuloy na umalis.Sige umalis ka lang pag balik mo wala nang laman bahay mo. Joke lang mababawasan lang angas ko dun. __________________________ "LALALALALA LALALALALA LA LA" kumakanta ako habang nagluluto ng yum yum adobo. Lagyan ko to ng lason eh. Pero dahil ngayon lang ako magluluto para sa ibang tao. Special 'to turo pa 'to ni mama. Saka kompleto na dito nasa ref na lahat. Gusto ko ngang uwian si mama ng chocolates eh. "LA LALALA LA LA LAAAAAAAA!" kumanta ako ng malaka dahil eco dito maganda boses ko dito. "Kahit pala mag isa ka maingay ka parin" saad na na ikinagulat ko dahil andoon lang pala sya sa gilid at nakasandal. Hindi ko sya pinansin para maangas."Baka naman natalsikan nayan ng laway mo pff.." pagpipigil nya ng tawa. Kaya dahil wala na ako sa mood ngayon kinuha ko ang panandok para sugurin sya."WALA KA TALAGANG AWA SAKEN!" sigaw ko at ihahampas na sana sa kanya ang sandok na ginamit ko sa adobo ng hinawakan nya yung wrist ng nakataas kong kamay at ang lapit ng mukha nya sakin. Ang pogi nya sa malapita- "YAWAA ANG PANGET MOO!" saad ko at sinuntok sya ng kabila kong kamay."BITAWAN MO NGA KOO!" sigaw ko ulit habang tinatadtad sya ng suntok."Your massage is good" saad niya at natatawa, pinagtatawanan ba nito ang suntok ko!. "Alam mo Angel mas malaki pa kikitain mo kung lilinisin mo itong bahay ko" saad nya. Nag ooffer ba sya? Saka ba't nya alam name ko?. "AYOKONG MAGING YAYA NG UNGGOY!" saad ko ng bitawan nya na kamay ko."Ah unggoy kaya pala natulala ka sakin nung nakikita mo ako ng malapitan pff" pagpipigil nya ng tawa. "NAPAKAKAPAL NG MUKHA MO SA TINGIN MO BA GWAPO KA AT MAY MAGKAKAGUSTO SAY-" napatigil ako ng pagsasalita ng nakalimutan kong "WAHHH ANG ADOBO KOO" saad ko at naabutan ko nalang ang adobo kong sunog na. _______________ "Yan kainin mo yan dahil inaway moko 'yan ang kakainin mo" seryoso kong saad. Nakaupo na sya at handa na ang lahat.Kumain na sya ng kumain. "wow, hindi ka naman pala maarte" bulong ko. " i'm hungry so i don't have any choice but to eat this one" saad nya habang may nginunguya. "Paenglish english pa hindi naman bagay" bulong ko ulit. "KASALANAN MO YAN NOH" sigaw ko. Nakakairita talaga sinayang nya na oras ko.Tulog time ko na dapat eh. "I'm done eating, ligpitin mo na yan at hugasan mo narin" wow, aba ang sosyal talaga nakakairita. "HOY- ANG KAPAL NG MUKHA-" nagulat ako ng naglabas sya ng isa dalawa tatlo apat limang libo. "Wala ka nabang ibang hugasin yan lang?" Mahinahon ko tanong hehe. "Akin nanga" kinuha ko yung pera at binulsa agad baka magbago isip nya."Mas bagay sayo pag hindi ka sumisigaw" saad nya at wow sabi ko bang sabihin nya opinion nya sakin?. "Oo na" at nagsimula na akong maglinis. "Sabi ko sayo eh, sakin ka nalang magtrabaho" saad nya habang nakalumbaba na nagpacute sa kan- Ano porque swinelduhan kalang ng kumag na'to sasabihan mo na agad sya ng cute? Iw Zoe. "TULAD NG SABI KO AYOKO MAGING UTUSAN NG UNGGOY" sabi ko at tinarayan sya. Para lang 'to sa kaangasan ko pero huhu gusto kong tanggapin ang offer nya pero dahil mapride ako no way muna. Natapos ko nang gumawa habang sya nakalumbaba parin at nakatingin dito sa lugar ko.Ang creepy ha may katabi ba ako?May third eye ata 'to. O naka drugs lang. Oo mukha naman syang addict. Nang natapos na ako mag linis at maghugas hindi ko namalayang 9:00 PM na pala. Antagal ko na pala dito. Uuwi na ako at ibibigay na kay mama yung 5k ansaya saya mukhang nabawi si gunggong atleast may 5k ako laki na kaya nito.Naghugas lang ako nagkapera na. Tapos na akong maghugas kaya nagpunas na ako ng kamay. Nang nakita kong wala na siya sa lamesa."Saan kaya pumunta yung gunggong nayon?" Bulong ko sa sarili ko. At lumabas na ako para umuwi ng nakita ko syang nag yoyosi?. Oo tama yosi siguro nagpapangas iyon pwes hindi bagay. Nakaupo sya sa upuan don sa may garden ng kanyang house. Shala, Nakatingin pa sa moon. "HOY UUWI NA AKO AH" sagot ko at saka nagmadali ng mag lakad."Sandali" sambit nya at tinapon na ang sigarilyo at papunta na sa akin. Kaya binilisan ko lakad ko.Nangyare na to ah. "WAHHHH WAG MOKONG ITATAPON SA FOUNTAINN!" sigaw ko sa kanya at tumawa naman sya. Nagmumukha talaga siyang anghel pag natawa. " see you again " saad nya at "AYOKOOO NANG MAKITA KA ULITTTT!" sigaw ko sa kanya at bigla na lang nya akong hinawakan sa ulo. "Wala ka nang magagawa nakatakda na tayong magkita " saad nya at nagpipigil ng tawa. Ang korni. "IWW ANG SAGWA HA! AYOKO BAHALAKAJAN" tinanggal ko ang kamay nya sa ulo ko at naglakad na ng mabilis. "HINDI NA AKO BABALIK DITO TANDAAN MO YAN!" saad ko pa. Nagmumukha na akong maangas ngayon ah.Ha, asa ka hindi na ako babalik. "Sige sabi mo yan ha" pahabol nya pa habang naglalakad na ako palayo. nakakapagtaka ha. Maangas akong naglakad papunta sa gate ng BWISIT! KAASARRR! NAKALOCK ANG GATE! dahil ma pride ako hindi ako babalik. Dati akong akyat bahay kaya aakyatin ko nalang 'to. Pero sa bahay lang naman ng ibon ang inaakyatan ko at yun ay puno pero gate 'to hindi 'to punoo pero kaya 'to. "Well pwede ka namang bumalik para pakiusapan ako" sabi nya pa."AYOKO! 'DI BALE NA" saad ko at nagsimula nang umakyat sa gate. Madali lang to kaya ko 'to. Nakatapak na ako sa gate at agad naman syang magmadali maglakad papunta sa pwesto ko. "Ano bang ginagawa mo?" Tanong nya habang lumalapit na dito. "MALAMANG LALABAS " siga kong sagot at kumapit na sa bakal. "Bumama ka diyan babae" saad nya pero di ko sya pinakinggan. Bahalakajan. Ng pag akyat ko bigla ako dumulas at "WAHHHHHH!" Nahulog ako. Nararamdaman ko na ang pagkislap ng mga butuin habang ako ay nakatingin sa kaulapan. Naghihintay sa aking pagbagsak mula sa madugong kapalaran. Kay ganda at para bang tinatawag na ako ng kalangitan. Ito na ata ang aking kawakasan. Ang kawakasang hindi ko inaasahan. Ito na ba ang aking tadhana? Pinikit ko na ang aking napakagandang mata. Dito na magsisimula ang aking pagkasira. Ang mamatay sa bahay ng panget na unggoy? Kung ganun akin nang tatanggapin ang aking kamatayan. Paano na ang romansyang aking kahaharapin? Grabe mamatay agad akooo!!! wala pa nga akong nagagawa eh ang duga aba, Lugeee. "ARAYYYYYYYYYYY!" _The end_ CHAROT
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD